Frankrich POV"Pano ba yan baby hanggang ngayon galit parin ang Mommy mo sa akin". Usal ni Rich sa puntod ng anak niya.
Five years na ang nakalipas pero hindi niya parin ako mapatawad. Walang may kagustuhan nang nangyari sa anak namin. Aksidente lang ang lahat ngunit si Rachel pinapakita niyang kasalanan ko ang lahat nang nangyari.
"Pero Hindi ko parin siya susukuan. Nangako ako sayo e". Patuloy na sambit ko sa anak ko.
Kung hindi lang siguro nawala sa amin ang aming anghel hindi magkakaganito ang lahat. Siguro masaya parin kami. Siguro mahal niya na ako ngayon. Heto na naman ako sa puro siguro. Tsk.
"Anak pasabi naman kay God na tulungan niya ako sa Mommy mo, na sana maghilom na ang sugat sa puso niya". Muli kong pahayag sa aming anak.
Noon, kahit papano masaya kami. Nakangiti si Rachel, masayahing tao, mabait, maalagain sa anak namin at nararamdaman ko na importante ako sa kanya. Wala ngang permanente dito sa mundo lahat nagbabago, mayroong nawawala, mayroong dumadating nang hindi mo inaasahan.
Sa pagdating ng taong sumira sa buhay namin siya namang pagkawala ng anghel namin ni Rachel . Kasalanan ng taong yun ang lahat nang nangyari sa amin pero hindi ko siya mapagbayad sa kasalanan niya dahil ayaw kong itakwil ako ng pamilya ko. Simula ng mawala si Rachel at Adie, pamilya ko na lang ang meron ako. At ayokong pati sila kamuhian pa ako.
Tunog ng cellphone ko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Tumatawag si Luke. Isa siya sa mga bartender sa bar ko.
"Yes. May problema ba dyan?". - bungad ko sa kanya.
"Sir kasi yung misis niyo po nandito lasing na lasing na po." - natatarantang sabi niya sa akin.
"D*mn. Bakit niyo siya binigyan ng alak?". -bulyaw ko sa kanya.
"Matigas po ulo Sir. Pasensya na po."- muli niyang sambit.
"Assist her. Wag niyong hahayaan na umalis siya dyan. Im coming". - sagot ko sa kanya at ineend call ko na ang tawag.
"Paalam muna anak. Kailangan ako ni Mommy"
Dali-dali kung linisan ang lugar na iyon para puntahan ang Mahal ko.
Wala pang 30 minuto nakarating na ko sa bar ko, kung tutuusin 1 oras ang biyahe papunta dito. Hindi alam ni Rachel na pag-aari ko ang bar na ito. Wala siyang alam sa mga negosyo ko. In the first place, wala naman kasi siyang pakialam sa akin.
Pagbukas ko palang sa pinto ng bar ko nakita ko na ang lasing na lasing kong asawa na sumasayaw kasama ang isang lalaki sa dance floor. Sanay na ako na makita siyang may kasamang lalaki kaya't hinayaan ko nalang muna sila baka kasuklaman na naman niya ako.
Nakita ko din ang ilan niyang kasamahan sa trabaho na nag-iinuman sa isang mesa, halatang lasing na din ang mga ito.
"Sir pasensya na po sa abala. Si Ma'am po nasa dance floor". Pahayag sakin ng taong tumawag kanina.
"Hayaan mo na muna siya. Ako ng bahala". Sagot ko.
Hindi ko maiwasang titigan si Rachel habang nagsesexy- dance ito kasama yung lalaki na nahatak na naman niya kung saan.
"Mas gwapo naman ako dyan. Buti pa siya nakasayaw na niya si Rachel ako kasi hindi pa." sabi ng isip ko. Kahit na naging mag best friend kami noon hindi siya nakipagsayaw sa akin.
Parang wala lang sa kanya ang mga malalagkit na tingin ng mga lalaki sa kanya. Naka sleeveless lang to at halatang halata ang cleavage niya.
Hindi nakalampas sa paningin ko ang lalaking hihipuan na sana nito ang pwet ng asawa ko.
That's it. Ayokong nababastos ang asawa ko kaya't tumayo na ako at mabilis na nilapitan ang kinaroroonan ng asawa ko.
"Back off. Asawa ko yang hihipuan mo". Nanggigigil kong sambit sa lalaki.
The guy just raised an eyebrow to me. Bakla ata to e."At sino ka naman?" matapang na tanong niya.
Kinalma ko muna ang aking sarili bago sumagot baka kasi masuntok ko lang to at magkagulo pa dito sa bar ko.
"Narinig mo ako, LAYUAN MO SIYA. Huwag na huwag mong idadapo ang kamay mo sa kanya kung gusto mo pang makalabas dito ng kompleto yang daliri mo. And if you really want to know my name... I'm Frankrich Gomez". nanggagalaiting wika ko sa lalaki.
Medyo nagulat ang lalaki nong marealize nito kung sino talaga ako. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang sikat na businessman.
Magsasalita pa sana ito nang bigla ko nalang hinatak si Rachel palabas ng bar.
"Heeyy. I'm not done dancing yet". Sabi sa akin ni Rachel na pulang pula na at halatang lasing na lasing.
Hindi na ako nagsalita pa at hinatak ko nalang ito hanggang sa makarating kami sa kotse.
"Alam mo naaappakapakiaelamero mow talagahh.. Ikaww angg bwisseett saa buhayy koo". sambit ng mga labi ni Rachel.
Pati ba naman sa kalasingan niya bwiset parin ako. AKO NA TALAGA ANG DAKILANG BWISET NA NAGMAMAHAL KAY AGATHA RACHIELINE.
---@camzjovelo
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted Wife // The Heartless Man.
Fiksi PenggemarBreak The Cold heart of my wife is my operation.