Chapter 14

105 8 4
                                    

Kristoff's POV


Nalaman kong nagpunta siyang SG mula sa mommy niya. Gusto kong sumunod pero pano?


Bakit mo ako iniwan?


Bakit kailangan mo akong saktan ng ganito?


Ano bang ginawa ko para mangyari saten to?


Dahil ba hindi ako nakapagtapos?


Dahil ba hindi ako kasing yaman mo?


Bakit Louise?


Pera at estado ng buhay na ba ang batayan sa pag-ibig?


Hindi ko pa din magets.


Pero dahil mahal kita... lahat gagawin ko para mapatunayan ko ang sarili ko sayo.


Yung naipon ko na para sana sa kasal namin... gagamitin ko muna sa pag-aaral.


Nag-enroll ako at tinuloy ko yung course ko.



1 month after...



2 months...



3 months...



4 months...



Nakapagsimula na ako sa 2nd sem pero bakit hindi pa din ako masaya?


Bakit nalulungkot pa din ako?


Parati akong tulala. Hindi ko na alam yung gagawin ko.


Naaalala ko pa din yung nangyari nung araw na nagpropose ako sa kanya.


Isang araw, habang naglalakad ako papuntang school... hindi ko na namalayang may rumaragasang sasakyan pala na sumalubong sa akin kaya nasagasaan ako.


Nag 50/50 daw ako dahil sa tindi ng natamo ko.


Tatlong linggo din daw akong nasa ICU at dalawang beses ginawa yung operasyon ko.


Sa tindi ng nangyari sa akin... maswerte pa din ako.


Sinagot daw lahat ng may-ari ng kotse yung gastusin sa ospital. Naglabas daw talaga siya ng pera para mabuhay ako. Hindi daw niya ako pinabayaan.


Kung sino man siya... nagpapasalamat pa din ako dahil kung iba yung nakasagasa sa akin... baka pinaglamayan na ako.


Hindi na ako nagkaron ng chance na makilala yung taong nakasagasa at yung taong tumulong sa akin.


Masaya ako dahil nabuhay ako pero sana pala namatay nalang ako...  Bakit? Dahil nung araw na nabigyan ako ng second chance para mabuhay... ay yung araw din nang malaman kong ikinasal na si Louise sa iba.


Ang sakit.


Ngayon malinaw na saken ang lahat.


Ang dahilan kung bakit niya ako tinanggihan ay dahil sa taong pinakasalan niya.


Ayoko ng umasa kaya kahit masakit, pinilit ko siyang kalimutan. At sa aking pagkalimot, doon ko nakilala si Janna.


Schoolmate ko siya at naging malapit kami sa isa't isa hanggang sa nahulog na din ang loob ko sa kanya. Though alam ko sa sarili ko na mahal ko pa din si Louise pero kailangan kong kalimutan at burahin siya sa puso ko.


Nagsimula kami ni Janna at masaya na din ako kasi tinutulungan talaga niya ako na makalimutan si Louise.


Hindi niya kilala si Louise bilang Louise... Rue ang pinakilala ko sa kanyang pangalan nito para kung sakali mang magkita kami ni Louise accidentally, hindi niya iisiping hindi pa din ako makamove on dito.


Alam ko masasaktan siya pag nalaman niya ang totoo pero ngayong may asawa na si Louise, kailangan ko na din sigurong lumagay sa tahimik kasama si Janna.


Pero sadyang mapaglaro ang tadhana...


Makalipas lang ang dalawang linggo mula nang lumabas ako sa ospital, nagbalik si Louise as Pilipinas.


At doon pa kami nagkita sa lugar kung saan kami maraming alaala.


Hindi ko maintindihan yung feeling pero nakita kong naluha siya nang makita niya kami ni Janna.


Does it mean ba na mahal pa din niya ako o nasaktan lang talaga siya dahil sa pagkabagsak niya sa sahig?


I don't understand coz she's not that expressive since then but why do I have this feeling that the moment she saw me with Janna... she was hurt?


Mahal ko pa din siya at gusto ko siyang makausap.


Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ako tinanggihan sa proposal ko.


Kung bakit niya ako iniwan at kung bakit siya nagpakasal sa iba.


Bakit... bakit... at marami pang bakit...


Bakit ba ang hirap sagutin ng tanong na BAKIT?


Pero nung sa kanya ko mismo naconfirm na may asawa na siya... doon ko naisip na... WALA NA TALAGA KAMING PAG-ASA.


Kailangan ko na sigurong kalimutan si Louise at isipin ko nalang si Janna para hindi ko siya masaktan.


The truth really hurts.



*soon*

YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon