Chapter 11

2.4K 84 23
                                    

FrankRich Pov

"You're flirting with my husband" nanlilisik ang mga matang pahayag ni Rachel sa aming kaibigan.

I was shocked, for the first time she called me Husband. Ang sarap pakinggan ng salitang iyon na lumabas sa bibig niya. Sa haba ng pinagsamahan namin, ngayon niya lang akong tinawag na asawa niya. Umpisa na kaya ito ng pagtrato niya sa akin bilang asawa niya?.

" uh ha!! HUSBAND. Big word. Asawa mo ba talaga tong lalaking to?" pambabara ni Trish sa sinabi niya. Ang lakas talaga ng trip ng babaeng to.

"We're married, kaya asawa ko siya.". Nakataas ang kilay na sambit ni Rachel.

Feeling ko ang daming butterfly sa tiyan ko. Sy**t ganito ba kiligin, parang isang awit ang aking naririnig.
Asawa ko, Husband. Dalawang salitang nagpakilig sa akin.  Paulit-ulit na umeecho yan sa aking pandinig.

" Hindi ko naman inaagaw sayo ang asawa mo. I just want to help him. Kaw naman selos ka agad." Nakangising sambit ni Trish. Baliw talaga tong babaeng to pero natutuwa ako sa ginagawa niya.

"Ako magseselos?? No way, buti sana kung mahal ko"
banggit ni Rachel. Parang kinurot naman ang aking dibdib sa sinabi niya. Oo nga naman, bakit naman pala siya magseselos e hindi naman niya ako mahal.

"Stop that Girls. Kumain nalang kayo, maliligo muna ako."  Paalam ko sa kanila. Baka kasi may marinig pa akong salita na makakasakit sa akin . Ayoko na muna masyado nang masakit.

------------

Pagkaalis ni Frankrich, sabay na kumain ang dalawang babae.

"Alam ko kung ano ang ginagawa mo Trish" Banggit ni Rachel sa kaibigan, sa tagal nilang magkaibigan, alam na ni Rachel ang mga galaw nito, at ngayon ngay nararamdaman niya ang plinaplano ng kaibigan.

"Really. Wow . Mind reader ka na rin pala ngayon." Pambabara ulit ni Trish sa kanya. Naiinis kasi ito sa sinabi niyang hindi niya mahal ang lalaki. Hindi man lang nirespeto ang damdamin ni Frankrich.

"Can you stop that attitude Trish. Kanina ka pa e."bulyaw niya sa kaibigan. Nakakairita kasi ang mga pambabara nito sa kanya.

"Can you stop your attitude too.  Itigil mo na ang pananakit sa damdamin ng asawa mo. Itigil mo na ang pag-arteng ikaw Lang ang nasasaktan dahil ang pinakanasasaktan dito si Frankrich, Siya Rachel Hindi ikaw." Matapang na pahayag ni Trish sa kaibigan.  Wala na, hindi niya na kayang magtiis pang nakikitang nahihirapan si Frankrich. Kaibigan niya rin kasi ito, parang kuya na ang turing niya dito.

"Shut up your F*kin mouth Bitch. Wala kang alam sa mga nangyari."  Naiiyak na pahayag ni Rachel. Sa mga binitawang salita ni Trish bumalik kasi sa isip niya ang mga ala-alang pilit niya ng kinakalimutan.

"Alam ko lahat Rachel. Alam kong sumama ka sa lalaki mo nong araw na maaksidente  ang anak niyo, alam kong pinagpalit mo ang pamilya mo para sa lintik na pag-ibig na yan." Pag-ungkat ni Trish sa nakaraan ng mag-asawa. Ito ang iniiwasang gawin ni Trish ang ipamukha sa kaibigan niya ang pagkakamali nitong nagawa pero nasasaktan na rin siya sa nangyayari sa mag-asawa kayat kailangan ng ipaalala kay Rachel ang nangyari, para magising na ito sa katotohanan na pilit nitong tinatakasan .

"I don't want to hear those words. Please shut up." Umiiyak na sambit ni Rachel. Ayaw niya ng marinig pa ang mga nangyari noon. Hindi naman niya ginusto ang nangyari. Mahirap para sa kanyang aminin na may kasalanan din siya kayat sinisi niya ang kanyang asawa. Kaya isinarado niya ang puso niya para dito.

"I'm sorry Rachel but you need it.  Kailangan mo ito para sa relasyon niyong mag-asawa. Walang kasalanan ang asawa mo, wag mo siyang pagbayarin sa kasalanang hindi naman niya ginawa." Wika ni Trish sa kanya. Matalik na kaibigan niya ang dalawa, nagmamalasakit lang siya kaya niya ginagawa ito. Everytime na tumatawag sa kanya ang lalaki , nalulungkot siya dahil nababanggit ni Frankrich ang hindi magandang ugaling pinapakita ng kanyang kaibigan. Gusto niya ng bumalik ang dating Rachel, bitch man ngunit masayahin, maalaga sa mga taong mahal niya. Sa kanilang dalawa, siya talaga ang maldita, si Rachel ang babaeng maldita nga ngunit malambot naman ang puso pero nang mangyari ang aksidente ,kasabay ng pagkamatay ng kanyang anak naging cold-hearted narin ang kanyang kaibigan.

"May kasalanan din siya. Pinilit niya akong magpakasal sa kanya." Mariing pahayag ni Rachel. 

" For the sake of your company Rachel kaya ka niya pinakasalan." Pagpapaalala ni Trish sa babae.
"Mahal ka nong tao, alam ko na mahal mo din siya, wag mo na sanang pahirapan pa ang sarili mo. Ibalik mo na si Agatha Racheline. Wag mong hayaan na mapuno ng galit iyang puso mo." naluluhang pahayag ni Trish.

"Hindi ko din gusto to Trish,, but every time that I see him nasasaktan Ako, sinasabi ng isip ko na pabaya siyang tao, na pinabayaan niya ang anak namin kaya naaksidente ito. Masakit din sa akin to Trish. Kung sana'y hindi ako umalis nong araw na yon hindi sana magkakaganito ang lahat." Sambit ni Rachel. Namumula na ito kakaiyak.

"Hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan Rachel, ang mahalaga ay ang ngayon. So please move on Hindi mawawala ang sakit na iyan kapag Hindi mo pinakawalan. Tama na ang 5 years na pagluluksa Rachel, tanggapin mo na nawala na si Adie. Ang nandito ngayon ay si Frankrich, siya naman ang pagbuhusan mo ng pagmamahal mo."  Mahabang litanya ni Trish .

"Anong gagawin ko?" Oras na nga siguro para mag move-on si Rachel. Gusto niya na ding mamuhay ng walang galit sa puso niya, nang wala siyang mabigat na dinadala sa dibdib niya kaya't nabanggit niya ang katanungang ito.

"Apologize to him, magsorry ka sa kanya, be wife to your husband." Payo ni Trish sa kaibigan. Napapangiti Ito dahil unti-unti ng pinapakawalan ni Rachel ang galit na kinikimkim niya sa kanyang dibdib.

"Hindi ko alam Kung kaya ko." Nag-aalangang banggit ni Rachel.

"You can do it bitch, magbestfriend naman kayo noon diba? START A NEW LIFE WITH YOUR BESTFRIEND."
nakangiting wika ni Trish.

Sa pag-uusap nilang dalawa ng kanyang kaibigan nabawasan ang sakit na kanyang nararamdaman.

--------
1 chapter pa bago ko i-kwento ang past life nila.

Madaliang update nahiya na kasi ako kay peng_cd1996
Sorry for x-typos and grammar.

The maldita's on the side ➡➡
Survey tayo 😃😊
Sino mas maganda?
Rach or Trish?? Comment your answer😘😘
Vote and comments are much appreciated 😘😘

---@camzLOVEJO

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon