Chapter 56

494 9 4
                                    

Hindi ko alam kung pano itatama ang lahat.

Gusto kong bumalik ang lahat sa dati.

Ang akin ay babawiin.

Ang akin ay mananatiling akin.

Mahal ko sya.

Pero paano na?

****************************************************************************************************

Nico's POV

Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong asa tabi ko si Bam. Namanhid ang kamay ko ng makita kong sa akin sya lumapit. Gusto kong magsabi ng Salamat dahil sa akin ka tumakbo. Aaminin kong natakot akong baka kay Lee sya tumakbo. Hindi nya ako binigo.

Umalis kami ni Lee papuntang clinic. Hindi ko nilingon si Thea. Gusto ko man pero natakot ako. Susundan mo ba ko o hindi mo na sya kayang makita dahil natatakot kang mahal mo pa sya? Napuno ang isip ko ng katanungan.

Papalabas na kami ng gym ng makita ko si Migs. "Migs kausapin mo muna si Thea sa loob. Sunod na lang kayo sa clinic after 30 minutes. Hayaan mo muna sya huminga."

Kahit hindi sabihin ni Thea ay alam kong naguluhan sya. Alam kong magulo ang utak nya kagaya ko. King ina kasi tong Lee na toh eeksena pa tapos ngayon nainjured pa ko. Sumpa ata sakin toh e.

Nilagyan na ng first aid ung kamay ko at bandage. Binilin ng Ortho doctor ng school na wag muna alisin benda hanggang hindi ko pa naibabalik sa kanya. Binigyan ako ng gamot at hinayaan na akong bumalik sa gym.

Paglabas ko ng gym ay nakita ko si lee na nakasandal sa pader malapit sa clinic. Tmang tama sa isip isip ko. Gusto ko syang makausap ng maayos.

"Hinahantay mo ko?" tanong ko sa kanya.

Tumango lang si gago. Ang angas talaga. Kalma lang Nico.

"Anong kailangan mo? Kung magpapasalamat ka sakin, ayos na yon" tumalikod ako at badyang lalakad ng bigla nyang hawakan ang balikat ko kaya napaharap akong muli sa kanya.

"Kayo na ni Thea?" seryoso at diretso nyang tanong. Eto na nga ang usapang lalake. Tumango ako at nag smirk. Kung angas lang naman eh napaka rami ko din nun. Nagbago lang ako dahil kay Thea.

"Alam mong ex ko sya?" tumango lang ulit ako. Napatiklop ako ng kamay. Sa di ko malaman ay nakaramdam ako ng gigil.

"Nasaktan ko sya." tumingin sya sa sahig at bakas sa boses nya ang lungkot. Mas lalo ako nakaramdam ng gigil. SINAKTAN mo si THEA pero bakit ganto ang pinapakita mo!!!

"Nag sisisi ako kaya ako bumalik. Di nagbago ang pagmamahal ko sa kanya." hinablot ko ang damit nya na ikinagulat nya. Tinignan nya ako sa mata. Kitang kita ang lungkot sa mata nya na kabaliktaran naman ng akin na punung puno ng galit. Dahan dahan nyang hinawakan ang kamay ko at pinilit alisin ang pagkakahawak sa kanya.

"Hindi kita kinakausap para makipag away. Nandito ako para maki usap. Hayaan mo akong bumawi kay Thea. Hayaan mo akong ipakitang nag sisisi ako."

"Gago ka ba?" galit na sabi ko. Nang gigigil na ko sa lalakeng to! anong tingin nya sa nararamdaman ko? Hayaan sya? Gustong gusto ko ng suntukin ang mukha nya pero pinipigilan kong mandilim ang paningin ko dahil baka hindi na ako mapigilan. "Alam mo ba kung gano ko gustong basagin yang mukha mo sa sinasabi mo? Mahal ko si thea at hindi ito biro! Babalik ka dito na akala mo kung sino kang naapi at gustong bumawi? Hoy Lee girlfriend ko si Thea at ipaglalaban ko sya."

Gigil na gigil kong halos isigaw sa mukha nya ang mga salitang iyon.

"Ganun din ako. Lalaban din ako mabawi ko lang sya. Parehas lang tayo ng nararamdamang pagmamahal. Hindi ko nga lang alam kung hanggang saan ang kaya mong ibigaya dahil ako," tinitigan nya ko mata sa mata. "handa na akong ibigay ang lahat." seryoso nyang sinabi sa akin yun na talagang nakapag pakulo lalo ng laman ko. "Nakiusap na ko pero ayaw mo kaya wag kang magtataka pag kumilos na lang ako."

Sasagot pa sana ako ng marinig kong may paparating.

"Bam."

Sa isang salita nya ay para akong kumakalma.

Si Thea.

Sya lang ang taong nakakagawa sa akin nito. Sa isang tawag lang nya kumakalma ang pag katao ko. Si Thea ang kauna unahang babaeng minahal ko. Nilingon ko sya at nakita kong papalapit na sila ni Migs.

Tinapik ako ni Lee na tanda na mauuna na sya. papalakad na sya ng bigla pa syang tumigil.

"Nico, Seryoso ako sa sinabi ko."

Kitang kita sa mukha ni Thea na naguguluhan sya. Bakas sa mukha nya ang pag aalala. Aalis na lang ang hayop eh hihirit pa.

Kinuha ko ang gamt ni Thea at inalalayan syang mag lakad. ang tahimik. Kahit si Migs ay di nagsasalita.

Nakaramdam ako ng takot sa inaasta ni Thea. Naiinis ako sa bilis ng balik ni Lee. Sana tinagalan nya pa. Sana di na lang sya bumalik. Tiwala na ba ko sa pagmamahal ni Thea sa akin ngayon? Malalim na ba ito para ako ag piliin nya sa aming dalawa?

Inakbayan ko si Thea. "Bam, mahal na mahal kita." Yun na lang ang nasabi ko sa tindi ng kabang nararamdaman ko. Daig ko pa nasa championship game.

Hinantay kong sumagot sya pero kahit paglingon sa akin ay hindi nya nagawang gawin. Siguro nga naguguluhan ka ngayon. Hindi ako susuko hanggat hindi ako ang pipiliin mo. Masyado kitang mahal ara ipaubaya sa taong nanakit syo.

Pero,

Hilingin mo lang ang kalayaan mo, kahit masakit.

Ay ibibigay ko.

**************************************************

THEA's POV

Parang nanigas ang buong katawan ko sa sinabi ni Nico.

hindi ko alam kung bat biglang sinabi ni Nico yon. hindi ko alam ang isasagot ko. 

Ag dapat na isasagot ay "Mahal din kita" pero bakit hindi ko masabi? Bakit hindi ko mailabas? Di ba sabi ko mahal ko sya? Kaya ko sya sinagot kasi ready na ko?

Oo, ready ako nung wala si lee pero ngayong andito na sya, bakit nagdadalawang isip ako? naguguluhan ako. Nahihiya ako sa mga inaasal ko. Im not supposed to act this way. Nico doesn't deserve this.

* Sa Bahay *

Binagsak ni nico agad ang katawan nya sa upuan. Buong byahe kaming tahimik pareho. Wala akong gustong sabihin.

"Bam inaantok ka na ba? Gusto mo na ba kong umuwi?" tanong ni nico.

"Ayos lang ako. Ikaw kamusta yang kamay mo?" tanung ko. 

"Ayos lang. Kailangan lang daw ipahinga. Sorry nag alala ka."  tinabihan ko sya at agad naman nya kong hinawakan sa bewang. Inilagay nya ang ulo nya sa may balikat ko. Ramdam ko ang paghinga nya pero wala akong maramdamang bilis ng tibok ng puso gaya ng nararamdaman ko pag lumalapit si Lee sa akin. 

"Ayos lang ako basta ayos ka. Umuwi ka na Bam. Matulog ka na." sabi ko. Wala akong gana. Hindi ko dapat ipakita ito kay Nico kaya mas gusto ko na lang syang pauwiin. 

Tumayo si Nico ng sofa at kinuha ang kanyang bag. "Bam una na ko."  nagulat ako dahil ang bilis naman ata nyang tanggapin na pinapauwi ko na sya. nakaramdam ako ng lungkot sa boses nya. Marahil ramdam na nya na iba ang pakiramdam ko ngayon. Naglakas sya papalapit sa pinto ngunit bago tuluyang makalabas ay narinig kong bumulong pa sya "Sana bukas okay ka na. Sana bukas akin ka pa."

Hindi na ako sumagot.

Para akong maiiyak sa narinig ko. Naaawa ako kay Nico.

Sorry Bam. Magulo lang utak ko.

Sana nga bukas alam ko na ang sagot.

**************************************************************************************************

UPDATED :))

Unconditional Love ;))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon