chapter 13:

9.1K 159 2
                                    


Venus' POV

          Nakatayo ako ngayon sa restaurant pagmemeetingan namin ni Ice...

Ice...how i miss that name.

     Pumasok na ako sa restu at agad hinanap si Ice. At nakita ko siya sa bandang gitna ng restu ngumiti ako sa aking nakita. Ang gwapo parin niya pero mukha siyang stress.

   

   Lalapit na sana ako kay Ice ng may biglang sumulpot na babae sa gilid ni Ice at ang babaeng yun ay si Mars. Tiningnan ko lang silang dalawa at nakita ko tumayo si Ice at mukhang nag-aaway silang dalawa. What a show.


    Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at nung una hindi nila alintana ang atensyon ko kaya...

"Ehem! Mr. Gomboa?"-napatingin silang dalawa sakin at nakita ko ang galit sa mukha ni Mars.

    "Meeting pala hah?!! Ano toh Ice nakikipagkita ka sa babaeng to?!!"-galit na sambit ni Mars habang dinuduro ako. At dahil dun nakuha namin ang atensyon na mga tao sa loob ng restaurant.

Tiningnan ko mula paa hanggang ulo si Mars na nakipagtiis din ng tingin sakin at syempre ako ang nanalo. Ngumisi lang ako habang siya napatingin kay Ice.

    "Umuwi kana Mars."-matigas na sambit ni Ice kay Mars.

    Ngumisi si lang si Mars. "Pauuwiin mo ako tapos ikaw nakikipaglandian sa babaeng toh?! Ice naman may ANAK na tayo"-napangisi lang ako dahil diniin pa talaga ang salitang ANAK. Namiss ko bigla ang anak ko...

   "Anak mo lang Mars hindi anak natin."-malamig na saad ni Ice.

  Mukhang iiyak si Mars dahil sa sinabi ni Ice.

  "I-ice naman.... Hanggang kailan mo ba itatanggi ang anak natin"-maluhang luhang sambit ni Mars. Ilang Segundong natahimik si Ice bago nagsalita ulit.

   "Umuwi kana Mars."-sambit ni Ice. Nakita kong tumulo ang luha ni Mars pero agad naman niya itong pinunasan tsaka tumingin sakin.

  "Ikaw babaeng malandi ang lakas ng loob mong magpakita pa samin ?!"-galit niyang sumbat sakin habang dinuduro ako at saktong may dumaang waiter na may dalang tray na puno ng drinks sa gilid ko kaya pinatid ko  ito kaya natapon lahat ng drinks kay Mars. Ngumisi lang ako dahil sa nakikita ko.

"Ikaw!!!"-sasabunotan pa sana ako ni Mars pero agad siyang pinigilan ni Ice. Hinawakan ni Ice ang dalawang kamay na isasabunot sana ni Mars sakin.

"Ano ba Mars?! Hindi ka ba titigil?! Nakikita mo bang pinagtitingin na tayo?! "-galit na sambit ni Ice kay Mars sabay  tulak dito.

   Nanginginig na sa sobrang galit si Mars habang nakatingin sakin. "Di pa tayo tapos Ve!! Hindi pa!!"-ani ni Mars tsaka padabog na umalis sa restu.


Di pa nga tayo tapos Mars dahil nagsisimula palang ako. Akala ninyo siguro ni Ice na nakalimutan ko na ang ginawa ninyo samin ng ANAK ko. Pero nagkakamali kayo dahil sisiguruhin kong mararamdaman ninyo ang sakit na naramdaman ko noon.

~~~~~~
XOXO
-madly_shellee
Follow naman po please!! Pretty pleeaaaasssseeeee....

Kabit Ako Ng Taong Mahal Ko(EDITING)#HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon