This is it..............
Rachel's POV
Hindi parin ako makapaniwala sa nangyayare.
PATAY NA SIYA.
Hindi matanggap ng puso't isipan ko na mawawala siya sa tabi ko, na iyong taong pinakamamahal ko ay bigla na lang maglalaho. Napakahirap isipin na hindi ko na siya makakasama.
Paano na kami ng kambal?
Paano na ang puso ko?Ngayon palang na iniisip kong wala na siya pinipiga na sa sakit at kirot ang puso ko. Paano pa kaya kapag hindi ko na siya kasama?
Habang patuloy nang pagpatak ang luha ko, mahigpit ko pa ding hawak ang kamay niya.
"Frankrich!! Babe!! Huwag namang ganito oh!!" Ang sakit sa dibdib na makita ang pinakamamahal mo na wala ng buhay.
"Huwag mo kaming iiwan Babe!! Ang daya daya mo naman ea." Pahikbi-hikbi kung saad sa kanya.
"Babawi pa tayo sa mga panahong hindi tayo nagkasama diba?? Babawi ka pa sa kambal.. Babe naman oh!" usal ko sa kanya umaasang sasagot sa mga tanong ko ngunit wala.
"Frankrich!! I'm begging you. Lumaban ka naman oh!! Ang daming malulungkot at masasaktan kung mawawala ka. Babe!! Pleaseeee!" Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi.
"Diba ayaw mong nakikitang umiiyak ako! Please naman Frankrich gumising ka na dyan." Lalo kung hinigpitan ang hawak sa kamay niya umaasa na sana.............sana......sana higpitan niya din ang hawak sa kamay ko kaso....HINDI.
KUNG MAY DIYOS MAN AT NAKIKINIG SIYA. NAGMAMAKAAWA AKO BUHAYIN NIYO ANG ASAWA KO.
Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak.
HE DOESN'T DESERVE THIS.
HE'S SUCH A GOOD MAN PARA MARANASAN ANG GANITONG PAG-SUBOK. MARAMING NAGMAMAHAL SA KANYA.Nanghihina na ako sa tabi niya. Nanghihina na akong hawak ang kamay niya ngunit sa kabila noon hindi ko parin isusuko ang lalaking pinakamamahal ko kahit pa kamatayan ang haharapin namin.
---------
"Nanay!! Nanay Gising" usal ni Charm. Ramdam ko ang paghagod niya sa likuran ko.
"Nak!! halika bigyan mo ng hug si Mama." naalimpungatang sambit ko sa kanya.
"Naa-alala mo na naman si Tatay?" tanong niya sa akin bago niya ako yakapin ng mahigpit.
"How can I forget him? Araw-araw naalala ko siya." nalulungkot na wika ko sa anak ko.
It's been 8 months since that accident happened. Walong buwan na pero hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang lalaking pinakamamahal ko. Hindi parin mabura sa isip ko ang pag-aagaw buhay niya. Paulit-ulit paring bumabalik sa isipan ko ang sitwasyon niya sa hospital.
At heto nga patuloy ko paring naalala ang nangyari."Nanay diba sabi ng doctor huwag po kayo malungkot at mastress. Makakasama sa baby na nasa tummy mo." wika niya sabay haplos sa malaki ng tiyan ko.
"I tried nak!! Ginagawa ko para sa inyo. Para sa magiging kapatid niyo pero hindi ko parin maiwasang isipin ang Tatay niyo." sambit ko sa kaniya.
I'm 3 weeks pregnant when that accident happened kaya ako nawalan ng malay nong araw na iyon. Paggising ko nasa hospital na ako. Si Frankrich ang kauna-unahang hinanap ko ngunit nag-aagaw buhay na pala siya, nong mga panahong kailangan ko siya mas kailangan niya pala ako.
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted Wife // The Heartless Man.
FanfictionBreak The Cold heart of my wife is my operation.