Chapter 55 Puso at Isip

503 9 4
                                    

Author's Note:

Thank you so much for supporting Unconditional Love.

Sana po patuloy nyong iVote ito.

Nakakatuwa po na may mga taong nag cocomment. Ang sarap mag UPDATE pag may nakikita akong comment.

Kahit busy sa review mag UUPDATE po ako :)

Mahal ko kayo.

Wala pa kong cast. Suggest kyo.

Open for dedication.

Comment lang po kyo pag papadedicate ko :)

**************************

Thea's POV

Halos lumabas ang puso ko sa kabang naramdaman ko. Nakita ko na lang ang sarili kong tumakbo palapit sa kanya. Natakot akong baka nasaktan sya. Natakot akong baka mawala sya.

Kitang kita ko ung sakit sa muka nya. Kitang kita ko kung pano sya namilipit. Nakaramdam ako n matinding kaba na baka mainjured sya.

Wag naman sana.

Umupo ako malapit sa kanya pero di ko sya mahawakan. Natatakot ako na baka lalo syang masaktan. Gulat ang tingen nya sa akin na may halong sakit gawa ng kanyang pag kabagsak. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kaya napahinga ako ng malalim.

Dahan dahan kong sinulyapan ang nasa gilid ko at bumalik sa katinuang dalawa silang bumagsak.

Nakita kong naglalakad na sila Wax at Mark palapit sa bench habang inaalalayan si Lee. Bahagya akong nakahinga ng maluwag ng maramdaman kong hinawakan ni Bam ang kamay ko.

"Bam ayos ka lang ba? Anong masakit?" Tanong kong may halong pag aalala. Nakalimutan kong dalawa sila ni Lee na nasaktan ng makita ko si Bam na bumagsak. Kusang gumalaw ang katawan ko para makita kung ayos lang sya.

Tumango lang sya. Halata naman sa itsura nyang masakit kahit sabihin nyang ayos lang sya.

"Captain clinic tayo. Ung kamay mo may tama. Ipinang alalay mo sa ulo ni Lee." Mac

Nung narinig ko un ay natuwa ako. Ibang klase ang bait ni Nico. Inisip pa din nya si Lee kahit alam nyang pwede syang masaktan. Nakakatuwang isipin na may malasakit sya sa taong hindi nya naman lubusang kilala. Sa taong nanakit sa akin.

"Bam, kaya mo bang tumayo? Namumutla ka." Sabi ko sa kanya habang inaalalayan syang makaupo.

Nagulat ako ng biglang may umupo sa tabi ko at biglang hinawakan si Bam. Biglang bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Sa amoy nya alam kong siya ito. Si Lee.

"Bro, salamat sa pag alalay. Tara hahatid kita sa clinic." Dahan dahan nyang itinayo si Nico at inalalayan maglakad. Para akong napako sa pwesto ko. Tumaas ang balahibo ko ng marinig ko ang boses nya mapit sa akin. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Tumayo ako ng dahan dahan habang nakatingin sa pag lalakad ni Nico at Lee. Sinong makakaisip na darating ang araw na magsasama sama kami sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. May takot at kaba. Takot na baka mahal ko pa sya at kaba na baka masaktan lang ako uli.

Sinulyapan ako ni Nico bago tuluyang makalabas ng gym. Nakita kong may binulong sya kay Migs. Kung ano man yon ay hindi ko na nagawang isipin sa tindi ng kabang nararamdaman ko.

dahan dahan akong naglakad at kinuha ang gamit ko. Hindi ko alam kung susunod ako sa clinic o aalis. Para kong tanga na nawalan ng direksyon.

"Thea anong pakiramdam?" nagulat akong may nagsalita sa gilid ko

Unconditional Love ;))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon