Nico's POv
I saw a man coming.
Naramdaman ko ung biglang higpit ng kamay ni Thea. Ramdam ko ang paninigas ng kamay nya. Ramdam ko ang tensyon sa kanya. Sya na ba ito?
Si Lee ba sya?
Takot kong sinulyapan si Thea. Natatakot akong makita sa mukha nya na may sakit pa. Ayokong maramdamang naaapektuhan pa sya. Bakas sa mukha nya ang pagkagulat. Bakas sa kanya ang mga ekspresyong takot akong makita.
May epekto pa sya skanya.
"Out siders are not allowed during practice." Pilit kong pag basak sa katahimikan. Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Thea katulad ng higpit ng kapit na gusto kong maramdaman nya. Ayokong bumitaw. Ayokong luwagan ang hawak dahil baka di ko na maabutan ang pag kawala nya.
"Tss. Sorry men but I think Im still welcome here." Pagmamayabang nya.
"Welcome back Nakpil." Nillapitan sya ni Wax at tinapik. "Captain sya si Nakpil, former captain namin."
"Thanks men." Lee
Naglakad sya papalapit samin. Naramdaman ko ang panginginig ni Thea. Lalong tumigas ang hawak nya.
"Hi. Nakpil. Lee Nakpil." Inabot nya ang kamay nya para kumamay sakin. Naramdaman ko ang pag luwag ng kamayni Thea. Wag pls. wag kang bibitiw sa isip isip ko. Wag mo luwagan ang kapit kasi hindi kita bibitawan.
Inabot ko ang kamay n Lee gamit ang libreng kamay ko. Napansin kong tumingin sya kay Thea. nakangit. Hayop na lalake parang nang aasar pa. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib pero naniniwala pa din ako sa pagmamahal ni Thea. Ayokong pagdudahan ang nararamdaman nya. Ayokong pangunahan.
"Lee kelan ka pa dumating?" Mark
"Ngayon lang. Kayo talaga una kong pinuntahan." Sagot ni Lee habang ramdam ko ang titig nya kay Thea. Nananadya ang puta.
"Pwede ba makisali sa practice? Wala na kong laro eh." Sabi pa nya.
"Geh tol. Gamitin mo na lang ung rubber shoes ko sa locker at ball shorts ko. Okay lang naman diba captain?" Mark
Nagdadalawang isip ako. Ayoko ng pahabain ang pag stay nya dito pero gusto ko din malaman kung anong epekto pa nya kay Thea. Ayokong mag isip ng masama. Gusto kong magtiwala.
"Cge, walang problema." Tumalikod ako at inalalayan si Thea makaupo sa bleachers. Kita sa kilos nya an tamlay. Ayokong magtanong. Natatakot ako sa sagot. Bading ko lang.
"Bam, okay ka lang? Upo ka muna." Sabi ko
"Bam, pwede ba kong umalis muna? Papahangin lang ako." Bakas sa boses nya ang lungkot. Lalo akong nalungkot sa nakikita at naririnig ko. May epekto pa talaga sya.
"Bam, panuorin mo ko. Papanisin ko yan." Pilit akong yumawa. Gusto kong pagaanin ang tensyon. "Manuod ka sa BOYFRIEND mo. Magaling ata ako." Dagdag ko pa. Hinalikan ko sya sa noo at nag umpisa ng lumakad papalapit sa court.
Pumasok ako ng court para mag stretching. Napansin ko si Migs na lumalapit sakin dahan dahan.
"Nico anong plano mo?" Bulong ni Migs habang nag stretching.
Tinignan ko lang sya. Kahit ako hindi ko alam ang mangyayari. Wala akong plano. Wala sa plano ko ung pag dating nya. Hindi ko naisip na ganun kadali ang pag balik nya. Sana hinayaan nya muna kong makasama si Thea ng mas matagal. Naguguluhan ako. Parang pakiramdam ko anytime mawawala si Thea sakin. Ayojo magduda. Ayoko mag isip ng masama. Mahal nya ko un lang pinaniniwalaan ko.
Di ko na sinagot si Migs. Tinignan ko lang sya mata sa mata at nag umpisa ng magdribble ng bola. Sa court ko nlang ilalabas ang sama ng loob ko syo Lee. Nag umpisa na kong kumuha ng bola at mag dribble. Nakita ko na din ang pag pasok ni Lee sa court. Aaminin ko, ang lakas ng dating nya sa court. Kasama nya si Wax sa gilid. Maganda gandang laro ito.
"Start na. Lee dyan ka na lang sa team B. kakampi mo sila-." Di nya na ko pinatapos at biglang humirit.
"Kahit sino pa yan. I know my TEAM. Kahit sino pa sa kanila gamay ko pa. Start na?" Payabang ang puta! Hambog! Srap mo batuhin ng limang bola sunud sunod.
