Chapter 32 - The Confession

121 10 0
                                    

DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART


Chapter 32

(A/N: inhale exhale guys... haha pakiusap... magbehave kayo... XD anyways, enjoy reading... ;-)



"HERE, drink this para mawala iyang hangover mo." napasulyap siya sa mug na iniaabot sa kanya ni Vince. Nang mga oras na iyon ay kakatapos lang nilang mag-almusal sa balkonahe ng suite nito kung saan ay tanaw na tanaw nila ang pagsikat ng araw sa karagatan.

Tahimik na inabot niya ang mug na may lamang black coffee. Habang umiinom siya niyon ay tahimik naman itong tumanaw sa dagat at pinagmasdan ang pagsikat ng araw.


"Vince?"


Nagtatakang nilingon siya nito. Napalunok siya at pagkuwa'y tumikhim upang tanggalin ang bikig sa lalamunan.


"Pwede ka bang magkwento sakin tungkol sayo?" tanong niya. "Para malaman ko kung anong dapat kong gawin. Para malaman ko kung anong gusto at ayaw mo. I just want to avoid hurting you again just like what happened yesterday. I'm so sorry about that.. again."


Sumilay ang isang ngiti sa labi nito sa sinabi niya. A smile that give her a warm feeling.


"Saan mo gustong magsimula ako sa pagkukwento. You're free to ask anything.."

Nakaramdam siya ng tuwa sa sagot nito. Does that mean he's already opening the door for her to enter his life? She was really happy... a lot...


"Who's Cassandra?" tanong niya. Naku-curious siya tungkol sa family background nito. Base naman kasi sa naresearch niyang information tungkol dito ay unico hijo ito ng parents nito. Kaya imposibleng kapatid nito ang babae. Ngunit kapag naaalala niya ang text sa kanya ni Renz ay naisip niyang siguro ay meron nga itong kapatid. Ah ewan! Ang gulo! Naguguluhan talaga siya. Kaya hangga't maaari ay gusto niyang malaman ang lahat-lahat tungkol dito kung hahayaan siya nito.

Matagal bago ito sumagot. Ilang sandali pa'y napabuntong hininga ito at malungkot na tumanaw sa dagat. Nang mga oras na iyon ay parang gusto niya itong yakapin.


"She's... She's my twin.."

Nagulat siya sa sinabi nito. Wait, twin? Ito? May kambal? Bakit at papaanong nagkaroon ito ng kakambal? Kung ganoon ay nasaan ang kakambal nito? Ang daming katanungan ang gumugulo sa isip niya. Hanggang sa maalala niya ang sinabi ni Renz... "He lost his sister 13 years ago." Napaisip siya, may kinalaman ba iyon kung bakit ayaw nitong magcelebrate ng birthday nito? Kaya hindi nito itinuturing na espesyal ang mismong kaarawan nito? Dahil ba iyon sa pagkawala ng kambal nito? Akmang magtatanong siya nang magpatuloy ito sa pagsasalita at pagkukwento.


"She died 13 years ago.. We lost her sa mismong birthday namin at iyon ay dahil sa mismong kagagawan ko." malungkot na kwento nito. "We're six years old then. Our parents decided to celebrate our birthday in our own ship. Then sa mismong araw na iyon, nagalit ako sa kanya dahil kinuha niya yung gift ko sa kanya without asking my permission. Then I got mad and I pushed her. And it's too late for me to realize na nasa tabi kami ng pool. Nauntog siya at nawalan ng malay bago tuluyang nahulog sa pool. I tried to save her and I did but hindi ko siya magising.. Then dumating yung parents namin upang ipunta siya sa clinic. Pero hindi na yun nangyari dahil bigla na lang sumabog yung barko. I wanna pass out that time pero inisip ko ang pamilya ko. Kaya pinilit kong lumaban.. Hanggang sa makita ko ang parents ko na nakakapit sa isang lumulutang na bagay. Wala silang malay at duguan. Then I remembered Cassandra kaya hinanap ko siya. Nakita ko siyang nakabitin sa isang parte ng palubog at nasusunog na barko. Pinilit kong lumangoy palapit doon pero bago pa mangyari iyon, sumabog yung kinaroroonan niya.. Noong magising ako, nasa hospital na ako. Siya ang una kong hinanap.. Noon ko narealize na never akong naging mabuting kapatid sa kanya. Lagi ko kasi siyang inaaway at pinapaiyak.. Inaamin ko.... Andami-dami kong pagkukulang sa kanya.. At noong mga panahon na iyon naisip ko na, gusto ko nang bumawi sa kanya... Gusto ko nang maging mabuting kapatid sa kanya.. I was hoping for that to happen pero tuluyan nang ipinagkait sa akin ang pagkakataon na iyon... because... she didn't survived the tragedy... Ang sakit-sakit... Sobra... Kasi kung kailan ako nagising at nagkaroon ng rason para magbago tsaka pa nawala yung tanging dahilan na pinanghahawakan ko.. Nagsisisi ako sobra... Kasi kasalanan ko ang lahat... Kasalanan ko kung bakit siya nawala... Kung may malay lang siya nang mga panahon na iyon siguro... siguro buhay pa sana siya.. sana nakaligtas din siya... sana hindi siya nawala samin.. Kung kaya ko lang ibalik lahat ginawa ko na kaso kahit anong gawin ko.. Wala na siya. At walang anumang bagay ang makakapagbalik sa kanya.."


Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon