Chapter 14

2.7K 78 8
                                    

Syemmss Hindi na ako magsusulat ng IssPiiGiii. 😄
Nahiya ako sa mga taong nakakakilala sa akin personally.

----
Rachel POV


Naramdaman ko ang mabigat na bagay na nakapatong sa tiyan at hita ko noong magising ako. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang lalaking nakayakap sa akin.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi siya pagmasdan dahil sa maamo niyang mukha. Namula ang aking pisngi noong maalala ko ang nangyari sa amin kagabi.

Hinaplos ko ang kanyang buhok at pinasadahan ng aking hintuturo ang kanyang matangos na ilong. Napakagwapo talaga ng lalaking to kayat hindi ko din masisisi ang mga kaibigan kong malapit sa kanya.

Flashback

I was so hopeless that time kayat tinext ko si Allynna na pupunta ako sa condo unit niya.

Pinagalitan na naman kasi ako ni Daddy dahil daw sa mga desicions kong hindi ko pinag-iisipan.

My first love came back at balak kong sumama sa kanya kayat nagalit sa akin si Daddy. Pano na lang daw yung family ko kung puso na naman ang paiiralin ko.

Yes I have a family, my daughter Adie and her Dad Frankrich but Rich and I we're not married that time. Nabuo lang naman kasi si Adie dahil sa pareho kaming lasing ni Frankrich.

Frankrich was my bestfriend and cousin of my first love Dominic. Noong pumunta sa Spain si Dominic hindi ko kinaya ang lungkot, nagpakalasing ako and Frankrich was their to comfort me.



Nagising na lang ako na magkasama kami sa isang kwarto at parehas na walang damit.

Pinagtabuyan ko siya noon. Kahit na pareho kaming lasing feeling ko binaboy niya ang aking pagkatao nong mga panahon na iyon.


But when I gave birth to Adie nagawa ko ring patawarin siya dahil sa matiyaga niyang pag-aalaga sa amin ng anak niya.
Nagdecide kaming magsama sa iisang bubong for the sake of my daughter. Kahit na hindi siya ang laman ng puso ko nagawa parin naming magsama ng ilang taon.


At ngayon ngang bumalik ulit ang lalaking mahal ko. Naguluhan na naman ang aking puso't isipan. Naisip ko nalang na ito na siguro ang tamang panahon para maging masaya ako, para malaya na din siya.


I knocked three times nong makarating ako sa condo unit ni Allyanna. Ally was my childhood buddy. Kasama namin siyang lumaki ni Trish. Sa aming tatlo siya ang pinakamabait. Siya ang nagtatama ng mga mali naming nagawa kapag umiral ang pagkabitch namin ni Trish. She's our savior kapag nahuhuli kami sa mga pinaggagawa namin.

Isang katok pa bago niya binuksan ang pinto.

"Bat ba ang tagal mong magbukas ng pinto? Sumakit ang kamay ko dun hah" pagtataray ko sa kanya. Hindi talaga ako sanay na pinaghihintay ako. Kahit kaibigan ko siya hindi siya exempted sa Brattude ko. Brat + attitude .

"What are you doing here?" Gulat na tanong niya sa akin. Kala mo naman first time Lang ako dumalaw sa kanya. Tsk

"Hindi na ba ako pwde dito? Feeling first time Lang na dinalaw kita te?" pambabara ko sa sinabi niya. Nakakabwiset kasi e. Naiistress tuloy ang kagandahan ko. "can i come?" Tanong ko pa sa kanya . Wala kasi ata siyang balak na papasukin ako e nakaharang siya sa pinto. Tsk.

"No, hindi pa ako nagpapacleaning e, tsaka may lakad ako." Natatarantang sabi niya sa akin. Feeling ko may tinatago tong babaeng to e.

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon