chapter 19:

8.7K 125 1
                                    

-Ice's POV-

          "Ve...."

  What the fvck?! Anong ginagawa dito ni Venus?!!

  Napakumo ang kamao ko sa matinding inis at galit. Tumakbo ako pababa sa arena kung saan si Venus. Naririnig ko ang mga tawag ng mga tauhan ko pero wala akong pakialam sa kanila.

Lumapit ako kay Leo na siyang host ngayong gabi. Yumuko siya sa akin tanda ng pag-galang.

  "Stop this fvcking auction Leo!"-diin kong utos sa kanya.

  "Why Lord?? We only having a fun here."- sambit ni Leo.

"So? I don't care if you having  fun."- malamig kong sambit sabay kuha kay Venus. Hinubad ko ang jacket ko at pinasuot kay Venus bago kami tuluyang umalis.

  Lumabas kami sa arena at agad kaming sumakay sa kotse ko.

Kinuha ko muna ang phone ko. "Hideout."-ikling sambit ko sabay andar ng makina ng sasakyan ko.

~~~~~

-Venus' POV-

      Nababalot ng katahimikan ng byahe namin ni Ice.

  "Why did you follow us?"- napatingin ako kay Ice ng bigla itong mag-salita. Seryoso lang siya na nakatingin sa daan.

"Na-.. Na-..curious lang ako.."-mahinang sagot ko.

"Curious?! Ve alam mo ba na muntik ka ng mapahamak ng dahil sa curious mong yan?!!"- nagulat ako ng biglang sumigaw si Ice.

"Di.. Di ko naman sinasadya eh.. Kung hindi kita sinundan di ko pa malalaman na bumalik ka na pala sa pagiging mafai mo.. "- ani ko napalunok ako ng tumingin siya sakin.

"Maraming nagbago ve... Marami.."- makahulugan niyang sambit tsaka tumingin ulit sa daan.

××××××

    Bumaba si Ice sa kotse kaya sumunod naman ako sa kanya. Pumasok kami sa isang bodega pero napa-wow ako sa sobrang ganda ng loob. Nilibot ko ang aking paningin.. Simple lang naman ang design..  At alam ml agad na lalaki ang may ari nito.

Nagulat ako ng hinatak ako ni Ice paupo sa sofa. "Kukuha lang ako ng gamot"-malamog niyang sambit sabay alis.

  Nagbumalik siya may dala na siyang first aid kit. Ginamot niya ang sugat ko sa labi habang ako nakatitig lang sa mukha niya. Sa mga singkit niyang mga mata.. Sa matangos niyang ilong... Sa mapulang labi niya... Sa----

"Ice!!"-napatingin kami ng may biglang sumigaw na babae sa may pinto. At nakita ko dun ang babaeng naka-pula kanina sa auction.

"Ice!!!"- tumakbo ito palapit kay Ice sabay yakap dito. "Mag-bibihis lang ako"- sambit ko sabay talikod na at baka masakal ko pa yung babaeng haliparot na yun.

Tinuro ni Thunder ang kwarto kung saan ako mag-bibihis. Habang pumipili ako nag-damit...

"Stay away from Ice."-napatingin ako sa bandang likod ko kung saan nanggaling ang boses. At tama nga ang hinala ko ang babaeng haliparot nga. Tumayo ako tsaka humarap sa kanya.

"Anong sabi mo?"-diin kong tanong sa kanya. Ngumisi siya na nagpadagdag ng init ng ulo ko.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko layuan mo si Ice!"- ani niya.

Ngumisi ako dahil sa sinabi niya.

"Eh kung ayaw ko? May magagawa ka ba?"- nakangising tanong ko sa kanya.

Nawala ang ngisi niya sa kanyang mukha. "Sino ka ba?!"- tanong niya sakin. "Sino ako?? Ako lang naman ang taong hindi desperada katulad mo."-sambit ko tsaka tumalikod sabay bunggo ng balikat ko sa balikat niya.

" Layuan mo si Ice dahil sa ginawa niyang pagtulong sayo maaari siyang paalisin sa pwesto niya na pagiging Lord.."- napatigil ako dahil sa sinabi niya pero umalis din ako pagkalipas ng isang segundo.

Lumabas ako ng hideout nila Ice upang magpahangin. Gusto ko sanang umalis pero di ko alam ang daan pauwi sa hotel.

"Bakit nandito ka?"- napatingin ako sa gilid ko at nakita dun si Thunder. "Nagpapahangin lang.."- sagot ko sa kanya tsaka naman siya umupo sa tabi ko.

"Bakit nasa arena ka kanina?"- tanong niya sakin. "Si---sinundan ko kasi kayo ni Ice.."- sagot ko sa kanya.

"Alam mo ba na maaari kang mamatay dahil sa ginawa mo?"- ani niya. Mamatay agad?? OA naman toh..

"Oo na alam ko na yun.. Di na po ma-uulit"- sambit ko at nagulat ako ng bigla siyang tumawa.

"Ang cute ko talaga"- ani niya sabay gulo ng buhok ko na agad ko naman kunuha ang kamay niya..

"Ano ba!? Pwede mo naman lang sabihin na cute ako ng hindi ginugulo ang buhok ko!"- saad ko.

Tumawa lang siya at nagpatuloy lang ang aming kwentuhan.

×××××××

Makalipas ang isang minuto pumasok na kami ni Thunder. Tinanong ko sa kanya kung saan ako pwedeng mag-ayos tinuro niya sakin ang kwarto kaya agad akong mag-paalam sa kanya.

Pumasok ako sa kwarto at nagulat ako ng may maaninag ang anino na nakatayo sa may bandang bintana.

Dahan-dahan akong lumapit sa anino pero kinuha ako ang unan para maihampas sa anino pero naibaba ko rin ito ng makilala ko ang anino..

"Ice..."

ווו÷•

Kabit Ako Ng Taong Mahal Ko(EDITING)#HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon