Chapter 5:Decision

11K 175 3
                                    


Venus


Hating gabi na nung napagpasyahan kong umuwi. Nagpresenta naman si Ice na ihatid ako, nung una ayoko pero dahil napilit sila ni tito kaya ayon wala na kong nagawa.

Nagpaalam muna ako sa kanilang lahat bago sumakay sa kotse ni Ice.

Habang nasa biyahe tahimik lang kaming dalawa hanggang makaabot kami sa bahay.

"Iniiwasan mo ba ako?"-ani ni ice napatingin naman ako sa kanya na nakatingin din pala sakin.
"Ano na naman ang pinagsasabi mo?"-inis kong sambit bubuksan ko na sana ang pinto pero naka-lock ito.

"Ice, anu ba! buksan mo to!"-matigas kong saad pero kinagulat ko ng bigla niya akong halikan ng presahan.

"Ice!ano ba!!"-sigaw ko sabay tulak ng buong lakas at sabay nun ang pagpatak ng mga luha ko.


"Ano bang nangyayari sayo. D-di ka naman ganyan dati hah!"-maiyak iyak kong sambit habang nakatingin sa kanya.

Pinunasan naman niya ang mga luha ko gamit ang hintuturo niya.

"Sorry."-pabulong niyang ani tsaka ako niyakap. "Magiging okay ang lahat Ve.. Please,trust me. Ayoko lang mawala ka sakin, Ve."-samnit niya tsaka kumalas sa yakap.

"Sige na,umuwi kana."-utos ko sa kanya tsaka binuksan ang pinto na kanina ay lock.

Sinara ko na ang pintuan ng kotse niya tsaka ako pumasok sa bahay.

Nakalipas ang ilang segundo narinig ko and kotse niya na paalis na.

Dumerecho na ko sa kwarto ko upang magpahinga.

Sobrang daming nangyari ngayon araw. Napagod ang katawan ko pati na rin ang puso ko.

~~

Riiiinnnnggggg

Naalimbungatan ako sa ingay ng cellphone ko.

Kinapa ko naman ito sa ibaba ng mesa sa tabi ng kama ko.

Tiningnan ko naman ang screen na phone ko para malaman kong sino ang tumawag.

Mars??

Ang aga naman tumawag ng babaeng toh..

"Hello"

[Ve...]

Kinabahan ako dahil bakas sa boses ni Mars na umuiyak ito.

"Mars?anong nangyari?! bakit ka umiiyak?!"

[Ve s-si Ice n-naasidente..nandito kami ngayon s-sa ***** ospital]

Nabitawan ko ang cellphone ko kasabay ng mga luha ko.

Agad akong tumayo at nag-ayos upang makapunta agad sa opital na sinasabi ni Mars.

~~

Makalipas ang ilang oras nakapunta na ko sa ospital na sinabi ni Mars. Agad akong pumunta sa counter upang itanong kung saang room si Ice.

Nung nalaman ko agad akong pumunta sa ER na iyon.

Naabutan ko si tita Shy(mommy ni Ice) , Mars at si tito.

Nang makita ako ni Mars agad itong lumapit sakin sabay yakap.

"Ve"-nanginginig niyang sambit. "Shhhh, magiging okay ang lahat. "-sambit ko tsaka siya kumalas sa yakap. Ngumiti ng pilit tsaka tumango umupo na kami sa tabi nina tita at tito. Katabi ko ang mommy ni Ice na kung makatingin sakin parang sinusuri niya at parte ng mukha ko.

"Your so familiar."-sambit niya napalunok ako...ggghhaaaddd nakilala niya ba ako.

"K-kaibigan po ako ng anak ninyo."-ani ko tumango lang ito na parang hindi kumbensido.

Napatayo kami ng lumabas ang doctor sa ER. Lumapit sina Mars at ang mommy ni Ice.

"How's my son Doc?"-alalang tanong in tita Shy.

"Okay na siya pwera lang sa mga baling nakuha niya at mga sugat."-pahayag ng doctor tsaka ito nagpaalam dahil nagmamadali ito.

Matapos yun napaupo nalang ako ayokong maging masyadong emosyonal at baka mahalata nila.

Dinamayan ko nalang si Mars hanggang ito'y nakatulog ito. Umalis muna si tito upang bumili ng pagkain namin kaya kami nalang ni tita Shy.

"I don't like you."napatingin ako kay tita Shy ng bigla itong magsalita tiningnan niya rin pala ako.

"Alam ko ang lihim niyo ni Ice, kaya gusto kong layuan mo siya."-matigas niyang sambit nagulat ako sa sinabi niya..alam niya pero pano??

"D-di ko po alam ang mga sinasabi niyo."-pagsisinungaling ko. Nagulat ako ng bigla itong tumawa.

"Wag mo nga akong gawin tanga! ikakasal na si Ice at hindi ikaw ang babaeng yun kaya layuan mo na ang anak ko."-saad niya na kinagulat ko.

Sasagot na sana ako ng biglang dumating si tito. Makalipas ang ilang oras nilipat na si Ice ng kwarto dapat bumuti naman ang kalagayan nito.

Tanghali na nung nagpaalam na ako kina tito upang umuwi.

~~

Pagdating sa bahay sumampa agad ako sa kama ko at dun binuhos ang lahat ng sakit na nadarama ko ngayon.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko ng maramdaman kung may tumatawag sakin.

Si Mars

Di ko sinagot ang mga tawag niya at makalipas ang ilang tawag tumigil na rin ito. Ilang segundo lang nagtext naman si Mars kaya binasa ko na ito.

[Ve bakit di mo sinasagot mga tawag ko..btw gising na pala si Ice at mabuti narin ang kalagayan niya..]

Napangiti ako sa mga nabasa ko.


Siguro panahon para tapusin na ang relasyon namin ni Ice. Mas deserve ni Mars si Ice...hindi sakin.

Kabit Ako Ng Taong Mahal Ko(EDITING)#HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon