THM stands for The Heartless Man. 💔
-----
Rachel's POV
After Four Years..
It's been four years, ten months, six days, seven hours and twenty two minutes mula nong nagkahiwalay kami ni Frankrich. After the incidence in the hospital I've decided to stay away from them. Lumayo muna sa mga taong nakakakilala sa akin. Pati kila Allyna, Trish and Dominic ay hindi na ako nagpakita. Nag-iwan lang ako ng isang sulat para hindi na sila mag-alala pa sa akin.
Nagtungo ako sa probinsya ng aking yaya noon. Madalas ako dito nong ako'y bata pa kaya't hindi ko nakalimutan ang lugar.
Sila ng kanilang pamilya ang tumulong sa akin upang makapagsimula ulit.Four years na ang nakalipas when I decided to live a simple life kahit na hindi ko siya kasama pinipilit ko paring maging masaya para sa aking mga anak.
Yess.. You heard it right. I got pregnant, with Frankrich of course. Binayayaan ako ng dalawang anghel na kaagapay ko ngayon sa buhay. Sila ang nagpapasaya at nagbibigay ng kulay sa buhay ko ngayon.
"Nanay andito na kami..!!" Sigaw sa akin ng mga anak ko pagpasok nila sa bahay.
Galing sila sa eskwelahan. Sinasabay sila ni Mang Pedring pagpasok sa eskwela. Taga linis ito ng eskwelahan sa baranggay. Asawa ito ni Yaya Maring na aming tinuluyan dito sa probinsya.
Pre- school na ang aking mga anak ngayon. Napakabilis ng panahon. Noon mga iyaking baby lang sila na pinapalitan ko ng lampin at pinagtitimpla ko ng gatas. Ngayon mga makukulit at malalambing mga bata na ang nasa harap ko.
"Uhmmm!! Kamusta ang school ng mga baby ko?" Amoy ko pa sa kanila at pinaghahalikan.
"Nanay, marami nakuha ko star. Sabi Teacher very good daw ako..." Pambibida sa akin ng babae kong anak. She's name is Arrianne Charm Yrnaez Gomez, kasing bibo ko siya nong bata ako. Matalino, malambing at syempre magandang bata. She's my mini me.. My little version.
"Ang galing naman ng Baby Girl ko." Pampuri ko kay Charm. "Oh! Ikaw bakit nakabusangot ka? Mister Simangot ka na naman dyan." Tukoy ko sa aking panganay. They are twins btw. My little boy na manang mana sa kanyang ama. Kamukhang kamukha at kaugali pa ata. He is Alvie Chad Yrnaez Gomez. They are turning four this month. I'm bless dahil binayaan ako ng lalaki't babae na siyang naging dahilan ng patuloy kong pakikipaglaban sa hamon ng buhay.
"Eh!! Kasi Nanay nakipag..... " Hindi na natuloy ni Charm ang kanyang sasabihin dahil agad na tinakpan ng kanyang kuya ang bunganga nito.
"Shhh!!! Daldal talaga ikaw Charm. Sabi ko wag kang susumbong eh.. Hmm!! " naiinis na bulong ni Chad sa kapatid. Bulong na naririnig ko naman, mga bata talagang to oh!!.
"At anong isusumbong niya? Kuya hah! Di ba sabi ko magpakabait kayo sa school." Sambit ko sa kanila. Naamoy ko na naman kasi na may nangyaring hindi maganda. Chad is sweet and caring pero minsan mainitin ang ulo.
"Kasi yung klasmet ko tutukso niya ako kaya ayun sapak ko siya, gugulo niya pa buhok ko." Sumbong sa akin ni Chad. Sabay ayos pa ng kanyang buhok. Kung may ayaw man ang batang ito iyon ay yung pinapakialaman ang kanyang buhok. Masyadong sensitive pagdating sa buhok niya ang lalaki ko.
"Pero di ba kabilin-bilinan ni Nanay na huwag kang mananakit ng kapwa mo. Alam niyo naman na masama iyon diba?" Sermon ko sa kanilang dalawa. Palagi ko silang kinakausap na huwag na huwag makipag-away ngunit hindi parin nakinig. Tumitigas na ang ulo ng mga anak ko.
"Ano bang nangyari? Bakit ka nanapak Baby?" Tanong ko sa anak kong lalaki. This is the first time na nanakit si Chad, nakakapagtimpi pa naman ito kapag ginugulo ang buhok niya e. Naguguluhan kong tinignan ang dalawang nakayuko sa harap ko.
"Eh!! Kasi sabi niya Nanay wala kami Tatay, na pulot mo lang kami sa tae ng kalabaw. Bad kasi siya kaya sapak ko na." Paliwanag ng aking anak. I felt sorry for them dahil nararanasan nila ang buhay na ganito. Buhay na nangungulila sa kanilang ama.
"Anak sa susunod huwag mo ng papatulan yung mga nanunukso sa inyo huh!! Magagalit si Jesus kapag may kaaway ka, syempre magtatampo din ako sa inyo kasi hindi niyo sinusunod ang mga sinasabi ko." Sambit ko sa aking mga anak. Naawa ako sa kanila dahil hindi nila naranasan ang buhay ko nong ako'y kasing edad nila. Marangya at kompletong pamilya.
"Opo Nanay, Sorry po. Hug nalang kita at kiss para dika tampo sa amin." Lambing sa akin ni Chad. Nakisali na din sa yakapan ang aking Charm.
"Sorry din Kuya." Paghingi ng paumanhin ng aking bunso sa kanyang kapatid. Dahil siguro sa muntik ng pagsumbong nito sa Kuya niya.
"Huwag ka kasi daldal Cha para hindi galit nanay satin. I-zip ko bibig mo." Tugon ng lalaki sa kanyang kapatid.
" CHAD!!! " sambit ko naman para suwayin ito. Iniinis na naman kasi ang kanyang kapatid.
"Joke lang Nanay, Joke lang Cha, I love you both. " malambing na sambit ni Chad. Naaalala ko tuloy ang kanyang ama. Hayy!! Kamusta na kaya iyon.
"I love you too mga anak. Sige na maghugas na kayo ng kamay doon at nagluto ako ng paborito niyo." Pahayag ko sa kanila. Alam kong nagugutom na ang dalawang ito.
"Nanay nagluto kang adobo?? " masayang tanong ng aking anak na lalaki na paborito ang adobo.
"Nanay nagluto kang pancit? " tanong naman ng aking anak na babae na mahilig sa Pancit.
Mabilisan silang naghugas ng kamay at nagtungo na sa lamesa. Agad nilang tinignan ang nakahain doon.
"Ayyy!! Adobong kangkong at lucky me Pancit Canton ulit. Nanay purga na kami dito ea." Sabay na maktol ng dalawa kong anak ngunit agad parin naman nilang pinagsaluhan ang nasa hapag kainan.
"Aarte pa kayo, kakainin niyo din naman." Sambit ko sa kanila habang sila'y kumakain.
"Tyempre Nanay! Masarap luto mo ea! " pambobola pa sa akin ng kambal.
Simula nong nabuntis ako at namuhay dito sa probinsya. Kinalimutan ko na ang maldita, bitch at maarteng si Marie Agatha Rachieline. Natuto ako sa mga gawaing bahay. Natuto akong maghanap-buhay para sa mga anak ko. Pumasok ako bilang tindira, tagalinis at ngayon isang waitress. Ito nga siguro ang sinasabi nila na kaya mong isakripisyo ang lahat para sa mga anak mo. Gagawin ko ang lahat para mapalaki sila ng maayos, hindi man marangya ang buhay nila sisiguraduhin ko naman na mayroon silang magandang kinabukasan.
-------
Malakas na katok ang nagpagising sa amin ng mga anak ko kinaumagahan.
"Nanay, iingay naman non tutulog pa ako ea." Naiinis na sambit sa akin ni Charm. Nabitin ang tulog ng prinsesa ko.
"Sige na Baby, tulog ka na ulit titignan ko ......" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagmamadaling lumapit sa akin si Chad. Hindi ko man lang namalayan na siya na pala ang nagbukas ng pinto.
"Na..nay may mga pu..pulis sa labas ha...hanap ka." Nauutal na banggit ni Chad sa akin. Halata sa kanyang mukha ang takot sa nakita. Agad naman akong lumabas upang makumpirma ang sinasabi niya.
"MARIE AGATHA RACHIELINE YRNAEZ YOU ARE UNDER ARREST HINUHULI KA SA SALANG PAGNANAKAW NG MAHIGIT TATLONG MILYONG PESO. " wika sa akin nong isang pulis.
--------
Thanks for reading 😊😘
The twins are on the side ➡
Cute Little Babies 😊Vote and Comments are much appreciated. 😘
---@camzlovejo 😻
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted Wife // The Heartless Man.
FanficBreak The Cold heart of my wife is my operation.