chapter 20:

9.2K 123 6
                                    


-Venus' POV-

             
                  "Ice..."

     Lumingon siya sakin.

      "Mukhang nag-kakasundo na kayo ni Thunder hah, Ve.."- malamig niyang ani.

      "Ah.. Oo.. Mabait naman si Thunder eh .."-sambit ko na may pag-kaalanganin.

    "That's good. Bukas na bukas din babalik ka na sa hotel."-  saad niya. Teka??? Ako lang??

   "Ako lang? Hindi ka sasama?"- tanong ko sa kanya.

  "No. May gagawin pa ako dito. Asikasuhin mo ang trabahong pinunta mo dito."- ani niya ulit.

  Tumango lang ako. Wala naman akong magagawa eh. Napatigil ako ng biglang humakbang palapit si Ice sakin.

   Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at di ko alam kung bakit pinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ko ang mga labi niya sa noo ko. Ay sayang---...

  Matapos niya akong halikan sa noo nag-salita siya. "Good night, my Queen."- tsaka siya lumabas ng kwarto.

××××××

  
   Kinabukasan.

Nagising ako dahil sa sinag ng aga na tumatama sa mata ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at natigilan ako ng maramdaman kong may nakadaang mabigat sa tyan ko. Tiningnan ko ito at nanlaki ang mga mata ko ng makitang may kamay na nakadagan sa tyan ko napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang mala-anghel na mukha ni Ice.

   Ang gwapo niya talaga. Pero teka???, Bakit ito nandito sa kwarto ko??? At bakit mag-katabi kami???

   "Done checking my handsome face?"- nanlaki ang mga mata ko ng biglang nag-salita si Ice kaya napa-upo ako habang nasa dibdib ang mga kamay ko. At nahulog sa kama si Ice.

   "BAKIT NANDITO KA?!!! PINAG-SAMANTALAHAN MO BA AKO?!!"- sigaw ko kay Ice.

  "Pinag-samantalahan?? Bakit nakahubad ka ba? Nakahubad ba ako?!!"- tanong niya sakin kaya agad kung tiningnan ang suot ko at napahiya ako bigla ng makitang kompleto pa ang damit ko.

  "NASAN ANG SUNOGGG!!!"- nagulat kami ni Ice ng bigla pumasok si Thunder na naka-topless kasama ang tatlo pang-lalake. Nakapose pa sila.

"Hey, three idiot .. Walang sunog kaya lumabas na kayo."- malamig na sambit ni Ice habang tumatayo. Napakamot naman ng ulo silang apat.

"Ay! Di mo pa pala sila kilala. Dito si Zero"- sabay turo sa lalaking moreno. Kumaway ito sakin kaya kumaway din ako.

"Dito si Jasper"- sabay turo sa lalaking chinito.

" Hi!"- bati ni Jasper kaya nag-hi din ako sa kanya.

"At ito si JM."- sabay turo sa lalaking mestiso. Kumaway din siya kaya kumaway din ako.

"So, pwede na kayong lumabas."- singit ni Ice. Kaya lumabas na silang apat.

  "Ihahatid na kita sa hotel kaya mag-ayos ka na."- sambit ni Ice tsaka lumabas. Hayyyy.. Bakit ba ang lamig niya sakin.

××××××

  
     Kumakaway ako sa kanilang apat habang palayo kami ni Ice sa hide out nila. At habang sa byahe binalot naman kami ng katahimikan.

  Nakatingin lang ako sa lahat napangiti ako nung dumaan kami sa isang park. Maraming pamilya ang namamasyal ang saya ng mga mukha nila. Namimiss ko tuloy ang baby ko.

   Nagulat ako ng biglang itigil ni Ice ang sasakyan niya sa gilid ng park. Napatingin ako kay Ice habang palabas siya ng sasakyan kaya sumunod nalang ako sa kanya.

Kabit Ako Ng Taong Mahal Ko(EDITING)#HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon