THM Chapter 20. 2 💟

2.1K 56 7
                                    


The Heartless Man.

-----

Rachel's POV


Hiyawan at tilian ang ilan sa mga naririnig namin ni Frankrich after ng ginawa kong paghalik sa kanya.


"Yieee , inlababo si Sir." Wika pa ng isang empleyado na para bang nawala na ang takot nila sa Boss nila.



"From Heartless to a softhearted. Congrats Sir". Tukso pa nila.



"Isang babae lang pala ang magpapalambot sa pusong bato ni Sir. Lumalablyf si Boss. Yiiee!!" Kantyaw pa ng ilang mga empleyado.



"Sabi na ea!!. Kaya pala walang effect ang lahat ng ginagawa kong pagpapacute sa kanya dahil ikaw pala ang laman ng puso niya." The flirt woman commented. Walang iba kundi si Audrey. Hindi din makapal mukha ng babaeng to noh!!  Sobrang kapal lang.




Sasagot na sana ako, when Frankrich grasped my hand and kiss my forehead before pulling me.


"Frankrich saan tayo pupunta?" I asked him.


"Somewhere silent Love. Ang iingay ng mga tao dito kung anu-ano pinagsasabi." Sagot niya habang namumula. Mukhang nahihiya ang mokong. He's so cute. Nakakadagdag pogi points. Dinala niya ako sa parking lot and he drove.



"Frankrich wala ka na bang trabaho? Diba marami kang tatapusin na paper works ngayon? Kakabigay ko nga lang ng mga papers na kailangan mo ea." Sambit ko naman sa kanya. Baka kasi nakukuha ko na ang oras niya sa trabaho.




"Nakakalimutan mo atang ako ang Boss sa kompanya natin Love. Hindi mababawasan ang perang kikitain dyan dahil lang sa pag-alis ko. Magtatrabaho ako kung kelan ko gusto." Wika niya na nakapagpa-irap sa akin. Hindi po yan mayabang, hinding-hindi dahil sobrang yabang lang.





He took my hand and kissed the back of it. He flashes his genuine smile na siguradong makakapaglaglag ng panga mo. I was about to smile at him when the scene earlier flash on my head.




"So anong meron sa inyo ng babae mo kanina? May pakandong-kandong pa kayo ng malanding hitad na yun. Naku!! Naku baka kung hindi ako dumating nasa kandungan ka na ng ibang babae. Tskk!!" Naiinis na sambit ko. Hindi ko talaga mapigilang mainis sa babaeng iyon.




"Chill Love. Audrey is just a friend of mine. Ang totoo niyan, her father wants me to marry her kaya niya ginagawa ang pag-aakit na sinasabi mo. Akala ko nga patay na patay iyon sa akin ea iyon pala utos lang ng tatay niya.Akalain mo yun hindi nabihag sa kagwapuhan ko. Tsk!" Sagot niya na may halong paghihinayang.





"So naghihinayang ka na hindi natuloy iyong pag-aakit niya sayo?? Ganon??" Nakasimangot na sambit ko. Mukhang gusto ding magpa-akit ng loko ea.





"Love... Walang bahid na paghihinayang ang nararamdaman ko. Kahit pa isang libong babae ang umakit sa akin hindi ko sila papansinin dahil ikaw lang ang gusto kong gumawa noon sa akin." Naka-ngiting sambit niya. Nasabi ko na bang napaka-gwapo ng Mahal ko habang nagmamaneho gamit ang isang kamay while his other hand holding mine.




"Kaya pala masayang masaya ka kanina sa piling ng babae mo. Tsk!" Wika ko. Pilit na winawaksi ang kilig na nararamdaman.




"Tsk!! Kailanman hindi ko naging babae si Audrey Love dahil dalawa lang ang babae sa buhay ko. Ikaw na nag-mamay-ari ng puso ko at siya na nagbibigay ng kulay sa mundo ko." He said. Na mas lalong nagpa-init ng ulo ko. Kahit kailan talaga may kaagaw ako sa lalaking to. Manong sabihin nya na ako lang ang nagmamay-ari ng puso niya at nagbibigay ng kulay sa buhay niya. Mahirap ba yun? Mahirap bang maging kontento sa isang tao lang?




"Sabi ko na ea. Kahit kailan talaga Frankrich. Sino iyong babaeng nagbibigay ng kulay sa mundo mo huh!! Sabihin mo sa akin at buburahin ko ang kulay sa mundo niyo." Naiinis na wika ko at the same time nangangamba din. What if? May ibang babae nga siyang nakilala nong wala ako sa buhay niya. What if? Minahal niya ang babaeng iyon. Punong-puno ng pangamba ang puso ko.





"Uhmm.. Siya iyong babaeng napaka-cute, napaka-ganda, napaka-bait pero minsan makulit, pinapasaya niya ako, siya iyong kahati mo dito sa puso ko." Dire-diretsong sagot niya. Walang pagdadalawang isip sa kung anong mararamdaman ko.





"Ihinto mo ang kotse bababa ako." Madiin kong sambit pinipigilan ang pagtulo ng luha at ang pagtimpi sa galit na nararamdaman ko.





"Huh?!" Naguguluhang tanong niya bago tumingin sa akin.





"IHINTO MO ANG KOTSE!! BABABA AKO. MAGSAMA KAYO NONG BABAENG NAGBIBIGAY NG KULAY SA MUNDO MO." Sigaw ko na agad namang nagpahinto sa kanya sa pagmamaneho. He looks at me implausibly. 





Lalabas na sana ako ng kotse when he burst out into laughter. Nagawa pa talagang tumawa sa kabila ng panloloko niya.




"Bwahahahahahah!!! Hahaha!!! Love..se..seriously? Hahaha." Tawang tawang tanong niya. Halos sumakit na tiyan niya diyan ah sa kakatawa. Ang lakas din ng trip ng lalaking to.




"WALANG NAKAKATAWA. HINDI KA NAKAKATAWA." Madiin kong sambit bago lumabas ng sasakyan niya. I hope Frankrich mapasaya ka ng sobra ng babaeng iyon kung sino man siya.




"Wait Love... Uhmm!!" Habol niya sa akin na halata paring pinipigilan ang pagtawa. "Ikaw lang ang mahal ko okay!. That girl na nagbibigay ng kulay sa mundo ko at nagpapasaya sa akin ay walang iba kundi ang ating Baby. Si Charm. Kayong dalawa lang ang babae sa buhay ko. Kayo ng kambal ang kasiyahan ko. Kayo ng kambal ang buhay ko. I can't live again without the three of you." Seryoso nang sambit niya na nakaharap sa aking mga mata.




"Enough of your doubts Rachel because I love you till infinity and beyond, till death do us part. I will never ever over my six pack abs and sexy handsome face, will never see any other woman. Ikaw lang ang gusto ko. Your the only woman that I want and I am all yours Love. Pakasawa ka pa. You can also tie me on our bed and do that thing all day. I am willing to be your victim of love Honey." Tagos sa pusong sambit niya. Expect yung last part, pinairal na naman kasi ang kamanyakan.





After his long touching line unti- unti niyang pinaglalapit ang aming mukha. Ako naman pumikit lang nakahanda ng matikman ulit ang labi niya, but in my dissapointment he only gives me an eskimo kiss na nakapagpa-uhaw sa labi ko. Yung tipong akala mo matitikman muna ulit iyong labi niya pero papaasahin ka lang din pala. Isang malaking paasa ang eskimo kiss . Huwag niyong hayaan na gawin sa inyo yun ng jowa niyo. Hahaha





(A/N: Eskimo kiss na tinutukoy dito ay yung nose to nose?? Hindi ko alam kung eskimo kiss tawag don ea. Correct me if I'm wrong nalang. Haha)






"Let's get married again."




---------
Ohh siya tama na. Masyado ng matamis ang Love Team natin. Walang poreber uyy!! Mga to maghihiwalay din kayo.....




Kabitter ni Author, pero kinikilig naman. 😂



Kaninong line kaya iyong let's get married na yan?? Hahaha 😂




Thank you for your VOMMENTS - votes and comments 😘 😄😂
Support niyo rin po iyong ibang story ko.  Visit my profile at nasa work ko sila.  😘



Gorgeous sexy Rachel with Baby Charm at the multimedia.



-@camzlovejo.

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon