Chapter 15 - His Pride

185 13 0
                                    

DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART

Chapter 15

Pagkababang-pagkababa niya sa kotseng naghatid sa kanya sa university ay agad na nagbulungan ang mga estudyanteng nakakita sa kanya.

"Di ba si trending queen iyan?"

"Grabe 'yung picture ano? Ang laswang tingnan!"

"May mukha pa pala siya para magpakita at pumasok?"

"Kung ako sa kanya, magda-drop out na lang ako dito."

She just rolled her eyes at taas noong naglakad. Isinalpak na din niya sa tenga ang earphone upang wala siyang marinig, baka kasi hindi siya makapagpigil eh may makalbo siya nang di oras.

Oo tama, nakakahiya talaga ang larawang iyon. Pero grabe naman makapagsalita ang mga ito! Parang isang napakalaking krimen niyon! Eh sa totoo lang, hindi naman niya iyon ginusto ano!

Pero naisip niyang kesa mastress siya sa mga mala-fiction story ng mga ito sa kanya, hahayaan na lang niya ang mga ito. Wala na din siyang pakialam dahil naniniwala sa kanya si Rodney na hindi niya iyon ginusto. At ang pananaw lang naman nito ang mahalaga sa kanya. Habang inaalala niya ang gwapong mukha nito ay hindi niya maiwasang mapangiti ng lihim at kiligin.

Kaya ang mga babaeng ito na wala nang ibang ginawa kundi ang magkumpulan at magtsismisan, the hell she care with them!
Magkikibit balikat na lang siya at hindi na lang papansinin ang mga ito. Ano ba namang mapapala niya kung papansinin at magpapakaapekto siya sa sinasabi ng mga taong ito na wala nang ibang ginawa kundi mamuna at makialam sa buhay ng iba? Ayaw niyang magsayang ng oras at ayaw niyang magpakapagod para lang sa wala. Bahala na lang ang mga ito sa iniisip at pinagsasabi ng mga ito. Wala na siyang pakialam dahil una sa lahat, wala namang katotohanan ang ibininintang ng mga ito sa kanya. She knew herself and she's not that kind of person.

Ilang sandali pa'y nakarating na din siya sa building nila. Pagkatapak na pagkatapak pa lang niya doon ay agad siyang sinalubong ng department chairperson nilang si Mrs. Peralta.

"Miss Balmaceda? Follow me!" she commanded authoritatively. Napakaseryoso ng mukha nito kaya kinabahan siya. Tahimik na tumango siya at pagkatapos ay sumunod siya dito. Pilit niyang pinakalma ang sarili dahil mukhang kailangan niyang magpaliwanag dito. Kailangan na rin niyang ihanda ang sarili dahil mukhang alam na niya ang pag-uusapan nila.

Ilang sandali pa'y pumasok sila sa function room ng building nila. Napatda siya at natigilan sa pagpasok nang makitang naroon din ang ibang professors ng engineering department. Napalunok siya. Mukhang maiinterrogate at maha-hotseat yata siya nang wala sa oras. Parang gusto na lang niyang kumaripas ng takbo palayo doon. Ngunit bakit niya gagawin iyon? She need to clean her name from that effin issue!

"Come in." yaya ni Mrs. Peralta. Tumango siya at pagkatapos ay pumasok doon.

Isang nakabibinging katahimikan ang namayani sa loob nang dumako ang tingin ng lahat sa kanya. Yumukod siya bilang pagbati at pagkatapos ay nakayukong sumunod siya sa ginang.

"Sit over there." turo nito sa isang bakanteng upuang nasa bandang kanan nito. Tahimik na tumalima siya.

Para silang nasa isang business meeting sa itsura at ayos nila. Ang department chairperson ang nakaupo sa unahan at gitna, habang sila ay nakaupo palibot sa mahabang mesa.

"Well, morning everyone." seryosong bati at panimula nito.

Napangiwi siya. Ni wala man lang salitang "good" ang pagbati nito. Ang ibig sabihin niyon ay badtrip at hindi maganda ang umaga nito. 'Lord please tulungan mo ko... Wag mo akong hahayaang masentensiyahan nila.. Gusto ko pang mabuhay.. Inosente ako dito!...' she prayed silently. Paanong hindi siya kakabahan at matatakot eh mukha pa lang ng mga professor na kaharap niya ay mukhang terror na ang mga ito. Kung makatingin nga ang mga ito sa kanya, parang gusto siyang sakmalin at kainin ng buhay.
Kung nasa isang pelikula lang siya ay aakalain na niyang nasa lupon siya ng mga kulto at bampira. At mamaya lang ay ihahain at iaalay na ang target at biktima ng mga ito which is her. Pero siyempre hindi iyon totoo dahil parte lang iyon ng imagination niya.

Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon