THM Chapter 17 ❤

2.5K 77 51
                                    

The Heartless Man. 

----

Rachel's POV

Nanghihina kong pinulot ang aking mga damit bago pumunta sa banyo ni Frankrich.  Naghilamos muna ako ng aking mukha bago humarap sa salamin.  Magang maga ang aking mga mata dahil sa walang tigil na pagpatak ng luha nito.  Nandidiri ako sa sarili ko dahil feeling ko isa akong bayarang babae base na din sa kawalang-hiyaan na ginawa sa akin ni Frankrich. 

Napakasakit ...kapag iyong taong mahal mo ay hindi ka na niya mahal, worst ginagamit ka lang niya para sa sarili niyang kagustuhan, para mapunan ang pangangailangan niya bilang lalaki. Parausan lang kunbaga.

Para akong isang sigarilyong upos na pagkatapos sipsipin ay basta-basta nalang itatapon. Nanlulumo ako dahil iyong konting pag-asa na muli kaming magsasama-sama bilang pamilya ay bigla nalang gumuho. Tinuldukan niya na iyong chance na maari pa kaming bumalik sa dati ulit.

Nagbihis na ako at nag-ayos sa sarili bago lumabas sa office niya. Wala na akong nadatnang  mga office employee dito sa floor niya ngunit meron parin namang natirang ilang mga janitor ng kompanya. Tiyak nagsi-uwian na sila dahil mag-aalas otso na ng gabi.

"Oh!! Ma'am overtime na naman kayo? Tinambakan na naman kayo ni Sir ng paper works noh!! Huwag po kayong masyadong nagpapapagod makakasama po iyan sa katawan niyo." Pansin sa akin ni Aling Beth, isa sa mga tagalinis dito sa kompanya. Hindi lingid sa kanila ang ginagawang pagpapahirap sa akin ng Boss namin.

Buti pa iyong ibang tao concern sa kalusugan ko habang iyong walang pusong Boss namin palagi nalang akong pinapahirapan at sinasaktan. I know na nasaktan ko din siya pero sana ma-realize niya na sobra-sobra naman iyong ibinabalik niyang sakit sa akin. Sakit sa katawan, sa puso at isipan. Three in One Besss.

"Thanks sa concern Manang, Don't worry po. Hindi ko uurungan ang mga trabahong pinapagawa ni Boss. Okay lang po ako." Sagot ko kasabay ang pilit na ngiti. Sa pamamagitan ng ngiti natatago ang sakit na nadarama. Minsan nasasabi nating okay lang tayo sa harap ng mga tao para kahit papano hindi tayo kaawaan but deep inside it hurts a lot.

"Una na po ako Manang." Paalam ko sa matanda.

"Sige Ma'am ingat ka. Huwag kang susuko balang araw ang mga pinaghirapan mo ay mapapasayo. Babalik din siya sayo." Wika ni Aling Beth. It sounds creepy dahil parang may alam siya sa nangyayaring kaganapan sa buhay namin ni Frankrich. Is it possible na alam na kaya nila ang tunay naming ugnayan ni Frankrich?

Tatanungin ko sana siya ngunit agad naman na siyang pumasok sa conference room upang maglinis doon. Hindi na ako nag-abalang sundan siya dahil bumukas na din ang elevator at agad akong sumakay doon.

I try to find Frankrich sa ground floor pero wala na talaga ito. The security guard told me na umalis na daw siya. Ang tanga ko noh?? Sinaktan na nga ako, hinahanap ko parin. Lakas ng dating eh. Mahal ko e.

I've decided na humanap nalang ng taxi, pahirapan kasi kapag nag-jeep ako pauwi sa bahay ni Frankrich. Ang layo pa ng lalakarin kaya kahit wala na akong matirang pera nag-taxi parin ako. Hirap na nga ako papahirapan ko parin ba ang sarili ko??

Past 9'oclock in the evening na nang makarating ako sa bahay ni Frankrich. Sobra kasi ang traffic dahil sa mga daan na ginagawa. Nakakainis talaga ang mga pulitikong sinisira ang daan para lamang maipagawa ulit.

 
Mukhang hindi pa dumarating si Frankrich dahil wala pa iyong sasakyan niya sa garahe. Nauna na ngang umalis kaysa sa akin, hindi pa umuwi agad. Nakalimutan niya atang may mga anak siyang naghihintay sa kanya. Tskk!!

Pagpasok ko sa bahay bumungad sa akin ang kambal na nanonood ng TV kasama ang kanilang Tita Trish. Mukhang walang balak umuwi ang isang to. 

"Late na ah, hindi pa kayo tulog?" Bungad ko sa kanila. Pilit kong pinasaya ang boses ko para hindi nila mahalata.

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon