Cahpter 68

342 6 11
                                    

Tinatamad na po ako sumulat L

Wala na din naman gano nag babasa L

Nakakawala ng inspiration. L

Sorry pos a super tagal ng update.

Thea’s POV

Nagising ako sa isang bangungot. Natatakot akong imulat ang mata ko dahil baka hindi na talaga ako makaaninag. Totoo bang pinili ko ng umalis sa tabi ni Nico? Pinili kong ilayo ako ni Lee sa kanya? Natatakot akong imulat ang mata ko at malamang totoo ang mga ito.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Bigla na lang ako napaluha dahil dilim lang ang nakikita ko. Totoo nga ang lahat. Wala na nga akong Makita at wala na nga ako sa tabi ni Nico. Ako ng sumuko. Mahina ako. Ang kapal ng mukha ko din humingio pa ng tulong kay Lee pagkatapos ko syang talikuran.

Kumapa ako sa gilid ng kama at naramdaman ko ang isang kamay. Si Lee. Nkatulog siguro sya sa kakabantay sa akin. Hinawakan ko ang kamay nya. Matagal na simula ng huli kong mahawakan ito. Parang ang laki ng pinagbago ng mga ito. Mainit ang kamay nya at napakalambot. Naramdaman kong gumalaw ito at biglang kumalas sa pag kakahawak.

Nagising ko ata sya.

“Lee. Sorry nagising kita.”

Matagal bago ito sumagot. Siguro napansin nya ng hindi ako makaharap kung saan sya nakatayo. Hindi ko alam kung san ba sya nakatayo. Pathetic me.

“O-okay lang Thea. Nagugutom ka ba? Gusto mo bang pag handaan kita ng pagkain?”

Ngumiti ako. Kinakabahan si Lee. Siguro hindi nya alam kung papaano ako haharapin ganitong mukha akong kawawa na walang Makita.

“Okay lang ako Lee. Asan tayo?”

Rinig ko ang pag hugot ng hininga ni Lee. Marahil nakumpirma nya ng wala akong Makita dahil kailangan ko pang itanong kung asan kami.

Lumapit sya sa akin at umupo sa kama malapit sa akin. “Asa resthouse tayo.” Katahimikan ang sumunod na nangyari. Knowing Lee, alam kong marami syang tanong. Alam kong napupuno sya ng katanungan.

“Bakit pinili mong lumayo? Bakit guso mong lumayo kay Nico.”

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lamig sa boses ni Lee. Walang emosyong mababakas. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa dibdib ko. Iniwan ko si Nico. Masakit. Para kong pinapatay ng dahan dahan.

“A-ayoko maging pabigat. Iiwan ko din naman sya diba? Bakit hindi pa ngayon. Ayokong Makita nya kong parang nauupos na kandila. Ayokong ang huling ala ala nya sakin ay ganito. Ayoko na syang pahirapan Lee.” Nabasag na ang boses ko. Dirediretso na ang luha kop sa pag agos. Hindi ko kayang Makita si Nico na nahihirapan kagaya ko. He deserves to be happy.

Hinigit ako ni Lee at isinandal sa kanyang dibdib. Hinaplos nya ang likod ko kasabay ng walang tigil na pag agos ng aking mga luha.

“Hindi kita iiwan Thea. Andito lang ako.”

Naririnig ko ung heartbeat nya. Hindi ko man sya nakikita pero alam ko sa tunog ng puso nya seryoso sya. Napaka unfair ko sa kanya. Ginagawa ko syang fallback.

Isang linggo.

Isang linggo na kami naririto sa resthouse nila Lee. Simula ng nakarating kami dito ay hindi na ako muling nakaaninag ng kahit anong liwanag. Kadiliman lang ang nakapalbot sa akin. Sa bawat oras na gusto kong sumuko na ay bigla kong maiisip si Nico. Sa isip ko sya ang nag sisilbing liwanag. Ang taong iniwan ko.

Araw araw ng nagging routine naming ni Lee na maglakad sa gilid ng dalampasigan. Hindi ko man nakikita ang tanawin ngunit nararamdaman ko ang buhanging pino na aking natatapakan. Naaamoy ko ang dagat. Nararamdaman ko ng lamoig ng hangin at ang alon na humahampas sa aking mga paa.

Payapa. Ito ang nararamdaman ko. Sa gitna ng sakit ng pag iwan ko kay Nico sa syudad ay nakakaramdam ako ng kapayapaan tuwing naglalakad kami ni Lee sa dalampasigan. Simula ng napunta kami ditto ay nagging hindi pala salita si Lee. Marahil pinakikiramdaman lang nya ang bagay bagay. Minsan natatawa ako, ako ang bulag at sya ang pipi.

Naglalakad kami sa dalampasigan. Nakahawak sya sa aking kamay at inaalalayan ako. Pag ganito ang ginagawa namin lagging payapa ang aking nararamdaman. Para syang si Nico or should I say gusto kong sana sya si Nico.

Sa gitna n gaming pag lalakad ay biglang lumambot ang aking tuhod kasabay ng pagkahilo ko. Bigla akong napaluhod at napadaing sa sakit.

“Aaahhh.”

Hinapit ako ni Lee at inalalayan. Napapikit ako sa sobrang sakit. Gusto ko ng matigil ang sakit. Bakit hindi na lang ako mawala. Bago ako tuluyang bumagsak ay nakaaninag ako ng ilaw. Pinikit ko ang aking mata. Wala ng natitirang pag asa. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay tinitigan ko ang ilaw at isang mukha ang aking naaninag.

Isang mukhang nag aalala ang nakita ko. Sa kabila ng sakit ay naga kong ngumiti. Kung ito na huling pagkakataong makakita ako ay malugod ko ng tinatanggap dahil sa huling pag kakataon sya pa rin ang nakikita ko kahit sa kabila ng lahat ng pang iiwan ko.

Si Nico.

Naaninag ko. Ilusyon man o totoo ay Masaya na ko. Sa kabila ng lahat sya pa din ang gusto kong Makita. “Ma- Mahal kita Bam.”

Dumilim na ang lahat pagkatapos ko mabigkas ang katagang ito.

Unconditional Love ;))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon