Nakakamiss ang CharDawn 😔😢
---
Rachel POV
Kanina pa ako naiinis sa lalaking to. After kasi ng kayabangan niya sa office kinaladkad na niya ako sa kotse niya. Maglulunch nga daw kami pero kalahating oras na ang nakakalipas hindi parin kami nakakarating sa lunch place namin. Tsk! Nagustuhan na atang magmaneho at wala ng balak itigil ang sasakyan.
"Saan mo ba ako balak dalhin ha!" Nakasimangot na tanong ko sa kanya. Naiinis parin ako. Aba'y kumakalam na din ang sikmura ko. Nagsusumigaw na ang mga cells ko sa gutom, enjoy parin sa pagdridrive ang loko.!.
"Just wait Honey makakarating din tayo don." He said. Nagawa pang kumindat ng gwapong adonis na mayabang na pogi na nilalang na to.
"Akala ko ba maglulunch lang tayo? Mag aalas-dos na mukhang wala ka pang balak kumain ah." Frustrated kong wika sa kanya. Buti nalang at pinagpaalam niya ako sa Boss ko kung hindi masasapak ko na tong gwapong Rich na to. Ang dami ko pang gagawin sa office e sinasayang niya ang oras ko.
"Hindi pa ako gutom. Makita lang kasi kita busog na busog na ako." Nakangising banat niya. Ang dami ding kasweetan sa katawan nitong lalaking to.
"Kikiligin na ba ako?" Pambabara ko sa kanya. Aaminin ko kinikilig din ako sa mga banat niya.
"Hindi mo na kailangang tanungin Love, Makita mo palang ang kagwapuhan ko alam ko kinikilig ka na." Banat na naman niya. Ang yabang na talaga ng lalaking to.
"Bawas bawasan mo yang pagiging mayabang mo ha!, nakakabawas yan ng kagwapuhan." Tsk! Napaka talaga ng lalaking to, palibhasa ang pogi- pogi nga.
"Finally, Nanggaling na mismo sa labi mo. Gwapo nga ako. Ayiee Crush mo ko noh?" Pang-iinis niya pa sakin. Kung hindi lang nagdadrive to baka kanina ko pa sinapak. Toda-highest level na ang kayabangan.
"Asa ka!!!" 😠 pabulong kong banggit.
--
FRANKRICH POV
It took 1 and a half hour before we arrived in our destination.
Nakatulog na si Rachel pagdating namin dito."Rach wake up we're here."
Panggising ko sa kanya. Ngunit makulit talaga at hindi ininda ang pagtapik ko sa kanyang balikat. Minulat na nga niya ang kanyang mga mata pumikit pa ulit."Ayaw mong gumising ah!" Sambit ko. Ang tigas ng ulo pwes magigising ka sa gagawin ko.
Unti-unti akong lumapit sa kinauupuan niya. Pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha. Nakakainlove talaga ang babaeng to. Akma ko na sana siyang hahalikan nong pinitik niya ang ulo ko.
"Manyak ka talaga." Masungit na sambit niya. Tinulak niya pa ako at agad na lumabas sa sasakyan. Sayang malapit na e.
"We're having a lunch here?" Nakakunot ang noong tanong niya sa akin paglabas ko ng sasakyan.
"We're having a vacation here Honey." Nakangiti kong pahayag sa kanya. We are here sa isang resort dito sa bataan. Actually this place was my supposedly gift to them nong buhay pa si Addie.
"Vacation? Are you out of your mind? I have a lot things to do." Namumulang wika niya dahil sa galit sa akin. Akala ko pa naman magiging masaya siya dahil sa bakasyon na ito. Mali na naman pala ako.
"I'm sorry. Pero pinagpaalam na kita sa Boss mo. And he approved your leave nman so you can enjoy your stay here with me." Nakangising banggit ko. I try my best na hindi magpaapekto sa galit niya. Sanay naman na ako e but i feel rejected again.
"Arggh!!! Nakakainis. Ilang days ba tayo dito?" Naiiritang tanong niya. Konti nalang mapipikon nadin ako sa mahal kong to.
"One week." Matipid na sambit ko.
"One week tayo dito. Ang tagal non." Reklamo na naman niya. Tsk!! Kung hindi ko lang to mahal. Magsasalita pa sana siya nong hinigit ko ang braso niya at ipinulupot ko ang mga kamay ko sa bewang niya.
"One more complain Honey and I will kiss you and take you here kahit pa may makakita satin. You want?" wala na napikon na ako. Kakulit kasi ng babaeng mahal ko e.
"F..i.ne" nauutal na banggit niya.
"Let's eat our lunch first baka ikaw pa ang makain ko." Nakangiting wika ko pano kasi nakatulala parin siya hindi pa ata makamove on sa sinabi ko kanina.
Nauna na akong maglakad papunta sa restaurant ng resort namin. Habang siya naiwan parin doong nakanganga. If I know gusto din niyang kainin ko siya.
"Earth to Rachel. I know you won't like if I take you there." Natutuwa akong makitang naaapektuhan siya sa mga sinasabi ko. Hahaha 😄
"Man..yak" nauutal paring wika niya bago sumunod sa akin.
Pagbungad palang namin sa entrance ng hotel. Actually this is a complete package resort. We have a hotel, restaurant, bar, hiking and more fun activities.
"Good morning Sir, Ma'am. We are glad that you are here" Bati sa akin ng mga empleyado dito. Matagal na ding hindi ako nakakadalaw dito sa resort. Nangako kasi ako sa sarili ko noon na kapag pupunta ako dito kasama na dapat siya. And yes she's here na nga may loving wife. Nakangiti din siya sa mga empleyadong kausap ko.
"Good morning. Ready na ba ang lunch namin? Nagugutom na kasi ang Honey ko e." Tanong ko sa manager ng resort bago ko sinulyapan ang misis ko na namumula parin. Kinikilig to for sure. Kagwapo ko kasi e. Haha 😄
Agad naman kaming inasikaso ng mga empleyado ng resort. And we happily together eat our lunch. Kahit pa naiilang ang asawa ko nakikita ko naman ngayon sa mga mata niya na masaya siya kasama ako.
-----------
Nalulungkot ako for CharDawn. Ang daming negative vibes ng CharDawn fan ngayon. Huhu 😭😭Don't get me wrong guys..
If fan ka talaga makakapaghintay ka. Dont ruin them or her kasi wala ka namang mapapala don. Nagkakasala ka lang. Suportahan nalang sana natin kung anong gusto ng bawat isa sa kanila. 😊😘Thank you for reading. Uso po pindutin ang comment box at ang bituin . 😘😘 love lots
----
@yengjovelo
@camzjovelo
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted Wife // The Heartless Man.
FanficBreak The Cold heart of my wife is my operation.