....
Bago mag umpisa ang game tinignan ko muna si Thea. Iisa lang ang sinusundan ng mata nya. Nag sisi ako bakit ko pa sya tinignan. Sana hindi ko nlang nakita na ang atansyon nya nasa isang tao lang. Kita sa mata nya ang di pagkapaniwala sa mga nakikita nya. Lalo ako nakaramdam ng sakit. Di ko namalayan tinatapik na pla ko ni Migs.
"Nico pakainin mo nlang ng bola. Dito ikaw ang hari!" Bulong ni Migs habang tinatapik ako.
Nag umpisa na ung laro. Kakampi nya si Carl, Wax, Jun at Mike. Ang team ko naman at si Migs, Mark, Mak at Jin.
Pagkajump ball nakuha agad ni Mark ang bola at dinala na sa side namin. Pinasa kay Migs at ibinato sa akin. Binabantayan ako ni Lee. Ayaw magpatalo habang panay ang harang sa akin. Kumaliwa ako at sabay naman harang nya. Patuloy ako sa pag galaw hanggang sa nakahanap ako ng tyempo pag punta ko sa kaliwa eh sumunod sya kaya mabilis ako nakaikot pakanan sabay fade away jump.
Shoot.
Tinignan ko si Thea na bahagya naman akong nginitian. Ganyan nga Bam, sakin ka tumingin. Pangakong di kita hahayaang masaktan uli.
Nagpatuloy lang ang game. Mainit ang laro. Masasabi kong magaling nga si Lee. Pwede nga sya sa pagiging Captain nuon. Pero tulad nga ng sinabi ko ay NOON na ito dahil akin na ngayon. Isa sa katangian ko ay ayokong bumibitaw sa alam kong DESERVE ko at AKIN na.
Lamang ang team namin ng 2. Hawak ni Lee ang bola. Hindi ko niluluwagan ang gwardya sa kanya dahil alam kong anytime pwede syang pumasok sa loob. Alam ko na galaw nya. Madaling basahin. Pihit sa kaliwa, pihit sa kanan, iikot sabay tatalon. Nasabayan ko talon nyapero sa di inaasahang pangyayari naitulak ako ng nasa likod ko kaya mababagsakan ko sya.
Sinubukan kong kontrahin ang bagsak pero huli na. Sabay kaming solid na nahulog sa sahig. Ang naramdaman ko nlang ang pag dagannya sa likod ng kamay ko na pinilit kong itungkod para di tumama ang ulo nya sa sahig.
_______________
Thea's POV
Hindi ako makapaniwala. Andito na sya uli.
Di ko alam kung bakit ayaw bumagal ng dibdib ko sa pag kabog.
Pinipilit kong gumalaw ng normal pero traydorang utak ko. Ayokong iparamdam kay Nico na may impact pa si Lee. Mali na ipakita ko sa kanya ito. Kahit ako naguguluhan sa nararamdaman ko ngayon. Alam kong mahal ko si Nico pero hindi ko inaasahan ang mararamdaman ko ngayong bumalik na si Lee.
Umaasa pa ba ko?
Ewan ko.
Naglaro na sila sa court. Bakas sa mata n Nico ang pagiging seryoso. Sa kabilang banda naman ay nakikita ko ang pagiging maangas ni Lee. Walang pinag bago sa galing. Muling bumalik sa isip ko ang mga panahong nakaupo ako dito habang sya ang pinapanuod.
Napaka mapaglaro ng tadhana.
Sinusubukan ba talaga ng tadhana ang puso ko? Sino nga ba ang may ari nito?
Lamang sila Bam sa score. Kilala ko laro ni Bam. Alam nya na galaw ni Lee. Kitangkita ko kung pano nya bantayang wag makapasok sa loob si Lee.
Umikot ikot si Lee hanggang sa makahanap ng tyempo. Bigla syang tumalon at nasabayan naman ito ni Bam pero biglang natamaan sya ni Wax habang nasa ere sila. Nakita ko ang lakas ng bagsak nila.
Rinig ko ang lakas ng tunog ng katawan nila.
Parang nanigas ang katawan ko.
Namalayan ko na lang ang sarili kong tumatakbo papalit sa kanya bakas ang pag aalala na baka nasaktan sya.
____________________________
Yan na po update. Sorry natagalan ang UP DATE. Nag rereview po kasi ako for my HAAD exam.
Pray for me guys.
Sino ba ung SYA na nilapitan ni Thea?
LEE O BAM????
Iloveyouall!
:))
BINABASA MO ANG
Unconditional Love ;))
Teen FictionHow are you going to manage your first heartbreak? And how are you going to manage a new love? Are you still capable of loving again? Are ready to risk for a new happiness or another heartbreak?