3 - The Accident

316 16 1
                                    

DESTINY UNLEASHED1:
MY STOLEN HEART

Chapter 3

"OH My Gosh!" hindi makapaniwala at laglag ang pangang bulalas ni Sydney habang nakatutok ang tingin sa isang direksiyon. "You will never believe what I'm just looking at. And I bet you will never like it. I swear."

Sa sinabi nito ay nagtatakang napalingon ang tatlong kaibigan sa direksiyong tinitingnan niya. At halos ay nanlaki at lumuwa ang mga mata ng mga ito sa nakita.

"Is this for real?" hindi makapaniwalang tanong ni Hazel at kinusut-kusot pa ang mga mata. "Tell me, panaginip lang ito please."

"Oh my gosh. What is she doing here?!" tanong naman ni Zian.

"Uh-oh! I think we're in trouble." nakangiwing saad ni Lian.

"Hi guys!" nakangiti at masayang bati ni Euann sa apat na kaibigan nang makalapit sa kinaroroonan ng mga ito. Umupo siya sa bakanteng upuan. "I miss you!" niyakap niya ang mga ito ng mahigpit. Nang makitang kunot ang noo at maang na nakatingin ang mga ito sa kanya ay napasimangot siya. Nakalarawan ang matinding pagtataka sa mukha ng mga ito. Nakangusong napahalukipkip siya nang wala sa oras, masyadong halata kasing hindi yata nagustuhan ng mga ito ang pagdating niya.

"What are you doing here?" sabay-sabay na tanong ng apat nang makahuma.

"Is that your way of greeting me?" nakangusong maktol niya. "Wala man lang bang, WELCOME TO NORTHVILLE UNIVERSITY EUANN!?"

"WELCOME!?" mangha at sabay-sabay na tanong ng mga ito. "What do you mean by that?"

Napangiti siya ng matamis sa tanong ng mga ito. "Tada!" Imbes na sagutin ang tanong ng mga ito ay tuwang tuwang iwinagayway at ibinalandra niya ang pin id niya. "Surprise!" halos ay pumalakpak pa siya dahil sa matinding tuwa. Halos ay lumuwa ang mata ng mga ito nang makita ang hawak niya. "At last! Dito na ako mag-aaral! That means, palagi na tayong magkakasama!" tuwang-tuwang niyakap niya ang mga ito. Sa kanila kasing magkakaibigan ay siya lang ang naiiba ng pinapasukang unibersidad. Ngunit ngayon ay napagpasyahan na niyang lumipat doon. Namamanghang inilibot niya ang tingin sa paligid. "Infairness, ang lawak ng school na ito ah."

"Kami ba talaga ang dahilan ng pagtransfer mo dito?" taas ang kilay na tanong ni Zian sa kanya dahilan upang bumalik ang pansin niya sa mga ito.

"Hay naku, tinatanong pa ba iyan?" naiiling na sagot ni Hazel.

"Oo nga." sabat ni Sydney. "For sure, si Rodney naman talaga ang ipinunta niya dito."

The three rolled their eyes.

"Uhmm-"

"Gosh! I really can't believe you!" mabilis na sansala ni Zian sa sinasabi niya. "You only transfered here because of that Rodney? Ughh! Ang sakit ng ulo ko sayo!" maarteng tinutop nito ang noo at minasahe ang sentido.

"You're really doing your plan huh?" walang emosyong sabat naman ni Lian.

"Well, sabihin na lang nating oo." sagot niya upang matapos na ang panenermon ng mga ito. Tsaka isa pa, totoo naman ang hula ng mga ito. Si Rodney ang pinakadahilan niya kung bakit siya nagtransfer doon. "And I'm so excited already! Iihhhh!"

"Tumigil ka nga kakatili! Para kang serena ng bumbero diyan!!" Sydney hissed and covered her ears. "Kung alam mo lang sana kung gaano kasakit sa tenga!"

"At huhulaan ko," sabi ni Zian. "Kami na naman ang inirason mo kina Tita Rhea kaya ka nila pinayagang lumipat dito?"

"Oo." parang balewalang sagot niya. Natiplak ng tatlo ang mga noo.

"Grabe! Ang talino mo talaga Euann! Bilib na sana ako eh kaso di mo naman ginagamit ng maayos! Hayzztt! Kailan ka ba titino at titigil sa kakapantasya sa lalaking iyon? Sa totoo lang, nakakaumay na! Wala na bang bago sa iyo?"

Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon