Namuhay ako ng hindi ko kasama si Louise.
Wala na akong nagawa. Hindi ko na siya nasundan.
Four months na ang lumipas simula nung umalis si Louise ng bansa.
October na at magsisimula na ang second sem. Makakapag-aral pa kaya ako?
Isa yun sa mga iniisip kong dahilan kung bakit tumanggi si Louise sa proposal ko.
Sino nga ba naman ang magpapakasal sa isang taong hindi nakatapos ng college?
Walang stable na trabaho.
Walang bahay.
Walang pera sa bangko.
Hindi ko siya masisisi lalo na't nagmula siya sa mayamang pamilya.
Nakakahiya naman kung isang katulad ko lang ang sisira sa pangalan nila. Baka lumabas pa na gold digger ako. Ako pa naman yung lalaki kaya naiintindihan ko yung fact na yun.
Kaya yung naipon ko nung mga nakalipas na buwan ay gagamitin ko nalang sa pag-aaral ko. Nag-usap na kami ni Ate Kris na mag-aaral na ulit ako.
Gagawin ko ang lahat para maging karapat dapat ako kay Louise.
Louise's POV
It's been 4 months.
Miss na miss ko na si Kristoff. Kamusta na kaya siya?
Nahihiya pa akong magpakita sa kanya dahil sa nagawa ko nung araw na nagpropose siya.
Gustong gusto kong makasama si Kristoff habang buhay pero dahil sa sinasabi ng mga tao sa paligid ko...
NATAKOT AKO.
Inisip ko yung kahihinatnan ko kapag pinakasalan ko si Kristoff.
Una, hindi siya nakatapos ng college.
Pangalawa, wala siyang stable na trabaho.
Pangatlo, siya pa yung nagpapa-aral sa kapatid niya.
Pano naman yung magiging pamilya namin?
Umiral sa akin yung practicality na tinatanim ng mga tao sa isipan ko at nakalimutan ko na masasaktan ko pala si Kristoff kapag ginawa ko yun.
Pero on the other side, hindi naman pwedeng habang buhay nalang kaming magmamahalan di ba? Dapat may aksyon din para maging maayos ang magiging pamilya namin.
Sa totoo lang, gulong gulo yung utak ko nung araw na yun.
Yung araw na ginawa niyang special at memorable para sa akin.
Tama ba yung ginawa ko na isipin yung magiging future namin?
Was it reasonable enough to reject his proposal?
Kahit ilang buwan na yung lumipas... hindi ko pa din siya makalimutan. Mahal na mahal ko pa rin siya.
*BLAAAAG*
"Aaw." Ang sakit. Sht! May nakabunggo akong lalake. Nasa gilid kami ng kalsada sa Singapore ngayon.
"Huh! Hoy Bulag ka ba?!" sigaw niya.
"I'm so sorry. I didn't notice you." sabi ko habang siya nakahawak sa balakang niya.
"Next time tumingin ka sa dinadaanan mo!" Sabi niya tas parang may hinahanap siya "Where's my phone?" phone? Napatingin ako sa kalsada... yung mismong dinadaanan ng mga sasakyan.
"Is that your phone?" tinuro ko tas tumingin siya. Lalapit na sana siya para kunin yun nang...
*SCREEECH*
"Oh Sht!" sigaw niya.
OMG! Nasagasaan yung phone niya!!!
Agad niyang kinuha ito paglagpas ng sasakyan. Wasak wasak at pirapiraso. Ouch. Kawawang cellphone. Tsk tsk. Aalis na sana ako...
"Where do you think you're going?" sabi niya kaya napalingon ulit ako sa kanya.
"What?" only then I realized na... si Marcus Lee pala yung kaharap ko.
Sino siya?
Siya lang naman yung number one Korean crush ko!!! Siya yung vocalist ng The Treasures!! OMG!
"What what? Augh!! Alam mo ba kung magkano to? And don't you know me?" huh! Eh ang yabang naman pala neto eh! tss.
"I don't care how much it cost and as if I care who the hell you are." Tss. Nagsisisi na ko! HINDI NA KITA CRUSH!
"Huh! You're gonna pay for this!" tinitigan ko lang siya.
"I'll be late from my class and thanks for wasting 10 minutes of my life, dumdum." Tinalikuran ko siya pero sumigaw ulit siya.
"I'm gonna send you to police station if you don't pay for this phone!" lumingon ulit ako at lumapit ako sa kanya.
"If you can." Sabi ko sabay tulak ng malakas at TAKBO LOUISE!!!! TAKBO!!!
Natumba ulit siya at mukhang badtrip na.
"Yah! Come back here, ugly duckling!!" nilingon ko siya habang tumatakbo at nakita kong nakatayo na siya at hinahabol na niya ako. Patay!!!
Hindi ko na alam kung saan ako tatakbo kaya naisipan kong tumawid sa kalsada pero nung tatawid na ako...
Shocks may T-R-U-C-K!!!!
*BLAAAAG*
**soon**
BINABASA MO ANG
You
FanfictionWhen you got to choose from a past lover whom you've promised to have vows with and to a present lover whom you never thought would exchange vows with you. Kristoff is the man she promised to have vows with. Marcus is the man she never thought would...