Chapter 23

90 5 3
                                        

Louise's POV


Pagkadischarge ko sa ospital, niyaya niya ako na sumama sa band practice nila.


Natuwa ako at hindi ko na inisip yung sugat ko sa ulo.


Ang tanging nasa isip ko lang...


Pangarap ko to.


Yung makita siyang magpractice kasama ang mga kabanda niya.


Grabe!!!! Ang saya saya ko!!! Pero ayokong ipahalata kasi baka isipin niya excited ako!


OO KAYA!


Anyway, todo ingat siya saken. Todo alalay. Todo concern. Lahat ata tinutodo niya simula nung mabagsakan ako ng vase sa ulo.


Kung hindi lang masakit mabagsakan ng vase sa ulo eh! Baka hiniling ko pa na sana araw araw akong mabagsakan nito nyahahaha.


Nauna akong pumasok sa loob kasi pinark pa ni Marcus yung sasakyan niya. Pagdating sa studio kung saan sila nagpapractice...


"Louise!" bungad agad ni Justin. "Buti naman nakasama ka. Okay ka na ba?" nagsmile ako.


"Okay na ko. Salamat sa pag-aalala."


"Uy, si Louise oh." Sabat naman ni Martin at Simon tas lumapit din sila samen.


"Kamusta?" –Simon.


"Mabuti na."


"Oh para sayo." Inabutan ako ni Simon ng yakult. "Mabuti yan sa katawan."


"Thank you, Simon."


"Tara, pasok tayo sa loob." Anyaya naman ni Martin tas pumasok na kami.


"Gagalingan namin yung practice para naman bumilib ka samen." Sabi ni Justin habang naglalakad kami papasok sa pinaka practice room.


"Oo nga, ang balita kasi namin... pumunta ka concert namin sa Manila dati." –Martin. Biglang kumapit sa braso ko si Justin.


"Ibigsabihin fan ka namin?" sabi ni Justin tas binatukan siya ni Simon.


"Malamang!" –Simon. Napakamot tuloy ng ulo si Justin.


Nakarating na kami sa loob at nandoon pala si Johnny. Shocks. Ampogi!


"Louise? Good you came." Lumapit siya saken sabay bineso ako.


Parang tumigil ang mundo sa ginawa niya. Lahat kami tumigil sa paggalaw at tanging siya lang ang nagtataka kung bakit kami nakafreeze.


YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon