Chapter 10

2.6K 82 32
                                    

Rachel POV

Busina palang ng kanyang sasakyan alam kong naiinis na ang babaeng iyon. Hindi ko naman talaga siya isusumbong sa Daddy niya e. Kahit maldita yang katulad ko hindi ko naman siya ipapahamak. Pinapunta ko Lang naman siya dito para maiwasan ko ang hambog na lalaking iyon. Nakakainis kasi ang ka-sweet-an na ginagawa niya.

Lumabas Ako upang pagbuksan siya ng gate. Nanlilisik ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.



"Your here. Mas maaga pa sa inaasahan kong oras." Bungad ko sa kanya.




"Ang sama talaga ng ugali mo. Bakit ba naging kaibigan pa kita?" papalapit nitong sagot sa akin.


"Your such a bitch". Pahabol pa into bago sabunutan ang aking buhok.

"Ouch..mapanakit ka talagang babae ka." Wika ko sa kanya habang hawak ang aking buhok. Masakit talaga ang sabunot niya. Kabigat ng kamay nitong babaeng to.

"Tsk. Go get my things" utos nito sa akin sabay bigay ng susi. Kautos din nito e.

"I'm not a maid here. Kaya ikaw ang kumuha ng gamit mo." Mariin at nanlilisik ang mga matang sambit ko sa kanya.
Pagbubuhatin pa ko ng mga bagahe niya. Tsk.


"Akin na. Ako nalang" nagulat nalang ako nang may nagsalita sa likod ko. Sheemmmss boses niya palang ang sarap nang pakinggan. (A.N Lantong ni Rachel 😁😂)



Kinuha niya sa aking palad ang susi ni Trish. Yeah si Trish ang dumating. Ang kaibigan kong maldita. Tinignan ko ito at gayon na lang ang pagtaas ng kilay ko nang nakita kong malapad na nakangiti ito sa AKING ASAWA este kay Rich pala. Iyong magaling na lalaki naman malawak ding nakangiti sa kaibigan ko habang kinukuha ang mga gamit na nasa kotse. Pag-untugin ko tong dalawang to e. Bwiset lang.


"Rachiee, bakit hindi mo naman nabanggit sa akin na adonis pala ang asawa mo. Ang sarap niyan bf" malanding wika ni Trish napakagat labi pa Ito para ipakita na takam na takam siya sa lalaki. Bakat kasi ang abses ni Rich sa suot niyang white sando.



"Hindi kita pinapunta dito to make landi. Lumandi ka na nga sa Bataan lalandi ka pa dito." Nakataas ang kilay Kung wika sa kanya. Pano ba naman kasi ang landi pati asawa ko pinagpapantasyahan. Hindi na nahiya sa akin. Did I say ASAWA KO?? (A.N yes Ma, clear po yun wag kang ano dyan 😊)
Ok fine ASAWA ko.


"Ang hard mo sa akin. Hindi Ako malandi Noh maganda lang." Pagmamayabang ng babaeng to. Anong connect ng kagandahan sa kalandian? Tsk. Akala mo naman Kung sinong maganda mas maganda pa ko sa kanya e.


"Pasok na nga tayo. Kung anu-anong kayabangan ang naiisip mo " pag-anyaya ko sa kanya baka kasi kung ano-anu na namang maisip e.



Nauna akong pumasok sa loob. Ang buong akala ko nakasunod siya sa akin ngunit nakarating na ko't sa sala wala palang Trish na nakasunod. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid para hanapin siya at ayon nakita ko siya kasama ng magaling na lalaki, hawak nila ang mga gamit nito habang nagtatawanan. Ngayon ko lang ulit nakitang tumawa ng ganyan si Rich. Ang sarap pakinggan ng kanyang halakhak ngunit nakakalungkot na Hindi Ako ang dahilan ng pagtawa niya. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, masaya ako sa pagdating ng kaibigan ko dahil maiiwasan ko na si Rich ngunit nagdurusa ang kalooban ko na masaya siya sa piling ng iba.

------

Nakasimangot si Rachel na nakatingin sa dalawa habang nagku-kwentuhan. Andito sila ngayon sa sala para magkwentuhan pero siya tahimik lang dahil sa inis na kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung para saan ang inis na iyon, kung para ba sa kaibigan niya na inuna pang makipagharutan sa lalaki kesa sa kanya o para sa asawa niya na nakikisakay din sa kalandian ng kaibigan nya.


"Rachiee your so lucky to have him as your husband.  Pak na Pak complete package te." wika ni Trish nang umalis ang lalaki para pumunta sa kusina at maghanda ng kanilang hapunan.



"Malas kamo magkaroon ka ba naman ng malanding asawa." Bulong ni Rach na hindi naman narinig ni Trish dahil ang babae nakafocus lang sa pagtingin sa naglulutong si Rich.


"What?" Tanong ni Trish nang hndi marinig si Rachel. Tinititigan niya lang si Rich at napapangiti pa, naglalaro kasi sa kanyang isipan ang umpisa ng kanyang revenge sa babae. Pinapakita nito na may paghanga siya kay Rich para mas maisagawa niya ang planong pagselosin ang babae.



"Can you stop staring my husband?" Bulyaw ni Rachel, hindi niya na napigilan ang sariling makita pang nakatitig ang kanyang kaibigan sa kanyang asawa kaya't napagtaasan niya ito ng boses.


"Wow. POSSESSIVE WIFE." Nakangising tugon ni Trish. Nagagalak ang babae dahil umpisa palang napagtatagumpayan niya na ang plano.


"Of course not. Naiinis lang ako dahil hindi ka nakafocus sa mga sinasabi ko." pagtanggol ni Rachel sa kanyang sarili.

"Denial Queen ka talage te, Sige ka baka mawala yan sayo." Bulalas ni Trish sa kaibigan. Halata naman kasing mahal niya na ang lalaki nagmamatigas pa.


"Ay ewan ko sayo. How's bataan by the way." tanong ni Rachel para lang makaiwas sa kanilang usapan.

"Ayun yun e. Dyan ka magaling, sa pa change-change topic. Hay naku Rachel". Tugon ni Trish at malakas pang napabuntong hininga dahil sa ti-nuwiran ng kaibigan.

"Girls dinner is ready" tawag ni Frankrich sa kanila.

"Yes baby Richiee. Andyan na kami" lambing namang sigaw ni Trish sa lalaki. Rachiee ang tawag niya kay Rachel at Richiee naman ang tawag niya kay Rich.  Iniinis niya ang babaeng nakasimangot parin sa harap niya.

Kahit na naiinis na si Rachel sa pinag-gagawa ng kaibigan niya sabay parin silang pumaroon sa dining area. Nakita nila si Rich na pawisan dahil sa paghahanda ng kanilang pagkain. Agad namang nilapitan ito ni Trish at inilabas ang towel na nasa bulsa.

"Pawisan kana pero ang hot mo parin. Hmm ang bango ng pawis mo." Tugon ni Trish pagkatpos punasan ang pawis ni Rich, inamoy-amoy pa ito.

Samantala, nanlilisik naman ang mga mata ni Rachel sa nakikitang ginagawa ng kaibigan sa kanyang asawa. Nanggigigil siya gusto niya ng pag-untugin ang dalawa.

"TRISH.. SIT DOWN." Utos ni Rachel sa mataray at galit na boses.

"I will help Frankrich first" patay malisyang tugon ng babae kahit na alam nito na nagseselos na ang kaibigan.

"JUST F*CKIN SIT DOWN" sigaw ni Rachel, wala na galit na talaga siya.

"What is your f*kin problem huh,? You dont need to shout."
Palabang banggit din ni Trish. Kahit na kaibigan niya pa ang babae hindi niya din ito uurungan lalo pa at para naman sa kanya ang ginagawa nito. Para sa pagsasama nilang mag-asawa.



"YOU'RE FLIRTING WITH MY HUSBAND"

----------
Ooppsss pabitin muna. 😊
My Husband na ang tawag ni Rachel kay Rich, hindi na M㈇ron, bwis*et at Kung anu-ano pa.

Rachel and Trish on the side➡

Pa-read din po ng CharDawn's One-shot, nasa work ko. 😙💋

Thanks u readers 😘🐧
Vote and comments are much appreciated. 😘😊

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon