Chapter 40 - The Surprise

145 14 0
                                    

DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART


Chapter 40


Nakangusong napangalumbaba siya sa mesa at sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli siyang napasulyap sa pambisig na orasan.

"Alas nuebe na ah... Bakit wala pa ang lalaking yun?" nagtatakang tanong niya at muling napabuga.

Hindi pa kasi niya nakikita si Vince mula pa kanina. Hindi pa ito pumapasok sa mga subjects nito. May balak ba itong umabsent ngayon? Bakit kaya? May masama bang nangyari dito? Hindi niya napigilang makaramdam ng pag-aalala dito lalo na at hindi man lang siya nito tinawagan o kaya ay tinext man lang. Nakakapanibago talaga kapag wala ito sa paligid niya. Ang boring at nakakalungkot. Nasanay kasi siya sa presensiya nito. Lalo na at walang lumalambing at nagpapangiti sa kanya ngayon. She have to admit, she missed him so much..

Napabuntong hininga siya at dinukot ang cellphone niya sa bulsa. Nagbabakasakaling nagtext ito ngunit nanlumo siya nang makitang wala siyang nareceive ni isa mang text o tawag nito.

'Aaahhh! Ano bang nangyari dun?! Is he ok?' tanong ng isip niya at napasulyap kina Renz at Lance na abala sa pagkukwentuhan. Nang hindi siya makatiis ay lumapit siya sa dalawa.

"Nakita niyo ba si Vince?" usisa niya.

"Hindi." sagot ng mga ito.

"Hindi ba siya papasok?"

"I don't know. Di ba siya nagtext o tumawag man lang sayo?" nagtatakang tanong ng mga ito. Malungkot na umiling siya. "Baka nalate lang na gumising. Darating din yun siguro mamaya."

Tumango na lang siya sa sinabi ng mga ito. Pilit niyang pinasigla ang sarili at ngumiti ng pilit sa dalawa.


"Sige, salamat.. I better go ahead.." paalam niya at mabilis na tinungo ang pinto. Lumabas na siya doon. Malungkot at walang siglang naglakad siya sa hallway. Hindi pa man din siya nakakalayo ay may narinig siyang mga nagmamadaling mga yabag. Nagtatakang iniangat niya ang tingin sa dinaraanan at pakiramdam niya'y bigla siyang nabuhay at nagkaroon ng kulay ang mundo niya nang makita niya si Vince na tumatakbo patungo sa direksiyon niya. Makita lang niya ito ay nakakaramdam na siya ng labis na tuwa at lahat ng lungkot niya ay bigla na lang naglahong parang bula. There's really something in this man that makes her feel so alive. Halos ay napigil niya ang paghinga habang pinagmamasdan niya itong tumatakbo. Ganon na talaga kalakas ang epekto sa kanya ng lalaking ito.

Habang papalapit ito sa kinatatayuan niya ay bumabagal naman ang pagtakbo nito. Ilang sandali pa'y habol ang hiningang tumigil ito sa harap niya.

"Sorry... I'm late... Goodmorning.." hinihingal na paumanhin nito at hinalikan siya sa noo. His action and sweetness made her smile.

Nakangiting pinahid niya ang pawis sa noo nito. "No, you're just in perfect time. Come." hinawakan niya ito ng mahigpit sa kamay at hinatak pababa ng building.

"Hey! Hinay-hinay lang sa pagtakbo!" saway nito sa kanya ngunit tinawanan lang niya ito at hindi pinansin. Nagpatuloy siya sa paghatak dito palabas ng building nila. "Where are we going?" nagtatakang tanong nito sa kanya habang tumatakbo sila.

"You'll know later." sagot niya at binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi na lang ito umimik sa sinabi niya. Ilang sandali pa'y nakarating na sila sa swimming gymnasium. Tinungo nila ang makipot na hagdan patungong rooftop.

"Anong gagawin natin dito?" nagtatakang tanong nito nang makarating sila doon.

"Basta." sagot niya at hinatak ito sa gilid kung saan ay tanaw na tanaw nila ang buong campus. "Do you love me Vince?" tanong niya at hinarap niya ito. Noon siya nakaramdam ng kaba sa balak niya. But at the same time, she felt so excited. Ngayon na kasi niya balak sagutin si Vince. Kaya halos ay nalungkot na siya at nawalan ng pag-asa kanina nang wala pa ito. Ang akala niya ay masasayang lang effort niya sa pag-aayos at pagpaplano ng lahat. But now, no one can hinder her plan. Gusto na kasi niyang maging official sila ni Vince.

Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon