chapter 12:

9.6K 145 0
                                    


Venus

   Umiinit ang ulo ko habang pinagmamasdan ang pag-iisang dibdib ng mga taong nanakit sakin.

     Di kasi natuloy ang kasal nung nakaraan kaya ngayon lang sila ikakasal. Gusto ko mang sabunutan si Mars sa altar at sampalin si Ice pero di ko magawa dahil may kung anong pumipigil sakin. Pinatay nila ang anak ko.. Parang gusto ko na rin mamatay nung makinig ko ang sinabi ng doktor sakin..

Nung tumanong ang pare kung sino ang tutul sa kasal balak ko sanang tumutol pero may tumigil sakin.

  "Tayo na, mahuhuli na tayo sa flight natin."-napatingin ako sa taong humawak at pumigil sakin, ang taong ito ay walang iba kundi si Rain. Pinagmasdan ko ulit silang dalawa habang ng hahalikan may kung anong likidong dumaloy sa pisngi ko agad ko naman itong pinunasan.

Hindi deserving ng mga luha ko ang taong sumira at nagwasak ng puso at buhay ko.

Tumingin ako kay Rain tsaka niya binitawan ang braso ko nauna na akong maglakat sa kanya.

Ipapangako ko sa aking muling pagbabalik hinding hindi na ako nagpapaapi sa iyo Ice. Sisiguruhin kong luluhod ka sakin. Kayong dalawa ni Mars.. At nasa aking na ulit ang huling halakhak at mapapasakin muli ang puso mo Ice.. Sisiguruhin ko yan...kanyang kamatayan.

~~~~~

2 year later..

  "Ready ka na ba?"-tanong ni Rain sakin. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Kailan pa ba ako hindi naging ready?? Sasayangin ko pa ba ang mga hirap na dinanas ko sa Kuwait.? Hindi.

Naging domestic worker ako sa isang CEO ng isang malaking kompanya. Wala itong asawa kaya ng magtapat ito sakin sinunggaban ko agad kahit hindi ko pa siya mahal at pera lang ang habol ko sa kanya. Ang sama ko ba? Sorry pero kailangan kong bumangon.

Kaya nung namatay siya nung nakaraang buwan lahat ng yaman niya napunta sakin. At ngayon babalik ako sa Pilipinas upang ma-meet ang isang branch ng aking asawa dito sa Pilipinas.

Natauhan ako ng dumating na kami sa kompanya ko. Bago ako lumabas ng sasakyan sinuot ko muna ang shade ko tsaka lumabas. Dapat maging palaban ako sa lahat ng oras.

Nung lumabas na ako agad bumungad sakin ang mga empleyado ng aming kompanya. "WELCOME TO THE PHILIPPINES MADAM GO!"-bati nila sakin ngumiti lang ako tsaka naglakad sa kanilang gitna.

Agad akong dumerecho sa magiging opisina ko. Umupo agad ako sa tsaka tinaggal ang shade ko tsaka pumikit napagod talaga ako sa byahe. Pesteng Rain yun! Siya talaga ang may kasalanan nito.

  "Ehem!"-dahan dahan kong minulat ang mga mata ko nung may marinig akong umubo. Tsk! Halatang peke.

  Napatingin ako sa babaeng naka glasses na nasa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

  "RONALYN!?"-sambit ko tsaka tumayo sabay yakap dito. Si Rona or Ronalyn ang bestfriend ko sa Kuwait pero umuwi siya sa Pilipinas dahil nagkasakit ang kanyang ina kaya mag-isa nalang ako nun sa Kuwait. Alam din niya ang mga secreto ko kasama na dun ang nangyari samin nina Ice at Mars.

Kumalas ang pagkakayap namin."kamusta ka na rona?"- masayang tanong ko dito.

"Ito okay lang naman..ikaw ang kamusta.. Di ako makapaniwala na ikaw na ang magiging boss ko."- sagot niya sakin

"Boss?"- natatawang tanong ko sa kanya.

"Oo, ako lang naman ang magiging assistant mo."

"Talaga?!"

"Oo"

"Nakakatuwa naman yan!"

"Oo nga pero bago tayo magsaya back to work muna tayo"

May kinuha siyang maliit na white na bagay.

"Ang schedule mo ngayon ay  lunch meeting with Mr. Icezekiel Gumboa"

"Hayyy.. Another lunch meeting nakakasawa n--- teka wait.. Mr. Icezekiel Gumboa ba kamo???"

"Yes..wh--- OMG! Don't tell me???"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro panahon na rin upang magkita kami ni Ice. Humanda ka na Ice dahil ako handang handa na.

Pero handa na nga ba ako??

Hah! Sinong niloloko ko.

~~~~

Kabit Ako Ng Taong Mahal Ko(EDITING)#HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon