This chapter is dedicated to Marrich_11 and Tondawnalyn na palaging nasa comment box. Thank you 😘
The Heartless Man..
Rachel's POV
"Ahhhmmp.. stop" Pigil ko sa halikan namin. Kay aga-aga'y naglalakbay na kasi ang mga kamay niya. Mukhang nag-iinit ang lalaking to.
"Hmmmpp. Bakit?" Nakakunot ang noong tanong niya sa akin na halatang bitin sa nangyari.
"Kay-aga aga ni hindi ka pa nag-totooth brush halik ka na ng halik. Tskk!!" Palusot ko nalang para mapigilan ang binabalak niyang mangyari.
"Excuse me Misis, kahit na hindi ako nagtooth-brush mabango parin to noh!" Wika niya na pinaamoy pa talaga ang hininga niya sa akin. Hayyy!! Nakakamiss ang kalokohan ng lalaking to.
"Amoy alak ka po kaya. Maligo ka na nga don pagkatapos bumaba ka na, hihintayin ka namin ng mga anak mo sa baba." Tulak ko sa kanya papuntang banyo. Baka kapag hindi ko pa to ipagtulakan, ako pa tong unang bumigay.
"Paliguan mo ako, na-miss kita ea." Pang-aakit niya sa akin. Yess!! Kanina niya pa ako inaakit. Nakakainis!! Baka kapag hindi pa to tumigil ea magkulong na lang kami ng buong araw dito sa kwarto niya.
"Mr. Gomez hindi ka na baby para paliguan ko pa, besides nakaligo ka ng apat na taon na wala ako sa tabi mo, makakaya mo rin ngayon." Sungit-sungitan kong tugon sa kanya. Ang kulit kasi ea. Dinaig pa ang kambal.
"Tskk!! Naglalambing lang ea. Ang sungit naman". Pabulong niyang sambit na rinig ko naman. Pabebe din to minsan ea.
"Hayy!! Sorrna po. Ligo ka na, hihintayin ka namin sa baba." Sambit ko bago siya dampihan ng isang malambing na halik sa labi.
Pasalamat nalang ako at nakinig siya't naligo na.I feel so overwhelmed and contented right now, Nagpapasalamat ako dahil bumalik na iyong lalaking nagbuhos ng pagmamahal sa akin. Wala na akong pakialam sa bilis ng pangyayari, ang mahalaga'y kasama na namin siya. Muli uling mabubuo iyong wasak kong puso dahil sa pagbabalik niya. Mabubuo na ang matagal na pangarap ng mga anak ko. Maibibigay ko na ang masayang pamilya para sa kanila.
------
"Good mowning po Nanay." Nakangiting bati ng anak ko habang papalapit sa akin. Nasa kitchen kami ngayon, after ng kaartehan ni Frankrich kanina dito na ako dumiretso para makapagluto ng almusal. After four long years, ngayon niya lang matitikman ang mga lutong natutunan ko. Thanks to Yaya Maring dahil matiyaga niya akong tinuruang magluto para sa mga mahal ko.
"Good morning din nak, uhmm.. san kuya mo? Tulog pa?" Tugon ko bago niya ako niyakap at nagpakarga sa akin sabay halik sa labi ko. Ang sweet talaga ng baby ko.
"Hehehe!!! Pababa na po iyon Nanay. Sigurado ako gising na gising na iyon." Natatawang wika ni Charm. Mukhang may ginawa na naman ito sa kuya niya.
"Hmmpp Cha!!" Pinanlakihan ko siya ng mata nagpapahiwatig na ipaliwanag niya ang ginawa niya.
"Eh kasi Nanay!! Ayaw niya gising kaya ayun hulog ko siya sa kama. Kulit kasi ea." Paliwanag ng anak ko.
Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ng isang gwapong nilalang.
"Goooooood moooorrrning" bati nito habang malawak na nakangiti at buhat buhat si Chad. Himala nagpabuhat ang anak ko sa tatay niya.
"Good morning Baby." Bati ko sa anak ko sabay gawad ng halik sa bata.
"Mowwning!" Walang gana lang naman nitong sagot. Nakabusangot pa ang kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
The Cold Hearted Wife // The Heartless Man.
FanfictionBreak The Cold heart of my wife is my operation.