Chapter 11 - The Failed Revenge

206 15 0
                                    

DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART

Chapter 11

Nang matapos ang klase nila ay nauna nang lumabas ang propesor nila. Isinukbit na niya ang gucci backpack niyang bag at naglakad na palabas ng classroom nila. Sa wakas! Sabado na rin bukas! Makakapagpahinga na din siya. Sobrang stressful ang week na ito dahil walang araw yata na hindi siya badtrip dahil sa letseng Vince na iyon. Kelangan niya yatang magpasalon at magpamassage nang wala sa oras dahil pati mga cells niya sa katawan ay nabadtrip nito. Kung first week pa lang ngayon at grabeng frustration na ang naramdaman niya, paano na lang sa mga susunod pang mga araw? Naku! Mabilis yata siyang tatanda doon! Huwag naman sana! Hindi pa sila nagkakakilala ni Rodney kaya hinding-hindi siya makakapayag na mangyari iyon! Ayaw niyang magmukhang lola sa harap ng pinakamamahal niyang crush. Dapat ay siya lang ang pinakamaganda sa paningin nito, wala nang iba!

Naglalakad na siya sa hallway at kitang-kita niyang nagsilabasan na rin ang ilang mga estudyante sa kani-kanilang classroom. Uwian na talaga ng oras na iyon.

Habang naglalakad ay iniisip na niya ang mga gagawin niyang activities bukas.

'Bukas, pupunta ako sa Derma-Spa-Salon na pag-aari namin. Kelangang marelax naman ang mga muscles ko. Lalo na ang mga muscles ko sa mukha! Sobrang nastress talaga ako dito the whole week! I need rest to refresh myself from this frustration! Mangungulubot mukha ko dito nang wala sa oras! Hayyy! Badtrip talaga! Ayoko pang magmukhang lola! Kaya dapat, I should stay beautiful para mapansin ako ni Rodney Babyloves! Hihihi...'

Hindi pa siya nakakalayo ay naramdaman niyang may humawak sa braso niya at ipinihit siya paharap. Nagsalubong ang kilay niya nang makita ang madilim na mukha ni Vince. Ano na naman bang problema nito???

"What?" taas ang kilay na tanong niya.

"If you think that you can easily leave just like that after you embarrassed me in front of other people as if nothing happened, well you're absolutely wrong! I won't let you! We're not yet done!" he said angrily.

She smirked. "So, anong gagawin mo?" taas ang kilay na hamon niya dito.

"This!" he answered and pinned her in the wall. Bago pa man siya makapagreact ay sinakop na ng labi nito ang labi niya. He kissed her angrily. He was really upset and mad. Aminado siya doon dahil ramdam niyang masakit ang labi niya.

Hindi niya napaghandaan iyon kaya maang na napatigagal siya.
Sa sobrang gulat niya ay natulala siya at halos hindi nakahuma. Para siyang tuod na nanigas sa kinatatayuan at hindi siya makagalaw. At dahil dilat ang mga mata niya ay kitang-kita niyang pinagtitinginan sila ng mga estudyanteng dumadaan. Nagbubulungan pa ang mga ito.

"Vince's new fling?"

"New flavor of the week?"

"Gosh! Dito pa talaga sila naghalikan sa hallway?! Ba't di na lang sila kaya pumunta sa private room?"

"Di na talaga nagbago ang lalaking iyan! Womanizer! Playboy! Tsk!"

"For sure, kawawa na naman iyang bagong biktama niya! Tsk tsk tsk!"

"Oo nga! Maganda pa naman! Transferee yata kaya hindi niya alam ang ugali ng lalaking iyan!"

Gusto niyang maluha dahil sa galit at hiyang nararamdaman nang mga oras na iyon ngunit pinigilan niya ang sarili. She will never cry in front of this jerk! Inipon niya lahat ng lakas niya. Ngunit bago pa man niya ito maitulak ay lumayo na ang lalaki sa kanya. Gusto niya itong sampalin, sabunutan at bulyawan dahil sa kapangahasan nito ngunit sa hindi malamang dahilan ay ayaw bumuka ng labi niya at nanlalambot ang mga buto niya. Nakakapanghina at nakakapanginig tuhod ang halik ng lalaking ito. Mabuti na lang at nakasandal siya sa pader kung hindi ay baka kanina pa siya napaupo sa sahig. Wala siyang nagawa kundi maang at tulalang napatitig na lang dito. He smiled at her devilishly. Inilapit nito ang bibig sa punong tenga niya. Pakiramdam niya ay tumayo lahat ng balahibo niya sa katawan niya nang dumapo ang labi nito sa sensitibong balat niya. Parang may nakakakiliting kuryenteng dumaloy sa ugat at himaymay niya sa katawan lalo na nang maramdaman ang mainit nitong hininga doon. Napalunok siya nang wala sa oras. Ramdam na ramdam niya ang bilis ng pagtibok ng puso niya na tila may mga dagang naghahabulan sa loob ng rib cage niya. Hindi niya maipaliwanag ngunit ang pakiramdam na idinudulot ng ginagawa nito ang tanging dahilan kung bakit napigil niya ang paghinga.

Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon