The Heartless Man.
Frankrich's POV
Pagkatapos naming mag-usap ng kambal, napagdesisyonan kong kausapin ang nanay nila na manirahan na din sa bahay ko. Labag man sa kalooban ko kailangan kung makasama iyong babaeng iyon para makuha ang loob ng kambal. I have no choice but to stay in one roof with that bitch.
But f*ck! Kung kelan malapit na silang magsamang mag-iina tsaka naman umalis ang anak kong lalaki. The worst is hindi namin alam kong nasaan siya, pati ang mga guard sa village ay hindi daw nakitang lumabas si Chad. Mga walang kwenta.
"My Baby, ba.. Baka kung ano nang nangyari sa kanya?" Wika ng babaeng nasa side ko. Yeaahh! I'm with Rachel nakaupo siya sa front seat habang ako naman ay nagmamaneho pabalik ng bahay. Ramdam ko ang kanyang pag-aalala kaya't hindi ko na pinigilan ang pagsakay niya sa kotse ko.
"Can you please stop crying, stop thinking negative thoughts, Hindi ako makapag-concentrate sa pagmamaneho ko." Madiin kong wika sa kanya.
"Uhmm!! Yeah matapang ang baby ko, Hindi iyon iiyak. Pakibilisan na lang Sir. " She said trying to calm herself. Saglit ko siyang sinulyapan at nakita ko ang hindi maikukobling takot sa kanyang mukha.
"Calm down Rachel, everything will be okay, mahahanap natin si Chad." Wika ko pagpapakalma sa kanya. I just want her to be calm, labis kasi ang takot at kabang nararamdaman niya. And I don't want it to feel that our son will not safe.
"He's just turning four, ang bata pa niya para maranasan ang panganib dito sa Manila." She said na para bang nanganganib nga ang anak namin.
"Tsk!! Relax Rachel, makikita din natin si Chad, Hindi pa nakakalayo ng village iyon. " sambit ko. I want to convince her na makikita namin si Chad, madadatnan pa namin siya sa village.
------
Rachel's POV
Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon dahil sa pag-alis ng anak ko. Hindi namin alam kung nasaan siya, ang masaklap pa non nandito kami sa Manila malapit sa lugar kung saan nakatira ang taong dahilan ng pagkakawasak namin ni Frankrich.
Ayoko mang isipin ngunit labis ang takot ko na baka natunton na kami ng Tito ko at napasakamay na niya ang anak ko. Kaytagal na panahon kaming nagtago sa kanya. Kaytagal kong inilayo ang mga anak ko sa panganib ngunit heto ngayon mukhang nasundan kami. Baka mag-uumpisa na naman iyong maghigante. Hindi ko na makakayanan pa kapag may nangyaring masama kay Chad.
"Don't worry. Chad will be okay. Mayayakap, mahahagkan mo ang anak natin. I promise you that." Malambing na wika ni Frankrich. Nagulat ako dahil kasabay ng mga salitang iyon, hinawakan niya din ang aking kamay. Bagay na hindi niya ginawa sa akin simula nong iwan ko siya. Ang malambing na paghaplos sa aking kamay at ang nakakatunaw niyang pagtitig sa akin.
"Stop looking me like that Frankrich, baka makalimutan kung nawawala ang anak ko at mahalikan kita dito." Wika ng isip ko. Finally, I saw that look again. Yung katulad ng titig niya sa akin noong panahong masaya pa kami. Walang sakit, walang galit.. Sana nga nagbalik na ang dating Frankrich at hindi awa ang ibig sabihin ng titig na iyon.
"Earth to Rachel. We will see Chad later. Trust me. "
Tanging tango lamang ang sinagot ko sa kanya. Effective ang ginawa niyang paghawak sa kamay ko at pagtitig sa akin dahil gumaan nga ang pakiramdam ko. Napakalakas parin talaga ang epekto sa akin ng lalalaking ito.
------
"We're here papasok na tayo sa village, talasan mo ang paningin mo baka makasalubong pa natin si Chad." Utos niya sa akin na agad ko namang ginawa. Hoping na makikita nga namin ang anak namin.
Ilang oras din kaming nagpaikot-ikot sa village at sa karatig lugar niya ngunit wala parin kaming makitang Chad.
Pitong oras na ang nakakalipas ngunit hindi parin namin mahanap ang anak ko. Nareport na din namin siya sa malapit na presinto pero wala paring balita.
"Let's go, ihahatid muna kita sa bahay, naghihintay doon si Charm." Yaya sa akin ni Frankrich na ikinabigla ko. Finally, makikita ko na ang anak kong babae.
"Ta... Talaga Sir?? Salamat salamat. Miss na miss ko na si Charm. " tugon ko sa kanya. Hindi ko akalaing makakasama ko na ulit ang anak kong babae. Halong lungkot at pag-asa ang nadarama ko dahil sa pinapakita niya. Lungkot dahil Hindi parin namin mahanap si Chad, pag-asa dahil makakasama ko na ang anak ko, at pag-asang muling bumalik ang Frankrich na minamahal ko.
Agad kaming nakarating sa bahay niya. Higit na mas malaki at malawak ito kaysa sa bahay na tinirhan namin noong kami'y magkasama pa. Triple-triple din ang laki at lawak nito kaysa sa tinuluyan namin ng kambal sa probinsya. Kubo lang iyon kompara dito.
"Come in. Nasa loob si Charm." Wika niya sa akin. Tila nanliliit ako sa ranyang binigay niya sa kambal, habang ako'y barya na nga lang hindi ko pa maibigay.
Pagpasok palang namin sa bahay niya'y narinig ko na ang iyak ng anak kong babae.
"Cha!!! " tawag ko dito. Agad naman siyang tumingin at dali-dali niya akong niyakap. Halatang miss na miss ang isat-isa.
"Na.. Nanay...I mith you po. Huhuhu!! Si Kuya Tad-tad nawawala. Nanay hanap natin siya." Sumbong sa akin ni Charm habang umiiyak. Nakasanayan niya ng tawaging Tad-tad si Chad. Nag-aalala din siya sa kapatid.
"Ano bang nangyari Cha, bakit umalis si Kuya? " tanong ko sa anak ko. Gusto kong malaman ang buong detalye bagay na hindi masabi-sabi sa akin ni Frankrich.
"Kasi nag-away po kami, Sorry Nanay. Kung hindi ko siya inaway baka hindi siya alis." Sumbong ng anak kong babae.
Mukhang sinisisi pa ang sarili dahil sa nangyari."Bakit kayo nag-away Baby? Diba sabi ni Nanay magmahalan kayo." Tanong ko sa kanya.
" E kasi po tigas ulo niya e, hindi niya po tanggap yung sinabi ni Mang Fra.. Frankrich na siya ang tatay namin. Sabi niya hahanap ka daw po niya para patunayan na mali yon." Tugon ni Charm.
I knew it, kaya pala mabait ang loko dahil kasalanan niya pala ang nangyaring ito kay Chad.
Napakamakasarili niya. Ilang beses akong naki-usap na huwag biglain ang mga bata tungkol doon pero pilit niya paring pinagpipilitan ito.
Nakakainis dahil gustong- gusto kong magalit sa kanya pero wala akong magawa.
Ayoko ng mawalay pa sa mga anak ko. Si Chad nalang ang kulang buo na ang buhay ko.
----
Gusto ko pang magsulat pero pumipikit na ang mga mata ko.... This is not the end of this chapter.Thank you 😘
Vote and comments for more.☺
---@camzlovejo.
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted Wife // The Heartless Man.
Fiksi PenggemarBreak The Cold heart of my wife is my operation.