THM Chapter 15 😘

2.2K 86 46
                                    

The Heartless Man

This chapter is dedicated to chardawnsdaughter 😊

------

Rachel's POV

Pagkatapos akong sunduin ni Frankrich ay agad din kaming nagtungo sa kompanya niya. Kailangan niya daw tapusin ng maaga ang trabaho niya dahil may aasikasuhin pa itong importante.

"Girl, ano tara na.!!" Paanyaya ni Trish sa akin. Kanina pa siya nandito sa opisina, at kanina niya pa ako kinukulit na lumabas daw kami.

"Ayoko nga..  Ilang ayoko ba ang kailangan mo para matigil ka na? Tugon ko sa kanya. Ang kulit-kulit kasi.  Ilang beses ko ng sinabing hindi ako sasama pero heto parin siya overload ang kakulitan.

"Mga 100 milyon pang ayoko with matching kunot ng kilay ah, kaya mo? Tsaka this is for you naman. " hindi patatalong sagot niya. Palaban talaga tong babaeng to e. 

"Maganda na ako,  I don't need that make-over thingy na yan." Sambit ko din.  Yeaahh right!! Niyayaya niya akong lumabas dahil kailangan niya daw magpaganda at isasama niya ako para maka-avail ng promo sa bagong bukas na beauty salon ng kakilala niya. Kadami na ngang pera gusto pang mag-avail ng promo, kakuriputan din e.

"Yeaaahhh right!!  Maganda ka but duhh, to be honest girl nawala na yung dati mong ganda, losyang ka na ngayon ateng!" Walang pakundangan niyang wika sa akin. Tuloy-tuloy na naman ang bibig, hindi iniisip ang nararamdaman ko.

"Ah ganon?? Losyang pala ah pwes lumayas ka dito sa harapan ko at baka ma-losyang ka sa gagawin ko." Inis kong wika sa kanya.  Hmm.. Maganda parin naman ako ah,  ako parin naman ang pinakamaganda sa probinsya namin e.

"Pero probinsya iyon Rachel,  maliit lang na barrio iyon.  Nandito ka ngayon sa syudad. Baka makahanap ng ibang mas maganda ang mahal mo, Sige.." Singit ng other side ng utak ko.

"Ehhh!!!  Rachel naman eh.. " pangungulit na naman ng babaeng to. 

"Anooo??  Lumayas ka...... " hindi ko na natuloy ang sigaw ko nang maagaw ng atensyon ko ang dalawang taong kalalabas lang sa board room. Si Frankrich kasama yung babaeng higad na mukhang clown (kasama ni Rich sa Chapter 8), nakapulupot pa ang mga  braso nito sa bewang ni Frankrich, at ang kumag naman nakaakbay siya sa higad na yon. 

  "Oyyy beshy!!  Yang kilay mo salubong na." Pansin sa akin ni Trish,  na nakatingin din pala sa tinitignan ko. 

"Ewan ko sayo.. Napakalandi talaga ng Audring yan." Tukoy ko sa babaeng kasama ni Frankrich.  She's Audrey Jobell Chua, anak ng isang business partner ni Frankrich.  Kwento sa akin ni Trish at Ally matagal na daw itong umaaligid kay Frankrich. To make it short pinanganak siyang malandi. 

"Tignan mo nga girl, ipinagpalit ka na ng asawa mo dahil hindi mo inaalagaan ang sarili mo." Pang-aasar na naman sa akin ni Trish.

"Okay Fine!!!  Let's go.  Mas maganda parin naman ako kaysa sa babaeng yan." Wika ko,  bago walang paalam na umalis. Baka makaistorbo pa ako sa kanila kapag nagpaalam ako.  Tsskkk!!!

"Yeahh right!! Lakas ng self confidence huh.. That's my best friend!!" Tukso sa akin ni Trish na halatang tuwang-tuwa kapag ako'y nagagalit. 

------

Katatapos lang ng make over thingy namin.  I'm glad na pumunta ako dito dahil nabawasan ang stress ko sa trabaho.  Pati narin sa pag-iisip sa mga kinikilos ni Frankrich. Hindi ko malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga kalandian niya sa akin at sa babaeng iyon. 

"Wow Girl,,you look stunning,  kamukha mo na ulit si Dawn Zulueta." Pahayag ni Trish na kagagaling sa dressing room.  Inihalintulad na naman ako sa idol niya. Paulit-ulit niya noong sinasabi sa akin yan na kamukha ko daw si Ms. Dawn Zulueta na naging nobya ni Richard Gomez. Yung love team na muntik ng mahantong sa kasalan nong 19's. 
(I miss u Chardawn😢)

"Salamat . Napakaganda mo din kamukha mo na si Alice Dixson." Tugon ko sa kanya na ikinangiti niya ng malapad.  Mahilig yan sa artistang magaganda e. 

"So pano Girl!! Ready to face your husband??Tanong niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. 

"Hindi ako nagpa-make over para sa kanya noh!!" Pagtanggi ko .

"Deny pa more te!!  Lokohin mong lelang mong panot." Pambabara sa akin ni Trish. Kilalang kilala talaga ang kaibuturan ng buto ko.
(Ano daw?)

"Tsee..!" Sambit ko nalang sa kanya bago umalis sa parlor na iyon. 

"Ganda natin girl." Wika na naman ni Trish habang kami'y naglalakad.  Napapatingin kasi ang mga taong madaanan namin.  Hindi naman sa pagmamayabang pero sadyang artistahin talaga ang ganda namin. 

I am wearing an above the knee off shoulder dress,  extra dress ni Trish na binigay niya sa akin para daw bagay sa new look ko.  I got my new short hair,  hanggang leeg lang ang haba niya with a highlight on it.  Saktong sakto daw sa slim kung pangangatawan. 

Pagdating namin sa opisina'y panay parin sulyap sa amin ng mga Tao doon. Hindi ata makapaniwala na nagtransform ako. 

"Wow Rachel!!  Ikaw ba yan ?? Ang ganda ganda mo. " papuri sa akin ni Sky na secretary sa ibang departamento nang makita ako.  Magpapasalamat sana ako ng magsalita na naman siya. 

"By the way Rachel,  mamaya na tayo magkwentuhan,  kanina ka pa pala hinahanap ni Sir Frankrich. " wika niya na nakapagpakaba sa akin kaya't dali-dali akong pumasok sa opisina ni Frankrich.

"Si...  SIR,  hina...hanap niyo daw ako?" Nauutal na tanong ko nang makapasok ako sa opisina niya. Ramdam ko ang bigat ng awra niya habang kaharap ang mga papel na nirereview niya. 

"F*CK!!  SAANG LUGAR KA NANGGALING?" Madiin na tanong nito, hindi parin iniaangat ang paningin sa akin. 

"Sir,  sinamahan ko po si Trish... " nanginginig na sagot ko.  Bw*s3t nakakatakot din siya ah.. 

"NAPAKAHIRAP BANG MAGPAALAM SA AKIN PARA HINDI MO MAGAWA HUH!!" Bulyaw niya sa akin habang papalapit ito, ni hindi pinansin ang bago kung anyo.

"I'm sorry Sir..  Busy po kasi.. " tugon ko ng putulin na naman niya. Hindi na naman ako pinatapos magsalita. 

"P*t*ngnA Rachel,  PURO KA NALANG SORRY MAPAPALITAN BA NG SORRY MO ANG KABANG NARAMDAMAN KO KANINA?  MAPAPAWI MO BA ANG TAKOT SA DIBDIB KO HABANG HINDI KO ALAM KUNG NASAAN KA? MAGAGAWA MO BANG......" Wika niya nang ako naman ang pumutol sa sasabihin niya.

He didn't finished what he is saying when I suddenly kissed him.  Yeah I kissed him.  Scratch that-- I'm kissing him now.

I give him a sweet and passionate kiss para mapawi ang galit na nararamdaman niya. 

----------

Alam kong sabaw,,,  pag-tyagaan muna. 😂

Yung gupit ni Rachel NASA multimedia.. 

Vote and Comments 😘😘
Please follow me. 

Support also my one-shot. Thank you.

--@camzlovejo. 

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon