DESTINY UNLEASHED: MY STOLEN HEART
Chapter 14
Sa sobrang inis at galit niya ay hindi na siya pumasok sa klase niya. Para saan pa? Wala siyang gana at badtrip siya. For sure ay pinag-uusapan pa rin ang issue tungkol sa larawan hanggang ngayon. At kahit pumasok siya ay hindi rin siya makakapagconcentrate. Sino ba naman kasi ang hindi mababadtrip sa nangyari? Nagmukha na siyang easy to get at malandi dahil sa larawang iyon. Hindi naman niya ginusto iyon! Ang magpahalik sa letseng Vince na iyon ang nakakasuklam at nakakasukang bagay na gagawin niya sa buong buhay niya. At ang nakakainis pa ay kumalat na ang lintik na larawan na iyon sa buong university. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa ibang tao? Sa mga estudyante? At sa mga professors? At ang labis na kinakatakutan niya ay ang makita iyon ng parents niya. Naku, wag naman sana.
At ang isa sa mga labis na kinaiinisan din niya ay ang mga tsismosa sa university na iyon. Kung makapagsalita naman ang mga ito, akala mo kung sinong magaling at malinis! Nakakainis lang talaga! Wala namang kaalam-alam ang mga ito sa totoong nangyari, kung makainsulto at makapanghusga wagas!
Sa totoo lang, sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya napahiya ng ganoon. At kasalanan lahat iyon ng Vince na iyon. Sigurado siya, pinlano nito iyon tulad ng banta nito. Marahil ay nagbubunyi na ngayon ito dahil sa nangyari. Isang bagay na lang ang hinihiling niya.. Sana naman ay hindi na makarating ang issue sa parents niya kung hindi ay baka matadtad na siya ng buhay ng mga ito.
Pagkagaling niya sa building nila ay agad na nagtungo siya sa locker room upang magpalit ng swimming attire niya. Nang humarap siya sa salamin ay napamura siya at napatadyak sa pader nang makita ang ilang kalmot sa leeg at gilid ng mukha niya. Medyo mahapdi din iyon. Nakangiwing hinaplos niya iyon at pagkatapos ay matamang tinitigan ang mukha sa salamin.
'Pinapangako ko Vince, pagsisisihan mong nakilala mo pa ako! I will make you fall for me! Humanda ka!' iyon ang paulit-ulit na isinumpa niya sa sarili nang mga oras na iyon.
Tinungo na niya ang swimming pool. Pinili niya ang pinakamalalim na parte ng swimming pool at napagpasyahang tumapat sa linyang iyon. Isinuot na niya ang goggle sa mata. Nag-stretch muna siya at pagkatapos ay inihanda na niya ang sarili upang magdive sa tubig. Nag-ipon muna siya ng hangin sa baga bago nagdive.
Swimming used to be her favorite sports. Maliban doon ay pangtanggal din niya iyon ng negative feelings niya. Katulad ngayon, badtrip siya, galit, naiinis, upset, stressed and frustrated. Sa pagsuswimming kasi ay mas nailalabas niya ang lahat ng mga nararamdaman at nakakalimutan ang mga pangyayaring ayaw niyang alalahanin.
Kapag ginagawa niya iyon, she always find peace. At nakakatulong sa kanya ang malamig na tubig upang mawala lahat ng stress niya.
Habang lumalangoy siya ay pilit na sumiksik sa isip niya ang lahat ng mga sinabi sa kanya ni Vince simula noong una silang magkabangga...
.
.
.
.
.
.
."I'm sorry, I didn't mean to bumped you. Ikaw din naman kasi eh. Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo. Iba na talaga kasi kapag may nakikitang gwapo."
"Sorry your face! Do you know how to knock?!? Naturuan ka ba ng good manners sa bahay niyo?!? Why aren't you applying what your teachers taught you in school with those gmrc and values education subjects!!?? Please! Get some manners!! Will you???"
"What are you doing here?? Don't tell me, sinusundan mo ko? Hindi pala type ha?"
"Well miss, to tell you honestly, hindi naman kasi tawiran ang kalsadang iyon kanina. Kung ipinamumukha mong muntik na kitang masagasaan, please I beg your pardon, it's not my fault! At kung nasagasaan din kita kanina, hindi ko na rin iyon kasalanan. Kung alam mo lang sana kasing magbasa eh di sana, wala kang sinisisi ngayon. So, if you're expecting me to apologize, well I'm proud to say that I won't. And I will never apologize for someone's stupidity!"
BINABASA MO ANG
Destiny Unleashed 1: My Stolen Heart (COMPLETED)
Teen FictionDESTINY UNLEASHED SERIES 1: MY STOLEN HEART Teaser: Euann spend her time loving Rodney. Matagal din niyang inalagaan ang nararamdaman niya dito. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang makasama ito sa pagtanda niya. Kaya naman lahat ay gagawin niya p...