Chapter 4

2.3K 79 3
                                    

Frankrich POV

Ang sakit ng ulo ko dahil napakaraming trabaho ngayon dito sa opisina. Ang dami kong kailangang reviewhin at pirmahan na mga papeles para sa kompanya.

Nagleave kasi ako last time para sa ginawa kong surprise sa anniversary sana namin ni Rachel pero hindi naman ito natuloy.

Ang dami kong sinakripisyo nong araw na iyon. Marami akong hindi mineet na client para sa paghahanda ng anniversary sana namin kaya ito ngayon tambak ang trabaho sa opisina.

Sayang lang ang lahat ng effort ko dahil bale wala naman talaga sa kanya ang anniversary namin. Bale wala Lang naman talaga ako sa kanya.


Pero kahit ganon Hindi ko parin siya susukuan. Kasalanan ko naman kasi ang lahat kaya dapat lang to sa akin . Hihintayin ko nalang ang araw na mapatawad niya ako . Sana mapatawad niya pa ako.

"Excuse me Sir" tawag ng aking secretary sa akin.


"Yes Janet. May meeting ba ako ngayon? "

"Wala po Sir. Sir Dominguez cancelled the meeting"

"WHAT? Why?" Nag-aalalang tugon ko sa aking secretary. Mr. Dominguez is one of our big client in my company. Kaya ganon nalang ang pag-aalala ko nong nalaman kong kinancelled nito ang meeting namin.


"Sabi niya po kasi hindi naman daw po kayo matinong kausap ngayon." nahihiyang sagot ng aking sekretarya.



"What do you mean?" Kunot noo kung sagot sa aking secretary. Hindi sapat na dahilan yung sinabi niya sa akin na hindi ako matinong kausap kaya nacancelled ang meeting ko sa isang big client namin.



"Kanina pa po kasi siya tawag ng tawag sa inyo pero hindi niyo po sinasagot. Gusto niya daw po kayong yayain maglaro ng golf para dun na kayo magmeeting kaso wala pong sumasagot sabi niya din na baka daw po na-occupy na naman ni Mam Rachel yung pag-iisip niyo kaya hindi niyo po sinasagot." buong tapang na pahayag ng aking secretary.


"Okay ako ng bahala sa kanya. You can go"


Tinignan ko nga ang cellphone ko at nakita ko ang 28 missed call ni Mr. Dominguez sa akin. Tama siya laman na naman kasi ng isip ko si Rachel kaya hindi ko nasagot ang mga tawag niya.



Pati trabaho ko naapektuhan na dahil sa pagmamahal ko sa asawa, dahil sa pag-iisip kung pano pa kami magkakasundo ulit ng asawa ko .



Magkaibigan kami noon ni Rachel. We are best of friends hanggang sa nawasak yon dahil sa pangyayari sa aming buhay.


Napagdesisyonan ko na pumunta muna sa lugar kung saan mapapanatag ang kalooban ko.
Kinuha ko ang susi ng aking kotse at agad agad na pumunta sa parking lot .


Pagdating ko sa lugar na iyon. Nabigla ako dahil nandito ang babaeng pinakamamahal ko.


Nakatayo doon si Rachel at halatang umiiyak ito. Hindi ko akalaing pupunta siya dito. Matagal na din kasing hindi siya napapadpad sa lugar na ito dahil hindi niya parin matanggap na wala na sa amin ang pinakamamahal naming anghel.



Nalulungkot din ang aking kalooban na nakikita siyang umiiyak. Gusto ko siyang ikulong sa mga bisig ko pero hindi ko magawa baka mas lalo niya akong kamuhian kapag ginawa ko yun.



"Im sorry" bigla nalang lumabas ang mga katagang yan sa bibig ko at agad naman siyang lumingon sa akin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkamuhi niya.



Nang dahil sa akin nawala ang masiglang Rachel. Ang palangiti at Rachel na kinagigiliwan ng lahat dahil sa kanyang angking kabaitan.



Alam ko na kasalanan ko ang lahat kung sana'y tinanggap ko nalang na hindi ako ang mahal ni Rachel hindi magkakaganito ang buhay niya.


Hindi niya sana ako kamumuhian ngayon.


--*--
Thank you sa mga nagbabasa nito.
Meron ba? Kaway kaway po.
Vote and comment are much appreciated .

Papa Frankrich on the side ➡➡ ang hotiie niya noon at ngayon.

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon