Chapter 15

2.5K 79 5
                                    

Here's the story of their past .😘

-----

Frankrich POV

When I was in first year college I met a woman that gave light to my world. Sounds so corny but yes binigyan niya ng kulay ang boring kong buhay. She is Rachel. Marie Agatha Racheiline Yrnaez to be exact.

Together with Allyna we became a best of friends when I helped them in their math assignment. When I saw her I felt the fast forward thingy that they said. Parang bumilis ang mundo ko at nakita ko ang kinabukasan ko kasama siya.

She's a queen of our campus.  First year palang may bansag na sa kanya. Sa taglay ba naman niyang kagandahan talagang maraming magmamahal sa kanya. At isa na ako dun.

She has a power that I can't resist kaya nga naging sunod-sunuran ako sa kanya at dumating sa point na ipagpapalit ko ang pagkakaibigan namin para sa pag-ibig ko sa kanya.

"Hello Ally" I called our friend Allyna para maging kasabwat ko sa pagtatapat ng pag-ibig sa babaeng mahal ko.

"Oh Frankie! Buti tumawag ka, nasaan kaba?" she's the only one called me Frankie.

"Andito ako sa gym. Pwede mo bang dalhin dito si Rach?" tanong ko sa kanya. Alam niya kung ano ang nararamdaman ko para sa kaibigan namin.

"Kanina ko pa nga hinahanap yang Rachel na yan akala ko kasama mo." Litanya ni Ally sa akin. "Teka gym? Don't tell me ngayon ka aamin sa kanya ng nararamdaman mo. Waahhh kinikilig ako" nabanggit ko noon sa kanya ang plano ko tungkol sa pag-amin ko kay Rach at sa gym nga namin yun isasagawa dahil sa gym ko unang naramdaman na mahal ko na nga siya.

"Tsaka ka na kiligin Pakihanap muna si Rachel at dalhin mo dito." Utos ko sa kanya. Wala pa man kinikilig na siya. Sana kiligin din ang babaeng mahal ko.

"Okay Boss, basta yung bayad ko huh!" Wika niya. Tignan mo to napakayaman na nga nagpapabayad parin . Tsk.

Pinaayos ko ang gym for a romantic set-up. Maraming ballons ang nagkalat and also her favorite flowers. Naghanda din ako ng awitin para sa kanya. In my entire life ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Sana talaga magustuhan niya. Kapag talaga inlove gagawin mo ang lahat para lang mapasaya ang minamahal mo. Akala ko noon hindi nag-eexist ang pag-ibig sa buhay ko iyon pala ngayon palang ito nabibigyan ng kulay.


Natanaw ko silang padating kaya't iniready ko na ang sarili ko para sa sasabihin ko. Sy*t feeling ko makakalimutan ko ang mga linya ko na prinactice ko pa ng ilang buwan.

She's with Allyna na hindi maipinta ang mukha pero hindi ko na iyon pinansin at ipinocus nalang ang paningin ko kay Rach na halatang masayang masaya ngayong araw. Grabe napakaganda talaga ng babaeng mahal ko. She's wearing a pink dress bagay na bagay sa makinis niyang kutis.

"Wow! You prepare all of this Rich? May tinatago ka din palang kasweetan dyan sa katawan mo." Pabirong wika ni Rachel. Napangiti ako dahil namangha siya sa inihanda ko.  

"Yes! All of this para sa babaeng mahal ko." Nanginginig kong tugon sa kanya.

"So sweet, ang swerte niya huh!" Wala parin siyang kaalam alam na siya ang tinutukoy ko.

"Yeah ang swerte mo." Pabulong kong tugon sa kanya pero hindi ata niya narinig dahil may biglang tumawag sa pangalan niya.

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon