This Chapter is for Hannah Rico on Facebook na hinanap talaga ang account ko don. Thank you. 😘
------The Heartless Man.
Rachel's POV
"Because I am physically attracted to you, so you are going to pay me your debts by satisfying this attraction until I can get over you."
"You want to see the twins and for you to pay your three million debts ,WORK and SATISFY ME."
Ang mga linyang iyon ang paulit-ulit na ume-echo sa utak ko. Parang tinutusok ng sibat ang puso ko tuwing naaalala ko ang mga salitang iyon.
Sinubukan ko na namang magpaliwanag sa kanya tungkol sa 3 million binibintang niyang ninakaw ko ngunit sarado ang isip niya sa mga explanation ko.
He want me to work for him para mabayaran ko daw ang perang ninakaw ko sa kanya at para magkaroon ng pagkakataong makasama ang mga bata. Bilang ina na ang nais ay makapiling ang kanyang mga anak, wala akong magagawa kundi sundin siya. Kahit na katiting lamang na oras ang binigay niya para makapiling ko ang kambal.
Kaya, heto mahigit kalahating oras na akong naglalakad patungo sa sinasabing restaurant ni Frankrich. Ito na daw kasi ang unang araw ko bilang empleyado niya kaya't inutusan niya akong bumili ng mga pagkain para sa breakfast meeting na magaganap mamaya.
"From now on, you will be my secretary at susundin mo ang lahat ng gusto ko."
"Suit yourself and buy breakfast for a twelve person, don't you dare call a delivery, I want you to do it on your own."
Nakakainis dahil pwede naman akong magpadeliver pero ayaw niya, halatang pinapahirapan niya ako. Napaka-arte pa nong lalaking iyon dahil may malapit naman na fastfood sa office niya pero ang gusto sa Italian Restaurant pa. Kung wala lang akong kailangan sa kanya baka nabatukan ko na ng ilang ulit. Tsk!
Nanghihina na ang mga paa ko ngunit wala parin akong makitang Italian Reataurant dito. Gusto ko sanang mag-taxi or sumakay ng jeep pero sakto lang naman ang perang binigay niya para sa pambili ng pagkain. Mukhang kulang pa nga e. Napaka-kuripot nadin ng lalaking iyon. Gustuhin ko mang bawasan ang natitira kung pera sa wallet ko kaso baka wala na akong pambayad ng matutuluyan mamaya. Kung kelan naman na kailangan ko si Trish tsaka ko naman hindi mahagilap.
"Sorry Frankrich pero haharapin ko ang hamon mo. Hindi ako susuko makapiling lamang ang mga anak ko, hindi mo ako mapapaalis sa buhay nila, maging sa buhay mo." Wika ng isip ko.
Sa totoo lang nagugutom na ako, pero wala naman akong magagawa. Bukod kasi sa kailangan kong sundin ang mga utos non, wala na din talaga akong budget para kumain. Konti nalang kasi ang natirang pera sa akin at kailangan ko pa itong ipambayad sa aking matutuluyan. Lulunukin ko nalang ang pride ko mamaya at manghihiram ako kay Trish para may pandagdag gastos. Palagi naman na akong lumululon ng pride chicken e.
Nagpasya akong magtanong muna sa traffic enforcer na nakita ko sa daan, baka sakaling malapit na ako sa restaurant na sinasabi ng lalaking iyon.
"Excuse me Sir, may alam po ba kayong Italian Restaurant dito?" Tanong ko sa lalaki.
"Ah! Diretsuhin niyo lang yang daan na iyan Mam mga 500 meters pa ang layo." Sagot niya.
Napahinga ako ng maluwag dahil doon at least medyo malapit na.
----
Pasikat na ang araw nong makuha ko ang mga pagkaing inorder ko. Kalahating oras din siguro akong naghintay, sapat para makapagpahinga ang aking mga paa sa paglalakad.
Napagpasyahan kong maglakad nalang ulit pabalik sa kompanya, hindi pa naman siguro matatapos ang meeting nila. Titiisin ko nalang ang gutom at pagod idagdag pa ang init ng araw sa paglalakad. Hindi ko naman alam kung sadyang napaglaruan lang talaga ako ng tadhana o talagang araw ko ng kamalasan ngayon. Sino ba namang mag-aakalang ngayon pa masisira ang sapatos ko kung kailan naman nagmamadali.
Huminga ako ng malalim saka ko hinubad ito at ipinasok sa bag. Sa madalinh salita, maglalakad ako ng naka-paa para lang makabalik sa kompanya. Sana hindi ako masugatan sa daan dahil quotang-quota na talaga ako sa kamalasang natamo ngayong araw na ito.
"Oh! Rach, bakit ka naka-paa?" Wika ni Trish na mukhang kadarating lang ulit dito sa kompanya. Baka may pinuntahan kanina kaya't biglang nawala.
Hindi na ako sumagot dahil nakikita ko ang halimaw na amo ko, kausap ang babaeng mukhang clown dahil sa kapal ng make-up at kolorote sa katawan. Napatingin sila sa gawi ko at agad na naglakad patungo sa
akin."BAKIT NGAYON KA LANG? THAT IS SUPPOSED TO BE A BREAKFAST NOT LUNCH, NAGUTOM NA ANG MGA BOARD MEMBERS AT CLIENT KO NANG DAHIL SAYO, KADALING TRABAHO HINDI PA MAGAWA NG MAAYOS." Pa-sigaw niyang wika sa akin. Dumagondong ata sa buong lobby ang boses niya.
Nakatungo lang naman akong humingi ng tawad sa kanya. Nahihiya din kasi ako sa mga empleyado niyang nakakakita. Masakit parin palang mapahiya ka sa harap ng mga tao. Mas lalo na kung ang mahal mo ang may gawa nito.
"FRankrich!! " tiim bagang na sambit ni Trish sa kanya upang pigilan ang lalaki.
"Tsk!! What are you waiting for, go and prepare that food in conference room. " utos niya sa akin na agad ko namang sinunod. Nagmadali akong pumunta sa conference room.
"Rachie okay ka lang." Tanong ni Trish na sumunod pala sa akin. Kitang kita sa kanyang mata ang awa. Napatingin ito sa aking mga paa.
Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti bago sumagot.
"Nasira yung sapatos ko kaya nag-paa na lang ako. Hindi naman ako makabili ng bago kasi konti lang ang dala kong pera." Paliwanag ko.
"Come, may shoes ako sa kotse." Paanyaya niya sa akin.
"Mamaya na kailangan ko pa tong dalhin sa conference room. " tukoy ko sa mga pagkaing dala ko.
"Wait me there, kukunin ko nalang. " paalam niya sa akin.
Kasabay ng pag-alis ng kaibigan ko ang pagtulo ng butil ng luha ko. Hindi ko nasabi sa kanya na
pagod ako, pagod na pagod ang katawang lupa ko.
Wala pang kalahating araw na kasama ko si Frankrich, ramdam ko na ang pagod sa buong pagkatao ko.
Kahit punong-puno ng sakit ang puso ko, hindi ito mapagod. Hindi mapapagod na mahalin si Frankrich Troy Gomez.Sana .. Sana nga...
------
Thank you sa mga readers na nag-memessage sa akin ng saloobin nila through Facebook. Hihi 😘And thank you sayo dahil binabasa mo ito. 😘
50 votes and 20 comments for the next chapter. 😊😄😘
Gamsateurimnida 😚😉
--@camzlovejo.
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted Wife // The Heartless Man.
FanfictionBreak The Cold heart of my wife is my operation.