Pinag-isipan kong mabuti lahat ng sinabi nila sa akin.
And I need to decide for our future.
Kristoff's POV
I'm Kristoff Arevalo, 23, in a relationship with Louise Madrigal for 6 years.
Nagstop ako nung 2nd year college kami kasi naghiwalay yung mommy at daddy ko kaya napilitan akong magtrabaho para mapag-aral ko yung kapatid ko.
Hindi na ako nakapag-aral ulit hanggang sa nakagraduate na si Louise. Ito pa din ako... isang hamak na cartoonist sa Manila Bulletin. Ito yung pinangbubuhay ko sa aming magkakapatid.
Nurse ang Ate Kris ko pero hindi pa din sapat yung kinikita naming dalawa.
Lumaki kami sa luho kaya sunod sa layaw kaming tatlong magkakapatid. Kaso nung hiwalayan ni daddy si mommy, pati utang niya, iniwan niya samen kaya kahit pagsamahin mo yung kita namin ni Ate Kris, hindi pa din sapat.
Mayaman si daddy pero galit sa pamilya namin yung lolo at lola ko kaya hindi kami makahingi ng tulong sa kanila.
Akala ko, habang buhay na kong magiging malungkot... mabuti nalang at nandyan si Louise para alalayan ako.
Classmates kami nung College at sobrang tahimik niya. Kahit nung naging kami, tahimik at mahiyain talaga siya. Hindi nga siya showy gaya ng ibang girls eh. She's very hard to please. Hindi mo nga malalaman kung kinikilig na ba siya sa mga pinagsasasabi ko o hindi pa kasi... tinititigan niya lang ako pag naglalambing ako sa kanya tas pag nakita niya yung vocalist na crush niya... todo kilig siya. Badtrip! Pero sanay na ko dun. Alam ko naman na deep inside, kinikilig siya saken eh hehe. Yan ang confidence :D
Pero kahit ganyan siya... mahal na mahal ko yan. Feel ko, hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Siya lang yung babaeng pinangakuan kong papakasalan ko.
Dati hindi ako natatakot na pakasalan siya pero ngayon... yung araw na pinakakinatatakutan ko ay dumating na. Nagtanong na siya tungkol sa pag-aaral ko.
Hindi naman sa ayokong mag-aral pero... nag-iipon kasi ako.
Bukod sa pagcacartoonist sa dyaryo, nagpapart time din ako sa isang company bilang messenger.
Bakit kailangan kong mag-ipon?
Dahil gusto ko nang aluking magpakasal si Louise.
Alam ko kailangan naming maging praktikal pero alam ko din na malalagpasan namin ang lahat ng to saka may plano naman talaga akong bumalik sa pag-aaral.
Ayoko lang talaga na mawala pa siya saken.
P-Day (Proposal Day)
BINABASA MO ANG
You
FanfictionWhen you got to choose from a past lover whom you've promised to have vows with and to a present lover whom you never thought would exchange vows with you. Kristoff is the man she promised to have vows with. Marcus is the man she never thought would...