Chapter 58 - tatlong araw

527 10 13
                                    

Sorry po ngayon lang nakapag UPDATE :(

Nag aaral po kasi si Author.

Thank you sa mga walang sawang nag cocomment at nag VOTE :)

inspiration ko kyo :)

***************************************************************************************************

Hindi ko alam kung anong klaseng sakit ang narararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag ung bigat na dinadala ko ngayon.

Andito ako sa condo. Hindi ko na alam kung ilang oras na kong anka upo dito. Gusto kong mapag isa. Bawat sulok na tignan ko ay si Thea ang naiisip ko. Hindi ko alam kung bakit ako kailanagn masaktan ng ganito.

Wala pang isang linggo nung naging kme ni Thea. Ang bilis ng pangyayari. Mahal ko si thea pero kailangan kong tanggapin na hindi ako ang mahal nya.

Masakit isipin na kahit anong gusto kong ilaban sya ay hindi ko magagawa dahil hindi ako ang mahal nya. Napapapikit ako sa sakit kasabay ng luha ko. ang bading ko.

Sana hindi ka na lang naging akin.

Tatlong araw lang pala

Ako naging maligaya

Di ko man lang napuna

Tatlong araw ko'y tapus na

Araw ng kalokohan aking kinagalakan

Di ko naunawaan na ako'y masusugatan

Di ako makapaniwala at ako'y natulala

Lumululong lumalala ngunit bat biglang nawala

Pang asar na tugtog yan. Sumakto pa. Tatlong araw lang. Napangiti ako ng mapait.

Tatlong araw lang pala ako naging maligaya

Di ko man lang napuna tatlong araw ko'y tapus na

Tatlong araw naging masaya isang taong lumuluha

Bakit mo kaya nagawa

Bakit ka hindi naawa ngunit kung mapagbibigyan

Ang patalim ay hahawakan

Kahit na magmukhang timang basta magkabalikan

Nagmuka naman talaga kong tanga. Pero bat di ko magawang magalit? Bakit kahit nasasaktan ako mahal pa din kita.

Tatlong araw lang pala

Ako naging maligaya

Tatlong araw lang pala

Di man lang ginawang lima

Di ko man lang napuna

Tatlang araw ko'y tapus na

Saba'y sabay ang pagluha ko. Gusto pa kita makasa. Gusto ko pa iparamdam na mahal kita pero tama bang tatlong araw ko'y tapus na?

Sa kalagitnaan ng pag mumuni muni ko biglang ng ring ang doorbell. Tumayo ako para buksan ito. Malaman si migs to. Pinapunta ko kasi sya dito ng may makasama muna ko.

Pagbukas ko ng pinto ay para akong mapuputulan ng hininga ng makita ko syang nakatingin sa akin. Titig na titig sya ngunit halatang mabigat ang iniisip.

"Thea."

"Nakakaistorbo ba ko?"

Umiling lang ako at binuksan ang pinto ng makaraan sya. Binuksan ko na din ang ilaw kasabay ng pag sara ko ng pinto. Ngayon ko lang napansin na ang gulo gulo pala ng sala. Madaming in can na nakakalat.

Unconditional Love ;))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon