Chapter 2Nang mga oras na iyon ay nasa kwarto siya at nakadapa sa kama habang nagi-internet.
Nakangiti at kinikilig na tinitigan niya ang bagong larawan ni Rodney na ipinost nito sa facebook nito. Katulad ng nakagawian niya, idinownload niya iyon matapos i-click ang like button.
"Ang gwapo gwapo mo talaga!" nanggigigil na hinaplos niya ang mukha nito sa screen ng laptop niya as if nahahawakan nga niya iyon sa totohanan.
Actually, friend niya ito sa facebook kaya updated siya sa mga nangyayari sa buhay nito. Finollow din niya ito sa twitter at pati sa instagram nito. Kaya ano man ang gawin, plano, iniisip at saan man ito magpunta alam na alam niya. Siya ang number 1 stalker nito sa social media. But she doesn't care about that. Ganon talaga siguro kapag inlove.
Nang icheck niya kung naka-online ito ay napangiti siya ng wagas nang makita ang pangalan nito sa listahan ng chat. Nag-isip siya kung ipi-pm niya ito o hindi. Nang maalala ang plano niyang magpakilala dito ay nagkaroon siya ng lakas ng loob.
"It's time to make a move." sabi niya sa sarili at huminga muna ng pagkalalim-lalim pagkatapos ay pinakawalan iyon.
Nanginginig ang mga daliring tumipa siya sa keyboard upang magtype ng message. Ramdam na ramdam din niya ang bilis at malakas ng tibok ng puso niya. Sobrang nininerbiyos talaga siya sa gagawin niya.
"Hi :-)"
Nang masiguro at mapagdesisyunang iyon ang panimula niyang message dito ay muli siyang huminga ng malalim bago pikit matang pinindot ang enter. Nang maisend niya iyon ay hindi niya maiwasang tumili habang nakasubsob ang mukha sa malambot niyang unan. Pinagsalikop niya ang mga palad at pumikit.
"Magreply ka. Magreply ka babe! Please!" she prayed.
Habang hinihintay niya ang reply nito ay hindi niya mapigilan ang sariling kabahan. Muli niyang isinubsob ang mukha sa unan and she started counting. Nang marinig niya ang tone ng notification, pakiramdam niya'y lumukso ang puso niya.
"Oh Rodney! Thank you!"
Mabilis at excited niyang iniangat ang ulo upang tingnan kung sino ang nag-message sa kanya at para lang mapasimangot nang makitang galing iyon kay Lian.
Lian:
Naka-online ka na naman. Stalking again?Nakasimangot na nagtype siya ng message dito.
Me:
Yeah! Akala ko sa kanya galing itong message mo! Hmmpp!Lian:
Hahaha! You're really doing your plan huh? Hindi iyan magrereply! Hahaha! Wawa naman you!Nakaramdam siya ng inis sa pang-aalaska at pambabadtrip nito.
Me:
Tse! Don't ruin my day!Lian:
Ok lang yan. You'll get used to it. Masasanay ka ding mabasted kasi paulit-ulit ka lang niyang iignorahin. Hahahaha!Lalo siyang nainis sa mensahe nito. Kaibigan nga ba talaga niya ito? Imbes sana na ilift up at ibuild up nito ang confidence niya ay idini-discourage naman siya nito! Nakakapanghina talaga ng loob kapag walang kaibigang sumusuporta sa mga ginagawa niya. Hindi niya tuloy maiwasang magtampo dito at sa tatlo pa nilang kaibigan.
Sa sobrang inis niya ay hindi na lang niya ito pinansin at hindi na rin ito rineplyan.
Nang makitang may bagong post na status si Rodney ay agad niyang binasa iyon.
"A lot of people believes in love. And so do I. But I'm really wondering, how does love begin?"
Agad niyang ini-like iyon. At nagtype ng iko-comment.
BINABASA MO ANG
Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)
Teen FictionDESTINY UNLEASHED SERIES 1: MY STOLEN HEART Teaser: Euann spend her time loving Rodney. Matagal din niyang inalagaan ang nararamdaman niya dito. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang makasama ito sa pagtanda niya. Kaya naman lahat ay gagawin niya p...