"F*ck that girl, anong oras na wala parin siya..Urggh." Naiinis na si Frankrich sa paghihintay sa kanyang asawa .. Mahigit dalawang oras na itong nasa private restaurant na nirent pa man din niya upang mapagsolo sila ng asawa ngunit wala pa rin ang hinihintay.
Pinaghandaan pa man din niya ang araw na ito para sa kanilang dalawa pero mukhang wala siyang mapapala. Unang taon nila ngayon bilang mag-asawa. Naghanda siya ng candle light dinner para sana sa celebration nila. Maaga pa man din siyang nag-out sa trabaho para maayos ang lahat ng kelangang ayusin dito sa restaurant. Namili din siya ng ireregalo sana sa asawa pero parang walang patutunguhan ang lahat ng paghahandang ginawa niya.
Sinabihan niya kanina ang asawa na kakain sila sa labas. Umaasa itong pupunta ang babae pero mamumuti na ang mga mata niya wala parin ang hinihintay.
Nagpasya itong umalis na lang sa lugar na iyon at pumunta sa isang bar na pagmamay-ari niya. Isang taon na silang kasal ng kanyang asawa pero hanggang ngayon wala pa rin'g paki-alam sa kanya ang asawa.
"Bat ba kasi ako umasang pupunta siya?? Ea alam ko naman na hindi niya ako sisiputin. Tanga mo talaga Frankrich,,urgggh." Hinahampas-hampas pa niya ang manibela ng kanyang sasakyan para doon mabaling ang inis niya at para hindi niya masaktan ang asawa.
***
"Ung dati. ung pinakamatapang." nakarating na siya sa bar at umorder ng pinakamatapang na alak. Palagi siyang nandito sa lugar na ito kapag naiistress siya sa kanyang asawa.
"Sir, problema ulit kay misis??" hindi na lingid sa mga nagtatrabaho sa bar na ito ang problema niya sa kanyang asawa. Isa siyang sikat na business man ngunit heto siya ngayon bagsak na bagsak dahil sa babaeng pinakasalan niya. Ngunit hindi niya ito masisisi dahil sobrang mahal niya ang babae.
"d*mn that girl,, ano bang gagawin ko para mahalin niya ako ha!??"Naparami na siya ng inom. Desperado na siyang mahalin siya ng asawa at pati sa bartender ay humihingi siya ng payo.
Simula nang kinasal sila hindi niya naranasang alagaan siya ng kanyang napangasawa. Malamig ang trato sa kanya nito. Ni hindi ito sumasabay sa kanya sa pagkain, pati sa pagtulog ay hindi sila magkatabi. Ang pinakamalala pa nito magkahiwalay pa sila ng kwarto. Magkasama sa iisang bubong ngunit walang pakialamanan sa isa't-isa.
Nirerespeto naman niya ang kanyang asawa sa mga desisyon nito sa bagay na iyon ngunit hindi niya parin mapigilang malungkot dahil hanggang ngayon napakalamig parin ang pakikitungo sa kanya ng asawa.
"Sir, kung hindi madadaan sa santong dasalan, daanin niyo sa santong paspasan." Payo sa kanya ng bartender. Ilang beses niya ng narinig ang payong iyon mula sa mga taong nalalapitan niya dito sa bar ngunit kahit kelan hindi niya ginawa ang bagay na yun, Hindi niya magagawang saktan ang asawa lalo pa't hindi parin sila nagkakasundo hanggang ngayon.
"HAHA.. e di mas lalo akong kamumuhian non." natatawang sabi niya sa bartender.
Frankrich is a powerful person. From his name, HE IS RICH, multibillionaire, business tycoon, a tall and handsome guy, a WOMANIZER. Pero simula nang makilala niya si Agatha Rachieline nabago na ang pananaw niya sa mga babae. Wala na siyang pakialam sa iba, si Rachel lang sapat na, ngunit paano nga ba magiging sapat kung hindi naman nabibigyan ng pag-asa?
Iisa lang ang gusto niyang makasama sa kama' ang kanyang asawa pero napakalabong mangyari yun sa ngayon.
***
Mag a-alas onse na ng napagpasyahang umuwi ni Frankrich sa bahay nila. Medyo nahimas-masan narin ito dahil nag-shower siya sa bar kanina.
Mayroon siya doong private room, na siyang ginagamit niya pagkatapos niyang magpakalasing upang mahimas masan siya at makauwi ng maayos sa asawa. Ayaw niya kasing makikita siya ng asawa na lasing siya. Ayaw niyang may maisumbat si Agatha sa kanya na maging dahilan ng pakikipaghiwalay nito.
Pagbukas niya ng pinto ng kotse niya, nangunot ang kanyang noo dahil walang bakas ng kahit anong bagay na nagpapahiwatig na nasa loob na ng bahay ang kanyang asawa.
Pumasok siya ng bahay at natiyak niyang hindi pa nga umuuwi ang kanyang asawa.
Naghintay pa siya ng ilang minuto at narinig niya na ang papasok na kotse ng asawa sa garahe.. Medyo nag-iinit ang kanyang mukha dahil naiinis siya na late na namang umuwi ang babae pero kailangan niya itong pigilan.
Pumasok si Agatha ng di man lang pinansin ang presensiya ng kanyang asawa sa sala's nila. Pagbukas mo kasi ng pinto sala agad nila ang makikita mo.
"Saan ka galing?? Kanina pa kita hinihintay.. Kumain kana??"mahinahon at sunod-sunod na tanong ni Frankrich sa kanya.
"I'm tired." maikli at iritadong sagot niya. Pinapahiwatig ng kanyang boses at mga mata na ayaw niyang makausap ang lalaki.
"You're tired?? E di sana maaga kang umuwi." kalmadong tugon ng lalaki sa kanya.
"Pwede ba Frankrich,, I'm tired, gusto ko ng magpahinga." Bulyaw niya sa lalaki kahit na magkalapit lang naman sila ng pwestong kinalalagyan.
"Nagtatanong lang ako,, hindi naman siguro masamang magtanong diba?? Lalo na pag asawa mo ang pinapag-tanongan mo." wika ng lalaki sa kanya.
"WhatEver!! . Wala akong paki alam sa mga tanong mo." sagot niya sa asawa at hahakbang na sana ulit ito papaakyat sa taas nang hagkan siya ng lalaki.
Nabigla naman siya sa ginawa ng asawa, kaya naitulak niya ito.
"Hanggang kailan ka magiging ganyan Agatha?? Hanggang kailan mo ba ako papahirapan ha!. Pagod na ko,, wasak na ko sa mga ginagawa mo sa'kin, hanggang kailan mo ako parurusahan?" Hindi na nakatiis si Frankrich sa asawa kaya't napasigaw siya at mahigpit pang hawak ang braso ni Agatha.
"Don't touch me.." pilit na inaalis ni Agatha ang kamay ng lalaki sa braso niya ngunit sadyang mahigpit ang pagkakahawak dito.
"Sinabi ko na sayo noon, KAHIT KELAN HINDI AKO MAGIGING SAYO.. KAHIT KELAN HINDING HINDI MO MABIBIHAG ANG PUSO KO." punong-puno nang hinanakit na sabi niya sa asawa.
Kasabay ng mga katagang iyon napabitaw naman si Frankrich sa braso ng asawa. Muli na naman siyang nanlumo dahil narinig niya ulit ang mga katagang iyon sa babae.
"Happy First Anniversary." bulong nalang ni Frankrich sa kanyang sarili nang wala na sa harapan niya ang asawa.
**
Agatha Rachieline on the right side <3 <3
hanggang jan lang muna.. Thanks sa mga nagbabasa ,,meron ba??
Vote and comment are much appreciated
- camzjovelo
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted Wife // The Heartless Man.
Fiksi PenggemarBreak The Cold heart of my wife is my operation.