THM Chapter 20 ♥

2.3K 74 11
                                    

The Heartless Man.

Frankrich's POV

Maaga akong pumasok sa trabaho ngayon. Ayoko pa sanang pumasok ngunit may mahalaga lang akong irereview at pipirmahan kaya't iniwan ko muna pansamantala ang mga taong mahal ko sa bahay. Hindi ko na pinapasok si Rachel ngayon dahil balak ko lang din namang umuwi agad para makasama sila.

Nakakagaan pala sa pakiramdam iyong wala ka ng kinikimkim na galit sa puso mo. Iyong nakangiti ka lang at masiglang binabati ang mga tao sa paligid mo.

"Good morning everyone." Masigla kong bati sa mga empleyado ko, pagpasok ko sa may lobby ng kompanya. Halata sa mga mukha nila ang pagkabigla dahil first time ko ata silang binati ng magandang umaga. Yiiee first time, ang tagal ding naging bato ng puso ko.

"G..good morning Sir."sagot nila, halata pa ang takot sa boses nong iba. Panigurado sila iyong mga empleyado kong nasungitan ko.

"Kindly call all the staff, I have some announcement." Wika ko sa ilang mga taong nandoon sa lobby. Mabilis naman silang sumunod sa utos ko at tinawag ang iba pang mga empleyado.

"Hello guys!! Since 3 days to go before Christmas, You can go home early, just make sure na tapos na iyong deadline niyo, Kindly check also your bank account. Nadeposit na doon ang 13th monthpay, bonuses, cash gift and your salary for this month. You can back to work on the second week of January. Merry Christmas & a Happy New Year guyys!!" Wika ko sa kanila na mas lalong nagpabigla sa kanila. It takes a minute bago sila maka-recover.

"Wooooahhhh!! Thank you Sir." Tuwang tuwang wika ng mga empleyado ko. Agad ko naman silang sinuklian ng ngiti.

"Janet, ikaw na ang bahala sa ibang branch natin. Enjoy your vacation guyss." Wika ko bago maglakad papunta sa aking opisina.

"Bait naman na Boss, iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig." Wika ng taong nakasalubong ko as usual sino pa ba kundi ang nag-iisang bully na si Trish.

"Oo iba ang nagagawa ng pag-ibig kaya maghanap kana ng sarili mong pag-ibig, magpapasko na malamig pa din pasko mo. " wika ko na ikinainis niya ng sobra, buti nalang na-ilock ko na pinto ng office ko.


I scan all the documents and papers that I need to sign. After an hour, I already finish my work. I've decided to call Rachel para imbitahin silang kumain sa labas when someone entered into my office.

"Hey Sweetie!! Good morning." Bungad sa akin ni Audrey. She is just a friend of mine, kaso hindi kaibigan lamang ang turing nito sa akin. Hindi lingid sa akin ang nararamdaman niya. Ilang beses niya na tong pinahiwatig sa akin pero ako heto at dedma lang, sinasakyan ko lang ang mga gusto niya dahil ayokong magkaproblema kami ni Mr. Chua- ang ama niya. They have a high shares in our company kung kaya't hindi ko maiwasan si Audrey. Isa din siya sa mga dahilan kung bakit hindi ko maamin kay Rachel na mahal ko parin siya noon kahit na alam ko na ang totoo. Sa tagal ng panahon na kasama ko si Audrey, I know kung ano ang kaya nitong gawin sa pamilya ko. Hindi ko hahayaang mapahamak sila kaya't go with the flow lang ako sa dalaga.

"Oh! Good morning. Why you're here?" Tugon ko.

"Uhmm I've heard na maaga mong pinag-leave ang mga empleyado natin." She answered while massaging my head. Sanay na ako sa gesture niyang ganyan kaya hinahayaan ko nalang.

"Yeahh!! They deserve a long vacation." Tipid kong sagot.

"So can we have a vacation also? You know just like our american tour last year." Komento niya na nagpakunot ng noo sa akin.

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon