68
Isang lingo makalipas ang nangyari. Nakapag usap na kami ni Nico. Mahirap tanggapin pero kailangan. We are accepting all the chances that we could have. Nasasaktan ako kapag nakikita kong nahihirapan si Nico. Natatakot ako para sa kanya.
Paano pag nawala ako? Paano si Nico? Kaya ba nya? Kaya kaya nya? Kailangan nyang kayanin. Aykong umikot sa akin ang buhay nya dahil kung matatapos na ang akin ay sigurado akong mahaba pa ang kanya.
Life could sometimes be unfair. Minsan napaka wrong timing ng isang bagay dumating. Kagaya nito. Napaka wrong timing. Akala ko happily ever after na un pala matatapos na. Natatakot ako pero Masaya ko na kung mawala man ako ay nakita ko ang right one for me pero naiisip ko pano naman si Nico? Sinong right one for him? I don’t want him to be alone. I don’t want him to be alone but I’m afraid to know that he loves someone else. Napaka selfish ko.
Nico’s POV
I talked to mom. Pwede mag undergo ng operation si Thea. Pwede pero walang kasiguraduhan. Pwede nyang ikamatay. Pwedeng habang buhay na syang mawala sa akin. Ayoko. Natatakot ako pero yun lang ang nag iisang chance nya.
Bnakahiga kami sa swing ni Thea. Nakasandal sya sa dibdib ko habang hinahaplos ko ang buhok nya. Ang sarap ng ganito. Hanggang kelan pwede ito. Napapapikit na lang ako tuwing naaalala kong pwedeng hanggang ditto na lang.
“Bam magpapaopera ko.”
Napaupo ako ng maayos. “Bam alam mo naman na-“ napataas ang boses ko. Alam nyang delikado.
Hinaplos nya ang mukha ko at tumitig sa akin. “Alam kong delikado. Alam kong pwede akong mawala pero masisisi mo ba ko kung yun lang ang naiisip kong paraan para sumugal at magbaka sakaling ito ung sagot para makasama kita ng mas matagal.” Yumuko sya at biglang naluha.
Hinawakan ko ang kamay nya at huminga ng malalim. Niyapos ko sya palapit at yinakap. “Bam susugal tayo. Susuportahan kita kung yun ang tingin mong tama.” Pinipigilan ko ang pag luha dahil alam kong lalo syang manghihina. Kailangan kong maging malakas. Para sakin. Para kay Thea.
Thea’s POV
Matagal tagal pa. May anim na buwan pa ko para ihanda si Nico. May anim na buwan pa ko para palakasin ang loob ko bago magpa opera. Kailangan ko ihanda ang sarili ko nab aka hindi na ko magising at habang buhay ng mawala si Nico sa akin.
Bawat araw na dumadaan lalo kong ayaw iwan si Nico. Halos araw araw nyang ipinaparamdam sa akin kung gano ako kaimportante. Bawat araw na dumadaan lalo akong nahihirapan bumitaw. Kailangan kong maging matatag pero ayokong umasa.
~~~
I woke up one day crying. Napanaginipan kong lumalakad ako papalayo habang rinig na rnig ko ang tawag ni Nico sakin. Gusto kong lumingon pero may sariling isip ang mga paa ko. Patuloy akong naglalakad hanggang sa hindi ko na marinig si Nico. Iyak ako ng iyak pero wala akong magawa hanggang sa may narinig akong nagsalita.
“Babe.”
Sa palalakad ko ay biglang nanigas ang paa ko. Sa isang salita nya lang ay napahinto ako. Kilala ko ang boses na iyon. Nagalaw ko na ang mga paa kong hindi ko mapigilan kanina sa pag lakad. Alam kong sya ang nagsaita. Hindi ko alam kung bakit nya ako napatigil sa pag lalakad. Inikot ko ang aking paningin at nakita syang nakatay sa gilid.
Si Lee. Siya ang nakapag pahinto saakin. Sa di malinaw na kadahilanan ay sya ang nag pagalaw sa akin. Kita ko sa mga mata nya ang lungkot. Kitang kita ko ang mga maliliit na butyl na pumatako mula sa kanya. Tumakbo ako papalapit sa kanya at yumakap ng mahigpit.
Ramdam ko ang init ng katawan nya. Niyakap nya ako at bumulong sa akin “I still need you here. I never gave you up. Wag kang bibitaw…. Please.”
After he told me that I found myself alone. I kept on crying. I kept on shouting for his name. Natakot akong mag isa. Natakot akong nawala sila bigla. I hugged my knees as I mourn. Masakit pala. Ang bigat.
That was my dream. I found myself crying after that dream. Bakit si Lee ang nakapag pahinto sa akin at hindi si Nico. Bakit s lahat ng nararamdaman ko ngayon ay biglang nag flashback lahat ng nangyari. Ung pag pili k okay Nico over Lee. Bakit kung kelan pwede akong mamatay anytime ay naguluhan ako bigla?
Si Nico ang pinili ko dahil sya ang mahal ko. Pero bakit si Lee ang nasa panaginip ko? Epekto nab a ito ng sakit ko? Is the tumor affecting my hypothalamus that much? Ayokong kalimutang si Nico ang mahal ko.
“Thea.” On the middle of thinking I heard his sweet and soft voice.
I smiled at him. “Lee.”
He sat beside me and stared at me for a while. “Gusto ko lang mag baka sakali kaya andito ako.” I saw him gasped air. Ang lalim ng hinga nya. He looked nervous. “Kung di ba ko umalis noon at tayo parin may possibility ba na si Nico pa rin ng pipiliin mo?”
I kept silent for a while thinking of the right words to say. “Oo Lee. Siguro tayo pa rin.” He smiled at me. The genuine smile of Lee. “Pero sana maisip mo na hindi ako nagsisisi na ginawa mo ang nagawa mo because that was the turning point of my life. Nakilala ko si Nico dahil syo. You lead me to him. Kung hindi dahil sa pag iwan mo hindi ko makikilala ung taong handa akong panindigan.” Dahan dahan ng pumatak ang luha ko. After all this time ngayon ko lang nasabi lahat ng ito kay Lee.
Umiiling sya kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. I don’t deserve his tears.
“I never left you for nothing Thea. I thought it was the right decision that time. I wont elaborate nor wash my actions. I just want you to know that I never gave up loving you.” Hinawakan nya ung kamay ko ng mahigpit. I looked at him and smiled.
“That guy is so damn lucky. He has the most precious I had. I fucked up but Im happy for you.” I don’t know how lucky I am to have them beside me. They are my strength.
I closed my eyes. My head aches. Shit. I shaked my head. “Thea are you okay?” Hindi ko halos mainindihan ung sinasabi ni Lee. Ang sakit ng ulo ko.
“Lee my head hurts.” Nagsimula na tumulo ung mga luha ko habang naka pikit ako. Masakit. Sobrang sakit ng ulo ko.
“Hey.. Hey.. Look at me.. Open your eyes.. please..” I slowly faced him and slowly opening my eyes. I opened my eyes. I swear I opened it. I saw nothing. I saw darkness.
“Lee wala akong makita!!” nagsisisigaw ako. Wala akong Makita. Hindi ko Makita si Lee. Natatakot ako. Nag umpisa kong kumapa. “Lee ang dilim.”
“Relax. Relax.” Niyakap nya ko. He caressed my back. I felt helpless. I cried. “Nico!!!” sigaw ni Lee. “Nico!!”
“Lee wag.”
“Thea tatawagin ko lang si Nico.” Lumuwag ang yakap nya pero hinigpitan ko ang kapit sa kanya
“Let me out of here. Please. Tama na ung sakit para kay Nico. Please.” Iyak ako ng iyak. Helpless na ko. Pabigat na ko sa lahat. “Kunin mo na lang ako, please.” Halos pabulong na kong nagsalita. Im begging him to get me out of here.
“Please Lee.” I kept on crying and begging for him. Nawawalan na ko ng pag asa hanggang sa naramdaman ko na lang na binuhat nya ko at dahan dahang humahakbang.
“Thank you.” Halos walang boses na lumabas sakin. Pabulong na at wala na kong lakas hanggang sa nawalan na ko ng malay..
BINABASA MO ANG
Unconditional Love ;))
Teen FictionHow are you going to manage your first heartbreak? And how are you going to manage a new love? Are you still capable of loving again? Are ready to risk for a new happiness or another heartbreak?