Chapter 6

2.4K 70 17
                                    


----

Tahimik lang ang naging biyahe nila Frankrich at Rachel pauwi sa bahay nila . Pagkatapos iparamdam ni Rachel na bwiset si Frank sa buhay niya nakatulog na rin ito kaya't maayos silang nakauwi. Baka kasi kapag gising pa ito mas lalo pang maramdaman ni Frank ang sakit ng mga salita ni Rachel.

Pagdating sa bahay nila wala paring malay si Rachel dahil sa kalasingan.

"Rach gising na"- sinisipat ni Rich si Rachel pero patuloy lang itong tulog . Napadako ang tingin ni Rich sa magandang mukha ni Rachel.

"Sana palagi ka nalang tulog para malaya akong titigan ang maamo mong mukha. Napakaganda mo paring talaga." sambit ni Rich sa utak niya habang tinititigan ang malaanghel na mukha ni Rachel

"Kailan ko kaya maibabalik ang ngiti mo? Maibabalik ko pa kaya ang kasiglahan mo? O baka naman SIYA lang ang makakapagpasaya sayo?" tanong ni Rich sa natutulog na si Rachel.

Dahil mahimbing parin ang tulog ni Rachel nagkaroon ng pagkakataong ilapit ni Rich ang kanyang labi sa natutulog niyang asawa.

"Mahal na Mahal kita" sambit ng lalaki sa kanyang minamahal habang magkadikit parin ang mga labi nila.

Napamulat naman si Rachel dahil naramdaman niya na may nakalapat sa labi niya.

Their lips touch. Kahit na nakadilat na ang mga mata ni Rachel hindi parin bumitaw si Rich, Nilasap niya ang mga labing kay tagal na niyang gustong maangkin ulit. Hindi naman ipinagkait ni Rachel ang kanyang labi sa lalaking nagmamahal sa kanya. Nakakaramdam parin siya ng kirot sa kanyang dibdib dahil ang lalaking kahalikan niya ang naging dahilan ng pagkasira ng kanyang buhay. Naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang anak. Naramdaman nalang ni Rich na may tubig na tumulo galing sa mga mata ni Rachel kayat napabitaw siya sa halik.

Gamit ang kanyang kamay hinaplos niya ang mukha ni Rachel at pinahid ang luha.
Sa pagkakataong iyon naalimpungatan si Rachel kayat mabilis na tinabig ang kamay ng lalaki.

"Stay away from me. You Maniac" - pabulyaw na sabi ng lasing na si Rachel sa asawa. At binuksan niya ang pinto ng sasakyan para makababa na siya ngunit dahil sa kalasingan muntik na itong mahulog sa sasakyan maagap naman si Rich kayat nasalo niya si Rachel.

"Tutulungan na kita. Wag ng matigas ang ulo".

Tinulungan niya nga itong makababa sa kotse ngunit muntik na naman itong madapa kaya naman he just carried her immediately- Bridal style. Lasing na lasing na nga Ito.

"Ibaba mo ako. Kaya ko, I dont need your help" pagmamatigas parin ni Rachel. Pero hindi niya pinansin ito kayat tuloy tuloy lang ang pagbubuhat ni Rich kay Rach.

"Kumapit ka sa akin" sabi niya rito at mabilis naman na sumunod ang babae. Hindi na ito nagmatigas dahil hindi niya na din talaga kayang maglakad sa kalasingan.

Kahit buhat- buhat niya ito nabuksan niya parin ang pinto ng bahay buti nalang kasama sa car key ang susi kayat hindi narin siya nahirapan.

Pagpasok nila sa kanilang bahay agad niya itong iniakyat sa kwarto- sa sariling kwarto ni Rachel.

Nagsasalita si Rachel habang buhat-buhat siya ni Rich .

"My Baby Adie" iyon ang paulit-ulit na binabanggit ng babae habang paakyat sila sa silid. Hanggang ngayon masakit parin sa kanya ang pagkawala ng kanyang anak. Isa parin siyang inang nangungulila sa pagkawala ng kanyang anghel.

"Buong akala ko nakamove-on kana. Sa tagal ng panahon na hindi mo pagpunta sa himpilan ng anak natin akala ko okay kana. Iyon pala patuloy ka paring nasasaktan. Kahit na nasasaktan mo ako iintindihin parin kita dahil mahal na mahal kita." Pahayag ni Rich sa asawang ngayon ay mahimbing ng natutulog.

"Hindi ako titigil hanggat hindi tayo nababalik sa dati, hindi ako susuko sa pagmamahal ko sa iyo. Nawala man ang dahilan ng pagmamahalan natin, naglaho man ang masayang pagsasama natin noon. Pangako Rachel babalik iyon. Hindi tayo pababayaan ng anghel ntin na naging dahilan ng kasiyahan at wagas nating pagmamahalan noon" lumuluhang sambit ni Rich.

"Goodnight My Love"muling sambit ni Rich at dinampihan ng isang halik sa noo si Rachel.

---

Maagang gumising si Rich para igawa ng agahan si Rachel. Alam niyang masakit parin ang ulo nito dahil sa hang over kayat gagawa siya ng sabaw para lamang sa asawa.

Bago pumunta sa kusina, dumaan muna siya sa silid ni Rachel. Nakita niya doon ang kanyang magandang asawa na mahimbing paring natutulog.
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi nAng maalala ang halikan nila kagabi. Pagkatapos ng mahabang panahon muli niyang nalasap ang tamis ng halik ng asawa. Lasing man ang babae masaya parin si Rich dahil sa nangyari.

"Good morning My Love" pagbati niya sa asawang tulog parin bago bumaba sa kusina.

Nagluto si Rich ng Fried rice, Chicken soup at ang paborito ni Rachel na grill beef tenderloin on a potato bed. Sanay na siya na pagsilbihan ang kanyang asawa. Noon siya din ang naghahanda ng almusal para sa mga naggagandahang babae sa buhay niya. Para kay baby Adie at Rachel. Habang siya'y naghahanda naalala niya ang masayang kaganapan sa kanilang buhay.


Flashback

"Breakfast on bed" panggising ni Rich sa pinakamamahal niyang mga babae.

" Good morning Daddy" masiglang pagbati ng maliit na boses sa kanya. May kasama pa itong kiss sa pisngi sabay hug. It was Adie- his 3 years old daughter.

"Good morning my princess" balik na pagbati naman ni Rich.
"Nauna ka na namang magising tulog mantika talaga ang Mommy mo" - Rich.

Mahimbing paring natutulog si Rach sa mga oras na iyon. talaga namang palaging unang nagigising ang kanilang anak kesa sa kanya.

"Anong gagawin natin para magising si Mommy, Baby? Tanong ni Rich sa anak.

" Give her a kiss Dad so that Mom will awake na. Just like sleeping beauty" wika ng kanilang anghel.

Ganon nga ang ginawa ni Rich. Binigyan niya ng mainit na halik si Rachel para magising.

"Uhhmm. "Ungol ni Rachel na dahan-dahang minumulat ang mga mata.

"Good morning Mahal na Reyna" pagbati ni Rich kay Rachel. ( hindi pa sila kasal dito)

" Ang aga-aga nagnanakaw ka ng halik" namumulang pahayag ni Rachel ng makita ang posisyon nila ni Rich. Nakadagan lang nman sa kanya ang lalaki.

"Ang tagal mo kasing magising. Naunahan ka na naman ng anak mo" pahayag ni Rich.

"Mga palusot mo. Alis nga" tinulak niya si Rich para maiba ang kanilang awkward na posisyon.

Naaaliw talaga si Rich kapag nakikita niya na namumula si Rachel.

"Good moning Baby" bati ni Rachel sa anak at kiniss sa noo.

" Lets eat our breakfast niya or I'll eat you" Muling banat ni Rich..

"Bastos. Yang bibig mo Frankrich, naririnig ka ng anak mo" namumula sa inis na sambit ni Rachel.

"Hahaha .. MOmmy, Daddy your so cute. Let's eat together na. Pahayag ng isang maliit na boses.

Bumalik sa ulirat si Rich nang may narinig na kalabog galing sa silid ni Rachel. Mabilis niyang pinuntahan ang kwarto ni Rachel upang alamin kung ano ang nangyari sa minamahal.

---
@camzLoveJo

Huhuhu 😭 nagloko ang wattie. Nadelete mga nasa draft ko. Kaya magpapanibago na naman. Sayang yung unang gawa ko nito. Mas nasatisfy ako don .

Vote and comments are much appreciated .

5 comments for next chapter.

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon