Chapter 57

517 9 4
                                    

Nico's POV

Halos hindi ako makahinga habang nagdadrive.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Bago pa lang kami ni Thea pero bakit ganoto na ang nangyayari. Masakit sakin na naguguluhan sya ngayon dahil ang ibig sabihin nito ay hindi pa ako sapat. Hindi pa sapat ang nararamdaman nya sakin para mapanatag ako.

Mahal ko sya pero hanggang saan at hanggang kelan ko sya pwedeng hawakan? Pano pag gusto nyang kumawala agad? Hindi ko kayang isipin.

Cellphone Rings.

"Hello tol." Sagot ko sa tawag ni Migs

"Tara bar. Dito lang kami sa Tomas Morato. Tides lang tol."

"Cge diretso ko dyan." Sabay baba ng telepono. May sinasabi pa sya pero di ko na nadinig. Ang gulo ng utak ko. Gusto ko mag isip. Hindi ko alam bakit ganito lang ang mangyayari. Second day pa lang namin ganito na nangyari. Walangyang buhay.

* TIDES *

Sinalubong agad ako nila Migs. Nakit ko silang naka upo sa gilid.

"Nico andito si Lee. Hindi ko alam na inimbitahan sya ni Wax. Alam ba ni Thea na andito ka?"

Oo nga pala, hindi ako nagsabi ka Thea. Ayoko naman mag isip sya kaya ayoko na lang din sabihin. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong gagawing masama.

"Okay lang Migs. San ba kayo nakapwesto? Tara na." Lumakad kme ni Migs papunta sa table. Andun sila Wax at ang team. Wala naman si Lee.

"Oh asan si Lee?" Migs

"Hiniram ung phone ko. May tatawagan lang daw." Wax

Uminom lang ako sa gilid. Gusto kong mapag isip. Alam kong madaming gustong itanong si Migs ngayon pero hinde ko pa alam ang isasagot ko. Kahit ako naguguluhan.

Gusto kong papaniwalain ang sarili ko na mahal nya ko at naguguluhan lang sya. Gusto kong isipin na ako pa din ang pipiliin nya. Sana ganun na lang talaga.

"Tol nakakarami ka na dyan. Galaw galaw naman." Migs

Bahagya akong ngumiyi at tumingin sa kanya. "Okay lang ako. Kaya ko pa."

"Teka asan ba si Thea? Alam ba nyang andito ka?"

Tinignan ko lang sya. Hindi kasi alam ni Thea na andito ako. "Migs wag mo na lang banggitin ka Thea na andito ako. Asa bahay na sya."

"Sinungaling!" Sabat ni Mac. "Captain talaga. Ayun si Thea sa may bar side kasama ni Lee."

Nakatalikod ako sa bar side. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Sabihin nyo sakin na mali si Mac. Para kong babagsakan ng langit at lupa pag nagsasabi sya ng totoo. Bumilis ng sobra ang pintig ng puso ko. This cant be happening. Magkasama sila witout me knowing it?

"Tol wag ka na lumingon." Migs

Ibig sabihin totoo ngang andito si Thea? Kasama nya si Lee? Tang Ina! Gusto kong mag wala. Pakiramdam ko naloko ako ng sobra. Nararamdaman kong may namumuong likido sa gilid ng mata ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganto. Kinuha ko ung bote at inubos ito agad. Hindi ko naramdaman ang tapang ng alak. Kahit init nito habang iniinom wala akong naramdaman. Tumayo ako at naglakad papalapit sa bar.

"Nico" tawag ni Migs pero hindi ko pinansin. Wala akong gustong gawin kundi lumapit kay Thea. Gusto ko magwala pero ayokon matakot sya. Tang ina lang.

Unconditional Love ;))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon