THM Chapter 5 💔

1.6K 81 17
                                    

The Heartless Man.

Hindi na umaabot ng 1 month ang pag-UUD ko.. Achievement ..😂😂

Rachel's POV

Hindi ko alam kung ano ang nagpabago sa isip ng lalaking iyon at ini-atras niya ang kaso ko pero nagpapasalamat ako dahil hindi ako matutulog sa kulungang ito, at makakasama ko na rin ang mga anak ko. Konting panahon palang na hindi kami nagsama miss na miss ko na ang kambal ko.

Dumaan muna ako sa isang maliit na restaurant na madalas naming puntahan ng kambal kapag may okasyon. Bumili ako ng paborito nilang pagkain para pasalubong sa kanila. Tiyak mag-aagawan na naman ang kambal kapag nakita nila ang dala ko. Malapit na ako sa bahay namin nong mapansin kong sarado ito. Tahimik, Walang kambal na naghihintay sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa mga bagay na bumabagabag sa aking isipan. Naiwan sila kanina sa opisina ni Major kasama ang Frankrich na yun. Baka kung ano na ang nangyari sa kambal.

"Iha! Mabuti nalang nakalabas kana. " wika ni Yaya Maring na nasa likod ko na pala galing ito sa bahay nila na ilang metro lang ang layo sa tinitirhan namin.

"Nay, asan ang mga bata? May pasalubong ako sa kanila oh!" Tanong ko sa kanya. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil sa kabang nararamdaman.

"Rachel, Iha! Kasi yung kambal sumama don sa lalaking mahaba ang buhok. Pinigilan ko siya ngunit yung kambal yung nagpumilit na sumama don. " paliwanag ni Yaya Maring. Nanghina ang aking mga tuhod dahil sa narinig. Alam kung si Frankrich ang tinutukoy niya. Nangyari na ang kinakatakot ko, ang mailayo niya ang kambal sa akin. Hindi niya nga ako pinakulong ngunit mas matindi namang kaparusahan ang ginawa niya sa akin. Ang mawala'y sa piling ng isang ina ang kanyang mga anak ay mas masakit kesa sa anumang parusa na iatang sa kanya.

"Nay, Hindi pwedeng mapunta sa kanya ang kambal. Baka kung anong gawin non sa mga anak ko." Umiiyak na tugon ko. Hindi ko na kilala si Frankrich ngayon kaya't nangangamba ako sa kalagayan ng mga anak ko.

"Mukha naman siyang mabait Iha, Nabanggit naman niya na hindi niya pababayaan ang kambal. Teka siya ba ang ama nong dalawa? Tanong niya. Tanging tango lamang ang isinagot ko sa kanya at pumasok na ako sa aming kwarto upang mag-impake ng gamit. Hindi ko hahayaan na ilayo niya ako sa mga anak ko. Gagawin ko ang lahat para makasama ang kambal, hindi na ako papayag pa na mawalan ulit ng anak.

"Nay, pupuntahan ko po ang kambal, hindi ako matatahimik kapag hindi ko sila nakita. " tumutulo parin ang mga luhang sambit ko. Yung mga batang inaasahan kong sasalubong sa akin at hahagkan ako, ngayon ay hindi ko malaman kung nasaan. Si Frankrich lang ang nakakaalam kung san niya dinala ang dalawa kaya't pupuntahan ko siya.

-----------

Mahaba-haba din ang binyahe ko upang makarating dito sa Manila. Mag-gagabi na pero pursigido parin akong makita ang kambal kaya't pinuntahan ko ang dati naming tinitirhan noon, umaasang makikita ko ang mga anak ko, ngunit wala akong nakitang kambal, wala din doon si Frankrich. Mukhang napabayaan na rin ang bahay na naging saksi ng pagmama-tigasan, pag-aaway, paglalambingan at pagmamahalan naming dalawa. Napaluha ako sa isiping kinalimutan niya na nga ang mga bagay na mahalaga sa amin katulad ng pag-limot niya sa pagmamahalan namin noon.

Pumunta din ako sa kompanya ng mga Vasquez-Gomez para makaharap sana si Frankrich pero sarado na ito. Masakit man sa aking kalooban, nagpasya akong ipagpabukas nalang ang paghahanap sa aking mga anak.

Naghanap nalang muna ako ng bahay na matutuluyan malapit sa kompanya ni Frankrich. Mabuti nalang at may marerentahan pa sa ganitong dis-oras ng gabi.

----

Pagsapit ng umaga agad akong naghanda upang makaharap si Frankrich. Alas syete palang ng umaga'y nasa harap na ako ng kanyang kompanya upang mag-abang sa kanya.

"Look who's here, nakalaya ka na pala." Nakangising wika niya sa akin. Nag-mamaang- maangan na hindi alam na nakalaya na ako.

"Frankrich! Nasaan ang mga anak ko. Ibalik mo sila sa akin." Paki- usap ko sa kanya. Kapag mga anak ko ang pinag-uusapan gagawin ko ang lahat kahit pa masaktan ako.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO, PAGKATAPOS MONG ITAGO SA AKIN ANG MGA BATA, NGAYON PUPUNTA KA DITO SA TERITORYO KO AT SASABIHING IBALIK SILA SAYO." Taim-bagang na wika ni Frankrich. Ang bilis na talagang magalit ng taong ito. Hindi katulad noon na mahaba ang pasensya niya.

"Hindi ko kakayaning mawala sila sa buhay ko, nagmamakaawa ako. " lumuluhang tugon ko sa kanya.

"HINDI. HINDI MO AKO BINIGYAN NG PAGKAKATAON NA MAKASAMA NOON ANG MGA ANAK KO KAYA'T HINDI KO HAHAYAANG MAWALAY PA SILA SA AKIN, HINDI DIN KITA BIBIGYAN NG PAGKAKATAON NGAYON NA MAKASAMA SILA." Sigaw niya sa akin na nagpahina sa aking mga tuhod. Ito na nga siguro ang kapalit ng lahat ng kasalanan ko sa kanya.

"Nakiki-usap ako, sila na lang ang mayroon ako, nawalan na ko ng anak, ayoko nang mawalan pa, gagawin ko ang lahat para sa kanila......" Umiiyak na paki-usap ko. Ilang beses man akong umiyak at lumuhod sa harap niya wala akong paki-alam makasama ko lang muli ang mga bata.

"HINDI. HINDI... " desididong wika niya. "Guard wag niyong hahayaang makapasok ang babaeng ito." Baling niya sa mga security sa labas at agad ng pumasok sa kanyang kompanya.

Nanlalambot ang buo kong katawan na umupo sa bench sa labas ng company nila. Hindi ko alam kung ano pang gagawin ko ngayon. Hindi ko na alam kung paano ko pa makikita ang mga anak ko. Ilang oras din akong umupo sa kinaroroonan ko nang may tumawag sa pangalan ko.

"Rachel! Rach Oh! Emgee B*tch you're here. " wika ng magandang babaeng niyakap pa ako. Ang babaeng naging kupido namin ni Frankrich nandito ngayon sa harap ko. Si Trish. Kaytagal ding hindi ko nakita ang babaeng ito.

"How are you? What are you doing here? G*ga ka ang tagal mong hindi nagpakita. Alam mo bang na-iistress ang beauty ko sa asawa mo.tsk!" Dire-diretsong wika niya. Hindi parin talaga nagbago ang babaeng to madaldal parin.

"Trish tulungan mo ako. Kailangan kong maka-usap si Frankrich, kailangan ko siyang makombinsi na ibalik niya sa akin ang mga anak ko."
Paki-usap ko sa kanya. Alam kong may magagawa siya upang makita ko ang mga anak ko. Alam ko ding hindi lingid sa kaalaman ng babaeng ito na may anak na ako. Siya, si Allyna at si Dominic ang nakakaalam tungkol sa pagbubuntis ko noon.

"You owe me a lot of kwento later huh!! Uhmm Then let's go talk to your heartless husband na. " sambit niya at hinila ang aking kamay. Sabay kaming naglakad patungo sa entrance ng kompanya ngunit agad din kaming hinarang ng security.

"Ma'am kabilin-bilinan po ni Sir na hindi pwedeng pumasok ang babaeng yan." Tukoy nong security guard sa akin.

"Papasukin mo kami kung ayaw mong mawalan ng trabaho. Kayang kaya kitang patalsikin sa kompanyang ito." Maangas na wika ni Trish. Her bitchieness is on. Kaya't kitang kita na ang takot sa mga security.

"Pero Ma'am ginagawa lang po namin ang ini-utos ni Sir.. ..." Tugon pa niya ngunit agad itong pinutol ni Trish.

"Hindi mo ba kilala ang nasa harap mo? Napa-iling lang naman ang guard na kausap niya. "Siya lang naman ang asawa ng CEO, ng Frankrich na yon. At kung hindi mo siya pinapasok tinitiyak ko wala ka nang ipapakain sa pamilya mo. Deal with me hindi kita uurungan maging yang masungit mong Boss."
Nakataas ang kilay na wika niya. Pinaandar niya na ang kamalditahang taglay. Mukha namang natakot ang guard at pinapasok kami agad.

----------

Writer's block attacked me. 😭😭
Huhuhu 😭😭😭

Vote and comments you reaction. 😊😘 kindly support my one-shot. Thanks 😊

-@camzloveJo

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon