Ang sipag ko nap o mag update J
Palakpakan!!!!! Yahoo….
Nico’s POV
I was shaking when I arrived at the hospital. I rushed het to the emergency room. I asked the nurse to call mom. My mom is the Medical director of the hospital. I am seriously shaking while the nurses are busy checking her.
“Son what happened?” mom touched my face when he saw me. “Your shaking. Calm down.” Sabi nya sakin as she touched Thea.
“Nurse please test her blood. Complete check up. General check up. Please do MRI.” Natutuliro ako. Ang daming pinapagawa ni mommy. Hindi ko na alam ung iba nyang sinasabi. Natatakot akong malaman na may mali sa kanya.
I went outside to relax myself. Please sana okay lang sya at simpleng vertigo lang ito. Napaka OA ko kung mag react pero ito ung feeling ng takot dahil mahal o sya at hindi ko alam kung ano ang problema.
Mom went out of the room. I saw Thea on the stretcher. Malamang itatransfer na sya ng room. Nakita ko ung mukha ni mom. May iba din. Is it about the tests? Tumaas ang balahibo ko ng walang kadahilanan.
“Paki lipat na po sya sa private room.” Sabi nya sa lalakeng nagtutulak ng stretcher ni Thea. Tumalikod na ko at nagbabadyang sumunod ng biglang hawakan ni mom ang kamay ko.
“Son, we have to talk.” Simpleng salita na nagpakabog ng matindi sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang kausapin si mommy o ang sundan si Thea. I want to check her but I need to know what is wrong with her. Pinanuood ko ang stretcher habang patuloy na lumalayo sa akin. Pakiramdam ko ay napakalayo ng pupuntaja nito at hindi ko na maabutan. Habang nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ay naramdaman ko ang yapos sa likod ko ni mommy.
“Nico follow me.” ma awtoridad nyang sabi sa akin. Bawat hakbang na ginagawa ko palayo sa kinalulugaran ko kanina ay parang isang mabigat na unti unting dumadagan sa kalooban ko. Bakit ako natatakot? Bakit ako kinakabahan?
Nakarating kami sa office ni mommy ng di ko namamalayan. Sinarado nya ang pinto habang nagpatuloy ako sa may sofa sa gilid. Pabagsak akong umupo at hinintay syang magsalita.
“Nico kaibigan mo ba sya?” tanong ni mommy. Tama hindi ko pa nasasabi kay mommy na girlfriend ko si Thea. Hindi man lang nagkaron ng pagkakataon na ipakilala ko si Thea sa magandang paraan. Aaminin kong hindi kami ganon kadalas magkita ni mommy. Hindi kami ganun ka close dahil na rin siguro si daddy ang nagpalaki sa akin.
Umiling ako at yumuko. “Mommy girlfriend ko po sya.” Nahihiya ako sa kanya kaya ako yumuko. Alam kong aasarin nya kasi ako dahil ang anak nya may girlfriend ng pinakilala. Dahan dahan kong sinilip ang mukha nya at hinihintay ang pang aasar nya pero nabigla ako sa reaksyon nya. Nakauwang ang bibig at tila gulat.
“Mommy wag mo na ko asarin. Kailangan ako ni Thea. Ano po bang meron at sinama nyo ako dito?” cool kong sagot sa kanya. Hindi pa din sya kumibo kaya tumayo na ako para humalik sa kanya at umalis. Malapit na ko sa pinto pagkatapos kong humalik sa kanya ng bigla syang magsalita.
“She has brain tumor.” Halos pumiyok si mommy habang sinasabi nya ang mga katagang iyon.
Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Nanginig ang mga kamay ko na dapat aabot sa door knob. Nagkamali lang ako ng dinig. Pinaniwala ko ang sarili ko na mali ang narinig ko. Humarap ako kay mommy dahan dahan. Palapit sya sa akin at kitang kita ko ang luhang pumatak sa kanya.
This is wrong.
Hindi ito tama.
Naramdaman ko na lang ang yakap ni mommy sa akin. Ang yapos nya sa likod ko. Nanlalambot ako. Naramdaman ko na lang na dahan dahan ng nababasa ang mukha ko. Umiiyak ako. Yakap yakap ako ni mommy ng mahigpit.

BINABASA MO ANG
Unconditional Love ;))
Teen FictionHow are you going to manage your first heartbreak? And how are you going to manage a new love? Are you still capable of loving again? Are ready to risk for a new happiness or another heartbreak?