THM CHAPTER 2 💔

1.7K 73 9
                                    

The Heartless Man

--------

"MARIE AGATHA RACHIELINE YRNAEZ YOU ARE UNDER ARREST HINUHULI KA SA SALANG PAGNANAKAW NG MAHIGIT TATLONG MILYONG PESO. " wika sa akin nong isang pulis.

Rachel's POV

Nagulat ako nong ibigay sa akin ng pulis ang warrant of arrest na iyon. Wala akong ninanakaw, oo nanakit ako ng damdamin pero hindi ko magagawang magnakaw. Agad ko itong binasa at nakompirmang pangalan ko nga ang nakasulat doon. 

"Sir,  baka po nagkakamali po kayo. wala po akong kasalanan, hindi ko po alam yang pagnanakaw na iyan. Maawa po kayo sa amin Sir." Pagmamakaawa ko sa mga pulis na humuhuli sa akin.

"Bitaw niyo Nanay namin hindi siya masamang tao." Nagtatapang-tapangan na wika ng anak kong lalaki. Paano na sila kapag nakulong ako?

"Mabait Nanay namin hindi siya magnanakaw." Nakisali na din ang anak kong babae. Nagising siguro dahil sa nangyayari. Makikita mo dito ang mga luhang unti-unting pumapatak nang makitang pinupusasan na ako ng mga pulis.

"Kulit niyo.  Bitawan niyo Nanay namin sabi e!!. " nagulat nalang ako nong makitang kinagat ni Chad ang pulis na nagkakabit ng posas sa akin.

"Aray..!!!!  Makulit kang bata huh!!!." Sigaw ng pulis na kinagat niya. Halatang galit na galit ang anak ko dahil sa mga mata niyang nanliliit na nakatingin sa mga pulis.

"Sa presinto nalang kayo magpaliwanag Ma'am."
Wika ng isang pulis sa akin. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon sa kanila baka kasi masaktan pa ang aking mga anak pag ako'y nagmatigas. Ngunit bago nila ako dalhin sa presinto bumaling muna ako sa aking mga anak.

"Kuya,  habang wala ako ikaw muna bahala kay Charm ha!! Huwag mag-aaway okay?." Bilin ko sa panganay ko.  Si Chad ang taga-pagtanggol ni Charm kapag wala ako sa kanilang tabi. Iyakin kasi ang bunso.

"Oo Na..nay,  ga...gawa po ako paraan para hin..di ikaw ma..kulong." Pautal-utal niyang banggit. Based sa boses niya, alam kong sa pag-iyak na ang punta niya. I hugged them back and patted their head bago bumitaw sa pagkakayakap sa kanila. 

"Tahan na Baby Charm, huwag na kayong umiyak huh!!  Babalik si Nanay agad." Baling ko naman sa bunso. Pinunasan ko ang pisngi niyang basang basa dahil sa luha bago ko hinalikan ang dalawang bata 

Kahit labag man sa aking kalooban tinalikuran ko na ang kambal at sumama sa mga pulis. Bago kami umalis ipinagbilin ko muna ang aking mga anak kay Yaya Maring .  Naguguluhan man siya sa nangyayari siniguro niya namang Hindi niya pababayaan ang kambal.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pagdating namin sa presinto. Wala akong sapat na pera para kumuha ng aking abogado. Nakalagay kanina sa warrant of arrest ay nagnakaw ako ng mahigit tatlong milyon pero hindi nakasaad doon kung sino ang taong nagpaaresto sa akin. Kung sino man siya alam ko may galit ito sa akin, may kinalaman ito sa aking nakaraan dahil wala naman akong ginagawang mali noong nagpanibagong buhay.  Nawa'y hindi si Tito ang may gawa nito dahil ayokong madamay pa ang mga anak ko sa galit niya kay Frankrich.

Nanghihina ang mga tuhod kong bumaba sa sasakyan nang marating namin ang presinto. Gusto nilang pagbayaran ko ang kasalanang hindi ko ginawa. Kanina pa ako nagpapaliwanag sa mga pulis pero hindi ako pinapakinggan. Ayokong makulong, ayokong mawalay sa mga anak ko dahil sa maling bintang nila sa akin.

"Sir,  wala po akong kinalaman sa nakawan na iyan, makinig naman kayo sa akin." Maraming beses kong wika sa mga pulis.

"Nakikiusap po ako,  kawawa po ang mga anak ko kapag nakulong po ako." Pakiusap ko pa sa kanila.

"Magpaliwanag ka sa taong nagpakulong sa iyo.  Nandon siya sa office ni Major." Wika ng isang pulis na natutulili na ata ang tenga sa kakapakiusap ko. 

Agad naman akong dinala sa opisina para makausap ang taong nagpaaresto sa akin. Pagbukas palang ng pinto. Nakita ko na ang isang lalaking mahaba ang buhok, na nakatalikod sa akin. Nakaharap ito sa kanyang kausap na sa tingin ko ay ang Major sa presintong ito.

"Good morning po Sir, nagmamakaawa po ako sa inyo. Wala po akong kinalaman sa binibintang ninyo sa akin. Nakikiusap po ako palayain niyo na po ako. May mga tao pong umaasa sa akin. Wala pong mag-aalaga sa kanila kapag ako'y nakulong sa kasalanang hindi ko naman ginawa." Naka-tungong pakiusap ko sa kanya. Hindi ko na tinignan pa ang kanyang mukha dahil ayokong makita nilang umiiyak ako. Ngunit ang boses niya ang nagpagimbal sa akin. Ang boses na iyon na kaytagal ko nang hindi narinig.

"Hello my Dear Rachel.  How are you?" Wika ng boses na iyon, na naging dahilan ng pag-angat ko ng aking paningin.

There,  I saw a Greek God just like Zeus,  Hades,  Hermes and Poseidon mayroon itong mahabang buhok, mahahabang balbas at matipunong katawan. Sa kabila noon kita parin ang kagandang lalaki niya.


I SAW MY GREEK GOD HUSBAND FRANKRICH TROY VASQUEZ GOMEZ standing in front of me.

------
Sorry for the slow and short update.  Medyo busy si Author plus napapadalas pagsakit ng ulo ko. 😢

Thank you sa nagsend ng cover.  I will use it kapag mabilis ang net ko. 😙

Thank you sa patuloy na pagbasa, pag-comment at pag-vote. 

Comment your suggestions at wag kalimutang mag-vote. 😄😘
Thank you ..............😉😘

--@camzlovejo

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon