The Heartless Man.Rachel's POV
Tatlong araw na ang nakalipas mula nong magtrabaho ako bilang secretary ni Frankrich. Tatlong araw na ngunit hindi ko parin nakikita ang mga anak ko at puro sakit sa ulo lang ang dala sa akin ng Boss ko.
Walang araw na hindi niya ako pinapagalitan at sinisigawan kahit pa ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko.
"How could you come up on that f*cking idea. That is b*llsh!t. Napakawalang class." Frankrich said.
Naalala ko na naman ang mga salitang sinambit ng lalaking iyon. Halatang gustong gusto akong pahiyain sa harap ng maraming tao.
Nag-present kasi ako sa board kahapon, na dapat siya ang gumagawa. Inutusan niya akong mag-present ng mga ideas na pwedeng gawin sa resort and bar niya. At ako naman si t*nga pumayag at pinagpuyatan ang presentation na sinasabi niya.
Pina-check ko muna ito sa kanya bago i-present, in-approve naman ang presentation ko nong pina-check ko sa kanya, ngunit nong matapos na ang presentation ko
sa board bigla na lang niyang sasabihin na hindi maganda ang ideas ko. Manong diretsahin na ako na gusto niya akong ipahiya sa lahat ng kasamahan niya sa kompanya, para naman maihanda ko pa ang sarili ko sa sakit."MY BUSINESS HERE IS HIGH CLASS RESORTS AND BARS, HINDI PIPE-TSUGING PALIGUAN AT KAINAN LANG. PAGANAHIN MO NAMAN ANG UTAK MO! " He said, na lalong nagpalungkot sa akin.
Nakakalungkot isipin na yung mga ideas na pinagpuyatan mo, pinaglaanan mo ng maraming oras at pagod ay nabaliwala dahil sa galit niya sayo. Halata sa board na nagustuhan nila ang gawa ko but the CEO talk first at hindi nila kayang kontrahin iyon.
Kaya't ito nanlulumo akong pumasok ngayong umaga. Hindi parin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Napapagod ka na nga't lahat lahat ipapamukha pa sayo na t*t*nga-t*nga ka.
Tatlong araw palang ang pagtitiis ko ngunit ang bigat ng katawan ko'y para ng nabanat sa isang buwan na pagtatrabaho. Nanghihina ako't nahihilo dahil siguro sa puyat at sa hindi pagkain ng tamang oras. Gusto ko sanang magpahinga, matulog lang sa apartment ngayong araw ngunit baka mag-alburoto na naman sa galit ang Boss ko. Plus kailangan ko ding kumita talaga ng pera, nahihiya na din kasi ako kay Trish, sa pagbayad niya ng apartment ko at sa dami ng tulong at perang nilabas niya para sa akin.
Agad akong pumaroon sa table ko kung saan nasa harap ng opisina ng lalaking iyon. Mabuti nalang at wala pa siya, makakapagpahinga ako kahit saglit lang.
------
Frankrich POV
Ilang araw ko na ding kasama ang mga anak ko. I gave all of their wants and needs, but it seems na hindi sapat iyon. Palagi parin nilang hinahanap ang bitch na babaeng iyon.
"Mang Sungit kelan namin makikita Nanay namin? Napangiwi ako dahil sa tawag ng anak kong lalaki sa akin.
"Miss na namin siya. Pinalabas mo ba talaga siya sa kulungan? Sunod-sunod na tanong ni Chad. Halatang Mama's Boy dahil palaging nasa isip ang ina."Diba sabi ko Papa or Daddy nalang itawag niyo sa akin.... " wika ko na agad namang nagpasimangot sa kanya. Habang ang isa'y napatango lang.
"Hindi naman ikaw Papa namin e. Bakit gusto mo tawag namin ganon sayo?" Tanong na naman ni Chad. Sa kanilang dalawa, ito iyong mahirap paki-usapan. Halatang matigas ang ulo, hindi katulad nong anak kong babae na mabilis lang makagaanan ng loob.
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted Wife // The Heartless Man.
FanfictionBreak The Cold heart of my wife is my operation.