THM Chapter 11 💛

2.1K 81 32
                                    

The Heartless Man..

Frankrich's POV

Tahimik kong pinagmamasdan ngayon ang mga anak ko kasama ang kanilang ina at ang mga kaibigan nito. Yeaahhh!!! Nandito parin ang lalaking iyon pati sina Trish at Allyna. Nasa living room sila habang ako'y nasa garden.

Halata ang kasiyahan ng kambal na makasama ang Dominic na iyon. Nakakainis at nakakainggit dahil kahit ngayon palang nila nakilala ang lalaki ay malapit na sila dito, habang ako'y pinagtatabuyan nila. Kung pwede ko lang ding ipagtabuyan yang Dominic na yan, siguro ay kanina ko pa ginawa. Kaso nanaig sa akin ang mararamdaman ng kambal kapag ginawa ko iyon kaya't kahit labag man sa kalooban ko ay nagtitiis akong makasama siya.

"Nachop-chop na siguro si Dominic sa isipan mo noh!!" Biglang sulpot ni Trish sa likod ko.

"Sy3t!!! Bat ka ba nanggugulat? Tsk!" Gulat na tanong ko sa kanya. Bigla-biglang sumusulpot e daig pa ang kabute.

"Hoy!! Mang sungit, kanina pa kaya ako dito, hindi mo lang ako napansin dahil ang sama ng tingin mo kay Dominic." Tugon niya. Diniinan pa talaga ang pagtawag sa akin ng Mang Sungit na ginaya lang niya sa anak ko. Halatang nang-aasar.

"MANAHIMIK KA!" Madiin kong sambit sa kanya. Minsan nga pakiremind ako na palaging magdala ng pang-zip ng bibig at ma-itry sa babaeng to.

"Asuuusss Frankrich!! Don't get jealous about Dominic. Kawawa naman yung Tao." Mapang-asar na wika niya. Ang sarap din saktan minsan tong babaeng to e.

"Who told you that I'm jealous?" Matalim kong sambit sa kanya. Hindi na din nakakatuwa tong babaeng to e.

"Your HEART. Isinisigaw niya kaya ang Chel---chel---chel.." Tugon niya habang pinag-heart shape pa ang mga kamay niya.

"I'm not.. I will never get jealous.................
But yeaahhhhh!!!! FINE... Nagseselos ako pero para iyon sa mga anak ko at hindi Kay Rachel. Naiinggit ako dahil mas-gusto pang kilalanin ng mga anak ko bilang ama yang lalaking iyan kaysa sa akin." Pang-kombinse ko sa kanya. Totoo naman eh. Nagseselos ako sa pinapakitang kabutihan ng mga anak ko sa lalaking iyon.

"Owwwsssss!!! Ang sabihin mo nagseselos ka dahil malapit si Dominic sa asawa't anak mo. Nawalan ka na nga ng asawa mukhang mawawalan ka pa ng anak." Tugon niya. Na nakapanggigil sa akin.



"Hindi ko siya asawa at wala akong pakialam kung makuha siya ng iba. Ang mahalaga sa akin ang mga anak ko." Wika ko sa kanya. Pinipigilang wag lumakas ang boses dahil baka marinig kami nong mga tao sa living room.

"Come on Frankrich. Tama na yang katigasan mo. Alam nating dalawa na hanggang ngayon siya parin ang nasa puso mo. Hindi ka parin nakakamove-on sa kanya. Nandito na sila oh!! Kasama mo na sila huwag mong hayaang makuha pa ng iba." Wika niya sa akin.



"Hindi ko talaga hahayaang makuha ng iba ang mga anak ko ." Tugon ko na agad niyang ipinagpatuloy.

"At si Rachel. " tuloy niya sa sentence kong tinuldukan ko na.

"Make it fast , wala KA pa namang Panama Kay Dominic. Itsura palang lamang na siya. Tsaka aminin na-miss mo ang halik ni Rachel. Yeiii!!!" Huling hirit niya bago umalis. Ang lakas talaga ng trip ng babaeng iyon. Alam na alam kung paano ako inisin.

Yeahhhhh!! Aaminin ko I miss her lips. Ramdam ko parin ang malambot niyang labi dito sa labi ko.

Ang gusto ko lang naman non iparamdam sa kanya ang sakit na ipinaramdam niya sa akin. Sasampalin ko din sana siya that time but F*ck nakaka-akit yung labi niya. Pagpikit niya palang hindi ko na napigilan ang sarili kong angkinin ang labi niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Mabuti nalang at dumating ang dalawa kung hindi baka nakalimutan kong nawawala ang anak namin at naangkin ko siya doon. Ang tagal ding hindi ako nakahalik ng babae eh. Hindi ko sasabihing pagmamahal ang nararamdaman ko dahil bato na ang puso ko pagdating sa bagay na iyon. Pagnanasa lang iyon.
PAGNANASA LANG.

-------------

Papunta na ako sa aking kwarto ng mahagip ng mga mata ko ang mag-iina ko. I think I have the right to call them "mag-iina ko" since they still here in my house.

Nakita kong nakatayo ang dalawang bata sa harap ni Rachel. Mukhang nasa kitchen ang mga kaibigan niya dahil naririnig ko doon ang bunganga ni Trish.

"Alvie Chad Gomez hindi ko gusto ang ginawa mo kanina. Pagsisinungaling iyon." Wika ni Rachel na halatang pinagsasabihan ang mga anak. Isinunod niya parin pala ang apelyido ko sa mga anak namin.

"Ehhh Nanay pinagpipilitan kasi non na siya ang Tatay namin. Di ba Cha?" Sambit ni Chad na hinikayat pa ang kapatid para maging kakampi.

"Siya naman talaga e." Cute naman na sabi ni Charm.


"Hmmmpp hindi. Hindi siya. Masungit siya, masama siya, sinaktan niya si Nanay. Kung siya nga si Tatay, hindi niya sasaktan si Nanay dahil mahal na mahal ni Nanay si Tatay. " pahayag ni Chad na mukhang makikipagtalo na sa kapatid niya. Mahal??? Mahal parin nga ba ako ng Nanay nila??


"Ssshhh!!! Awat na. Umpisa na naman ng away yan eh. Chad siya ang Tatay niyo. Sorry kung ngayon niyo lang siya nakita, kasalanan ni Nanay iyon." Hinging paumanhin ng kanilang ina.


"Bat kasi niya ikaw sinasaktan e.? " tanong ni Chad sa ina, mukhang hindi naman nagulat ang anak ko nong sinabi ni Rachel na ako ang ama nila.

"Mga anak kasama na ng pagmamahal ang sakit. Mahal ako ng Tatay niyo kaya niya ako nasaktan. Kapag nagmamahal ka asahan mo na, na masasaktan ka." Paliwanag niya na nagpamangha sa akin. How could she say na mahal ko siya kahit na sobra ko na din siyang nasaktan.




"Gulo naman Nanay e. " angal na sambit ng kambal. Kabata-bata palang, naguguluhan na dahil sa pag-ibig.


"Pagdating ng panahon. Maiintindihan niyo din. Basta huwag niyo ng iisipin na masama ang Tatay niyo huh!! Bigyan niyo siya ng chance na maging Tatay sa inyo. Mabait iyon, mukha lang masungit dahil palaging nakabusangot. Hehehe" sabi ni Rachel na nakapagpatawa sa kambal. Ngayon ko lang din siya ulit nakitang ngumiti.


"Kaya siya si Mang Sungit e..Heheheh!!! " pagsang-ayon naman ng anak kong lalaki.

"Chad, huwag mo ng tatawaging Mang Sungit si Frankrich. Pambabastos iyon. Magsorry kayo sa kanya huh!!" Wika pa ni Rachel.


Yeaahhhhh!!!! Now I would say na naging mabuti nga siyang ina.
Hindi nga lang bilang asawa.
Nakakamangha din ang ginawa niyang pagpapalaki sa kambal. Disiplinado, matalino at mabuting mga bata. Kasalanan ko naman talaga kung bakit labis nalang ang galit nila sa akin. Kinuha ko kasi sila sa marahas na paraan na hindi man lang pinaghirapan. Babawi ako sa mga batang ito. PANGAKO.

Lalapitan ko na sana sila nang may taong humarang sa dadaanan ko.

"CAN WE TALK?" Tanong ng taong gustong gusto kong palayasin sa pamamahay ko ngayon.



Si DOMINIC. ..


-----
Yeaahhh!!!! Ang daming realization ngayong araw. Sana marealize na din ni Frankrich na mahal niya parin si Rachel. Chooossss....


Ano ang pakay ni Dominic???
Paki-comment ang inyong kasagutan.. 😊😄

Votes and Comments.. 😘

Thank you 😍😁

---@camzlovejo.

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon