THM Chapter 10.2 💔

2.1K 86 32
                                    

The Heartless Man

Continuation of Chapter 10...

Rachel's POV

Magdadapit-hapon na ngunit wala parin kaming balita kung nasaan ang anak ko. Hindi ko na mapigilan ang mag-iisip ng hindi maganda dahil sa pagkawala niya.

"Can you please sit down Rachel,  nakakahilo na yang palakad-lakad mo ng pabalik-balik." Utos sa akin ng aroganteng lalaki na nasa harap ko. Yeah! Andito parin ako sa bahay niya, hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nakikita si Chad. Hindi ko na hahayaan pa na mapahamak din si Charm sa piling niya.

"Kung ikaw nakakapag-relax ka pa kahit na nawawala na ang anak mo, pwes ako hindi." Madiin kong wika kay Frankrich. Hindi ko na maitatago pa ang galit na nararamdaman ko dahil sa pagkawala ni Chad.

"Put@ngn@ Rachel...Nag-aalala din ako para sa anak ko." Malakas niyang sumbat sa akin. Buti nalang nakatulog na si Charm dahil sa kakaiyak. Hindi niya maririnig ang kawalang-hiyaan ng kanyang ama.

"Hindi ko nararamdaman. Pinabayaan mo siya. Pinairal mo yang pagiging makasarili mo kaya umalis ang anak ko." Nanggagalaiting wika ko. I can't help it.  Inis na inis ako sa kanya ngayon.

"BULLSH*T RACHEL!! SINISISI MO AKO, Gayong ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit hindi ako kinikilalang ama ng mga anak ko. Kung hindi mo sana nilayo sa akin ang mga anak ko hindi sana mangyayari ang lahat ng to." Tugon niya sa akin.  Sisihan na kami ngayon.  Labasan na ng sama ng loob ito.

"Hindi ko kagustuhan ang lahat ng mga nangyari.  Hindi ko sinasadyang saktan ka.  Mahal kita kaya ko nagawa ang lahat nang iyon." Umiiyak na pahayag ko. Balik na naman kami sa isyung sinaktan ko siya.

"F*CK!! Stop of your nonsense reason Rachel. HUWAG NA WAG MONG SASABIHING MAHAL MO AKO DAHIL HINDI KA MARUNONG MAGMAHAL." Sambit niya.  Ouchh!!! Napakasakit marinig ang salitang iyon. Hindi ako marunong magmahal, gayong pagmamahal ang dahilan kung bakit buhay pa siya ngayon.

"Minahal kita.  Mahal na mahal kita kaya't isinakripisyo ko ang kaligayahan ko para lang mabuhay ka. Kaya sana huwag mong sasabihing hindi ako marunong magmahal dahil pag-ibig ang dahilan kaya ako nagtitiis sa hirap ng buhay ngayon. " pahayag ko sa kanya. Hinayaan ko ang Tito ko na angkinin lahat ng kayamanan na mayroon ang pamilya namin kapalit ng buhay niya. 

"Ohhh come on Rachel!  Huwag kang gumawa ng dahilan para lang mapagtakpan yang kamalditahan mo. Huwag mo akong idadamay sa hirap na nararanasan mo ngayon." Sambit niya sa akin.  Hindi parin naniniwala sa mga pinagsasasabi ko.  Wala ding kwenta ang lahat ng paliwanag ko dahil sarado ang isip niyang paniwalaan ako.

"Kamalditahan at kalandian mo ang dahilan kaya't nagkandaletse-letse ang buhay mo." Bulyaw niya sa akin. 

Agad na dumapo ang kanang kamay ko sa pisngi niya para bigyan siya ng sampal. Oo, maldita ako noon pero kahit kailan hindi ko inisip na lumandi para saktan siya. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya noon na walang kinalaman si Dominic sa lahat ng nangyari sa amin,  ngunit hindi niya ito pinaniniwalaan. Oo pinagmukha ko siyang tanga nong pinalabas kong laro lang ang lahat, ngunit ang lahat ng iyon naman ay para sa kaligtasan niya. 

"How dare you to slap me!" Nanggagalaiting wika niya at agad na hinawakan ang aking kamay. Kitang kita ko ang galit at hinanakit sa kanyang mga mata.

Dahil siguro sa galit, umangat din ang kamay niya.  Ready to slap me kaya't pinikit ko nalang ang aking mga mata. Waiting to feel the pain given by his hand.  Tatanggapin ko ang anumang galit niya para mabawasan ang sakit na dinulot ko sa kanya. 

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon