Marcus' POV
After ng nangyari... hindi masyadong lumalapit si Louise sa akin. Nahihiya daw siya kasi kung hindi dahil sa kanya, baka hindi ako napahamak.
Hindi kasi ako pinapasok sa trabaho dahil kailangan kong magpagaling.
Mabuti nalang din at iba yung lumabas sa balita pero nakarating agad ito sa mga kaibigan ko. Maging sa mga kaibigan ko sa Japan kasama na si Sunny Mina.
Si Sunny yung ex-wife ko sa "We Got Married Global Edition."
Sobrang close namin nito. Parang mas tunay pa nga ata yung pagiging mag-asawa namin sa reality show kesa sa sitwasyon namin ni Louise ngayon eh.
Actually, hindi ko pa pala nasasabi kay Sunny na nagpakasal na ako. Ayoko kasing masira yung image namin dahil naging mabenta sa mga tao yung tandem namin. Saka selosa kasi siya... baka pag nalaman niya na ikinasal na ko... magalit siya saken at madadamay ang pangalan ni Louise sa mga posibleng mangyari. Magmimeet pala kami next month para sa movie na gagawin namin.
Anyway, habang nasa bahay ako at nagpapahinga... binabantayan naman ako ni Louise.
Pero she's different sa lahat ng babaeng concern sa akin.
Binabantayan niya ako but she never talked to me.
She never demanded anything sa pagbabantay niya saken.
Hindi ko tuloy alam kung natutuwa pa ba siya sa ginagawa niya o napipilitan nalang siya.
Ibang iba talaga siya sa mga babaeng nakilala ko.
Hindi siya sweet.
Hindi siya expressive.
Madali siyang mabadtrip.
Masyado syang frank at mean.
Magulo siya kausap.
At parang palagi siyang nagpi-PMS!
But behind her flaws... I can still see her alter ego.
After a month, pinayagan na ako ng doctor na magtrabaho.
Habang nag-aayos ako ng damit ko... pumasok si Louise sa kwarto ko.
"May lakad ka?" tanong ko.
"School. Exam namin." Sabi niya habang inaayos yung gamit niya.
"Ah? Sabay na tayo. Ihatid kita sa school mo." Alok ko.
BINABASA MO ANG
You
Fiksi PenggemarWhen you got to choose from a past lover whom you've promised to have vows with and to a present lover whom you never thought would exchange vows with you. Kristoff is the man she promised to have vows with. Marcus is the man she never thought would...
