Chapter 69

311 11 22
                                    

Soooooorry po sa super late UD :((

Bukod sa busy po eh nawawalan ako ng inspiration tapusin. Wala naman votes and comments masyado.

Malapit na po matapos.

Kapit Friends.

-----

Dahan dahan kong imunulat ang mga mata ko. Katulad ng mga nakaraang araw, wala akong makita kundi kadiliman. Pumipitik ang sakit ng ulo simula ng nag mulat ako. Napakahina ko. Hindi ako makalaban.

Kumala ako sa gilid upang maramdaman kung mayroon ba akong kasama. Nagulat ako ng may umabot sa kamay ko. Mainit ang kanyang palad at malambot. Marahan nyang pinisil ang aking kamay. Pakiramdam ko matagal ko na ito nahawakan.

"Lee?" Halos pumiyok ako ng banggitin ito. Parang matagal na panahon akong di nakapagsalita. "Ikaw ba yan?"

Hindi ito umimik.

Pag hinga ko at pag hinga nya lamang ang naririnig ko.

"Bam." Napasinghap ako ng marinig ko ang tinig nya. Agad nangilid ang luha ko. Ang tagal kong inasam marinig ang tinig na iyon.

Naramdaman kong lumundo ang kama hudyat ng kanyang pagtabi. Tuloy tuloy ang iyak ko. Nico please magalit ka. Iniwan kita dba? Sabihan mo ko ng masasakit na salita.

Nagulat ako ng bigla nya kong niyakap. Ang ulo ko'y nakahilig sa kanyang mga bisig. Muli kong naramdaman ang yakap nya. Bakit pakiramdam ko ay safe ako kahit ang totoo ay malapit na ako mawala.

"Magalit ka sakin. Please." Tuloy tuloy ang luha ko. "Pagsalitaan mo ko ng masama Nico. Iniwan kita. Sinaktan kit. Duwag ako." Tuloy tuloy ang mga salita ko. Masakit pero bakit ayokong kumawala.

"Shhhhh. Tama na Bam." Idinampi nya ang kanyang labi sa aking noo. "Hindi ko kayang magalit. Hindi ko kayang manumbat. Please tama na. Wag mo ko saktan ng ganto."

Lalong kinurot ang puso ko. "Bakit mo ko pinuntahan. Lumayo na ko. Ayoko madamay ka. Madami ka pang panahon. Ako hanggang dito na lang. Please. Parang awa mo na pakawalan mo na lang ako." Pinilit kong kumalas at itulak sya palayo.

"Habang tinutulak mo ko lalo ako lumalapit. HAbang kumakawala ka lalo ako kumakapit. Wag mo ko saktan ng ganto dahil hindi ko na kaya. Tangina Bam. Lumaban ka naman para sakin." Halos madurog ang puso ko ng marinig ang bawat pag piyok ng boses nya. Para kong pinipiga sa bawat hikbi na pinapakawalan nya.

"Tang ina naman please ako naman ngayon Bam. Ako naman ipaglaban mo. Ako naman isipin mo kahit ngayon lang kasi ako ikaw lage. Kahit lage kay Lee ka kumakapit. Kelan ba magiging ako naman."

Binitawan nya ang kamay ko. Pigil ko ang pag hinga ko. WALang tigil ang luha. Gusto kong magsalita. Bakit walang boses na lumalabas. BAKIT NAduduwag ako.

Parang napakabagal ng lahat. Naramdaman ko ang pagangat ng kama. PAG bukas pinto at ang pagbagsak nito. Bakit kahit gusto kong tawagin sya ay di ko makaya. BAKIT GUsto ko humabaol pero wala na akong lakas.

Ilang minuto na nag nakaraan. PATULOY PA din ako sa pag iyak. Gusto ko humabol. Gustong gusto ko isigaw na siya lang at wala ng iba.

--------

Hindi ko alam kung ilang oras na ko umiiyak. Simula ng dumating si Lee at niyakap ako ay hindi na ko natigil sa pag hikbi.

"Thea." Seryoso ang kanyang tinig at malalim ang timbre. "Hindi ka pinabayaan ni Nico."

Hindi ako umimik. Hindi ko alm ang isasagot ko kay Lee.

"Hindi ka nya iniwan. All this time andito lang sya. Tahimik. Pinag mamasdan ka. Pinapanood ang kilos mo. Hindi ka nawala sa paningin nya." Napasinghap ako sa rebelasyon ni Lee.

"Pinili nyang paniwalaing inilayo kita dahil un ang kagustuhan mo. Thea pinapanuod ka nya sa malayo. Believe me kung ako nasa kalagayan nya di kita kaya panuorin sa malayo pero kinaya nya dahil un ang gusto mo."

Naiisip ko ung nararamdaman nya. Sa malayo lang sya nakatanaw. Ang sakit non. Pinapanuod nya ko sa desisyong punili kong malayo sa kanya.

"Sa tabing dagat. Sya ang kasama mo. Pinakiusapan nya kong gusto ka nya makasama maglakad araw araw. Yun lang ang panahon nyang makalapit syo. Natatakot syang maramdaman mong asa paligid sya kaya pinili nyang panuorin ka araw araw sa malayo."

Bakit Nico? Bakit ginagawa mo yon. MAS MADALI kung hinayaan mo na lang sana ako. BAkit ganto. Bakit ang isinusukli ko ay sakit.

"Mahal kita pero di ko kayang pantayan ang nararamdaman nya."

"Lee."

"Thea sobra sobra ang kayang ibigay ni Nico. Saludo ako sa kanya. Di ko sinasabi ito para maguilty ka. SINasabi ko ito dahil karapatan mong malaman anng totoo."

"Unfair nga ako Lee. Bakit nya un ginagawa. Bakit mahal na mahal nya ko. Pano ko aayusin ang lahat kung wala na kong panahon."

Pinunasan nya ang pisngi ko at inayos ang buhok na nakalaglag sa mukha ko. "There is always a second chance for you. Pag di sya bumalik pakakasalan na lang kita." Hinalikan ni Lee ang noo ko at inayos ang higa ko.

Sana bumalik si Nico. Sana hindi pa sya nag give up. Naalamig lang naman sya ng ulo diba?

Aayusin ko ito. Mahal ko sya. Kahit ilang araw na lang gusto ko sulitin kasama sya. This time aayusin ko ito. Please wag ka muna sumuko sakin Nico.

-------

Intense.

Hahahahaha. Short UD lang po. Bukas uli. Tapusin na itO!

-tethel ;))

Unconditional Love ;))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon