Chapter 21 -His Cute Side

163 12 1
                                    

DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART

Chapter 21

DAHIL gusto niyang mag-thank you kay Rodney sa pagligtas nito sa kanya ay nag-bake siya ng cupcake para dito.

Excited at masayang nagtungo siya sa tambayan nilang magkakaibigan. Kumunot ang noo niya nang bumungad sa kanya ang nakabusangot na mukha ng tatlo. Kung siya ay masaya, ang mga ito naman ay kabaliktaran ang nararamdaman.

"O, ba't ganyan mukha niyo? Talo niyo pa ang namatayan at natalo sa sugal." pang-iinis niya. Inirapan lang siya ng mga ito. Naiiling na lang siya. Ayaw niyang pansinin ang mga ito dahil ayaw niyang masira ang magandang mood niya.

"Nabalitaan namin ang nangyari. Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong sa kanya ni Lian.

"Medyo masakit pa ang ilang parte ng katawan ko pero kaya ko naman."

"Nagkapasa ka pa. Desperada talaga.ang Cheska na iyon." naiinis na sabi ni Sydney.

"Buti na lang at suspended sila kung hindi talagang makakatikim siya sakin!" si Hazel.

"Para sakin ba iyan?" tanong ni Lian at inginuso ang nasa harapan niyang box.

"Hindi para sayo ito! Don't you even dare touch it!" nakangusong mabilis niyang inilayo iyon dito. "Para kay Rodney lang ito."

Tumaas ang kilay nito. "Hay naku, nagpagod ka lang, sayang ang effort mo." sagot nito.

"At bakit?" taas ang kilay na tanong niya.

"May seminar ang mga editor in chief sa Cebu. They'll stay there for 2 days."

"What?!?" napahumindig siya sa sinabi nito. "Why you didn't tell me?" naiinis na tanong niya dito.

"Because you didn't ask me." parang balewalang tugon nito. Napabuga na lang siya. Nakakainis! Sayang talaga ang effort niya. Aanhin niya ngayon ang mga niluto niyang cupcake? Sayang naman kung itatapon lang niya. "Since, wala ka namang pagbibigyan niyan, bigay mo na lang samin."

Akmang iaabot niya iyon nang may maalala. Mabilis din niyang inilayo iyon dito.

"Hindi, may pagbibigyan ako nito." sagot niya. Napasimangot na lang ito sa sinabi niya. Oo tama, ibibigay na lang niya iyon kay Vince. Muli ay susuyuin na naman niya ito. Alam niyang hindi din naman nito iyon tatanggapin kaya kapag tinanggihan nito iyon ay saka na lang niya iyon ibibigay kay Lian.

Alam na niya ang gagawin at magiging reaction ni Vince ngunit susubukan pa din niya. At katulad ng paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili, hinding-hindi siya susuko. Never say die ika nga nila.

Ilang sandali pa'y pumasok na siya sa klase niya nang araw na iyon. Papasok na siya sa classroom nang makasalubong niya si Lance sa pintuan.

"Kumusta Euann? Ok ka na ba?"

Nagtatakang napatitig siya dito. Naguguluhan siya sa tanong nito. Anong ibig nitong sabihin sa mga sinabi nito? Tila nahulaan naman nito ang nasa isip niya kaya agad itong nagpaliwanag.

"Di ba pinagtripan ka ng grupo ni Cheska kahapon?" usisa nito. Marahan siyang tumango. Tila noon niya naintindihan ang pinupunto nito. Napabuga siya. Ang bilis talaga kumalat ng tsismis.

"Yeah, ok na ako." sagot niya at ngumiti ng tipid. "Thanks kay Rodney, kung hindi lang niya ako iniligtas, baka lumpo na ako ngayon." dagdag na kwento niya. Ilang sandali pa'y lumarawan ang matinding pagtataka sa mukha nito. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. "Sige, pasok na ako sa loob." paalam niya at mabilis itong tinalikuran. Pagkapasok niya sa loob ng classroom ay mabilis niyang ikinalat ang tingin upang hanapin si Vince ngunit mukhang hindi pa ito dumarating. Nagkibit balikat na lang siya at tahimik na tinungo ang upuan sa likod. Pagkaupung-pagkaupo niya sa upuan ay nakita niyang papasok naman ang hinahanap niyang binata. At katulad ng dati ay blangko na naman ang ekspresyon ng mukha nito. "Morning Vince." nakangiting bati niya nang makalapit ito. Tinapunan siya nito ng malamig na tingin na mukhang nakasanayan na din niya. Walang kangiti-ngiti at parang walang nakitang nagpatuloy ito sa pag-upo sa sariling upuan.

Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon